Umulan sa Jalajala nitong nakaraang undas. Maputik sa lumang sementeryo, puno naman ng tent sa Garden of Peace Memorial Park sa katapat. Maraming tao. Mga taga bayan at mga tagabaryo. Marami ding taga ibang bayan at taga Maynila ang aking nakita. Kumpara sa Pasko, Mahal Na Araw at Fiesta, sa aking palagay, tuwing undas mas maraming tao sa Jalajala. Dahil sa dami ng tao at mga sasakyan, nagkakaroon ng heavy traffic (oo, nagta-traffic sa Jalajala) at kailangan ng traffic re-routing at mga one-way na daanan. Tiba-tiba ang mga tricycle driver.
Bihira na ang nakikita kong mga batang nag-iipon ng tulo ng kandila sa hugis bola para dalin sa school at gamiting floorwax. Siguro ay nadyadyahe na agad sila. Mga feeling binata’t dalaga kaagad, ginagaya ang mga napapanood sa TV. Marami din akong nakitang grupo ng mga bakla na parang nagfa-fashion show habang naglalakad sa loob ng lumang sementeryo. Paiksian at pasexy-han ng suot na kadalasan namang napapagtawanan lang at kinukutya. Siguro para sa kanila, wala silang pakialam sa ganun.
Nagmisa sa Garden, pagkatapos naman ay sa lumang sementeryo. Inabutan ko ang dalawang misang iyon, aksidente lang, at hindi sinasadya. Nag-iikot din ang kapulisan ng Jalajala, nagpapaalala ng mga bagay na pinagbabawal nila, gaya ng pag-iinom, pagsusugal at pagpapatugtog ng malalakas na musika sa loob ng sementeryo.
Marahil alam nyo na ang patawang ang Garden of Peace daw ay ang libingan ng mayayaman habang pang-mahirap lang ang lumang sementeryo. Sa tingin ko ay hindi naman. May mga kamag-anak akong nakalibing sa dalawang himlayan na iyon. Hindi lahat ng nasa Garden ay mayayaman. Karamihan ay middle-class families. Iilan lang naman ang masasabing mayayaman sa Jalajala. Sa isang banda, marami pa ding may kaya ang nakalibing ang kanilang mga mahal sa buhay sa lumang sementeryo. May kanya-kanya silang rason kung bakit iyon ang kanilang nais.
Bago mamatay si Teodoro A. Agocillo (kilala nyo sya, sya ang nagsulat ng mga history books natin nung nag-aaral pa tayo), ninais nya na ang maiksing tulang iyon ang isulat sa simpleng kahong gawa sa Narra na paglalagyan ng kanyang abo kapag siya’y namatay na. Ninais naman ni Jose Rizal na ilibing siya sa Paang Bundok (kung saan nandun ang Manila North Cemetery ngayon) at maglagay lang ng isang krus at lapida kung saan nakalagay ang kanyang pangalan, araw ng kapanganakan at kamatayan. Yun lang at wala ng iba. Ayaw din niyang gunitain pa ang kanyang death anniversary. Eh kaso, nandun siya ngayon sa Rizal Monument sa Luneta at bawat taon, ginugunita natin ang annibersaryo ng kanyang kamatayan.
Naisip ko ang mga bagay na ito nitong nakaraang All-Siants Day, habang pinagmamasdan ang mga taga Jalajala na nasa sementeryo at kapiling ang mga mahal sa buhay na namatay na. Ilan kaya sa mga namatay na iyon ang may mga kahilingan bago sila namatay at kung natupad ba ang mga iyon. Malamang karamihan sa kanila ay hindi na nakapagsambit man lang ng last wishes. Pero may mga kilala akong tao na ngayon pa lang ay sinasabi ng nais nilang sa Garden Of Peace ilibing. Ayaw na daw nilang makisiksik sa lumang pantyong.
Ikaw, saan ka?
Achecheche….

Buong kalawakan ang nais liparin
At ang kalangitan ang ibig marating;
Ngunit tingnan ninyo ang kinahahantungan
Sandakot na abong di mapakinabangan!