Thursday, September 13, 2007

hmmmp! nakakainis kayo! (and other news)

Di nyo kasi sinuportahan ang jalajalasecret blog nyuknyuknyuk... Dalawa lang yan, either walang kwenta yung naisipan kong yun o ayaw nyong i-share ang inyong mga sikreto kahit walang makakakilala. Malamang wala kasing kwenta un naisip ko (d-oh!).
Eto na lang. May nag-suggest na i-compile ko daw ang mga featured persons ng blog na ito. Hmmmm, after careful deliberations, good idea nga yun. Kaya eto ang sariling site ng mga na-featured:


Nandito na din lang tayo, baka di nyo pa nakikita ang site na ito:


***

current events :
KARERA - nauuso ang karera ng tricycle at motorsiklo sa Jalajala ngayon. Hindi lamang mga taga Jalajala kundi mga tagakaratig bayan (Tanay, Baras, Morong) ang nagpupunta sa bandang Brgy. Punta dahil may stretch ng kalsada dun na diretso at mahaba. Dun sila nagpupunta dahil bihira lamang ang mga nagdadaang sasakyan duon at malayo sa huli ng mga pulis. Illegal kasi ang mga karerang ganun. Malalaki ang pustahan lalo na kapag mga taga ibang bayan ang magkakarera. Subalit natunugan na rin naman ito ng kapulisan kaya lie-low muna sila.
BANGGAAN, PATAY - Nung isang gabi, dalawang lalaking taga-Tanay ang namatay nang bumangga ang motorsiklong sinasakyan nila sa isang jeep na kasalubong nila sa may highway sa Brgy. 1st District. Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ng motorsiklo at nang nag-overtake ito, bumangga sila sa kasalubong na jeep. Ayon pa rin sa mga saksi, "bulag" ang jeep o iisa lang ang gumagana nitong headlight at sa kadiliman ng gabi, malamang ay inakala ng driver ng motor na isa ding motorsiklo ang kasalubong nila dahil iisa ang ilaw.
Sabi nga ni Ely Buendia, "marami ang namamatay sa maling akala".
AHAS - Sa hospital naman, nagkagulo daw ang buong hospital staff sa isang pangyayari nung isang linggo. Ayon sa kwento ng isang nakausap ko, na narinig lang din ang kwento sa isang nakausap nya, na narinig lang ang kwento sa mismong nurse na nandun daw, may isang babae daw ang isinugod sa hospital para manganak. Nailabas naman ang bata ng maayos subalit sabi daw ng babae, may gumagalaw pa daw sa loob ng tiyan nya, meaning kambal. Hinipo daw ng doktor ang tiyan at sinabing may gumagalaw pa nga.
Makalipas ng ilang minutong pag-iri, laking gulat daw ng doktor nang ulo ng isang maliit na AHAS ang lumabas sa pwerta ng babae. Nagtakbuhan daw ang staff na nasa loob ng kwarto at hindi na nakita kung saan nagsuot ang ahas na galing sa tiyan.
Hindi ako makapagtanong kung gaano katotoo ang pangyayaring ito. Ikaw, kaya mo bang magpunta sa hospital natin at itanong kung may babae ngang nanganak ng ahas?
"Uuuhhh... excuse me po... may... may nanganak po ba... err-- kasi po... uhhhh... itatanong ko lang po... may... may nanganak po ba ng... ng ahas dito?"

17 comments:

Anonymous said...

*Banghirap talaga ng walang magawa ano?

someone you dont like.. said...

jalajalasecret blog?? dont need it, like erap once said "my life is an open book" but not his bank book hehehe

KARERA - i want a DUCATI bike..

BANGGAAN, PATAY - uuhh never mind..

AHAS - oh my god!! ZUMA has been born!! run for your liifee!!... aaaaahhh...

paolo said...

anonymous, oo, mahirap talaga hehe

someone, your life is an open book? pero ayaw mo ilagay real name mo nyuknyuknyuk

Anonymous said...

korek ko lang ang tungkol sa nanganak ng ahas hinde po gling sa buntis ang ahas gling po ito sa higaan ng ating hospital kadiri nga ang higaan doon sana po research muna ng nag email sayo kung totoo or not

lesliebabes

paolo said...

leslie, hindi galing sa email ang istorya.

"Ayon sa kwento ng isang nakausap ko, na narinig lang din ang kwento sa isang nakausap nya, na narinig lang ang kwento sa mismong nurse na nandun daw..."

tsaka malamang talagang di galing yun sa tiyan ng buntis hehehe

Anonymous said...

if ever true un chorvah ng nurse,,..and kung galing un sa chan ng nanganak..ibig sbhn..nakasalisi ang ahas sa mister ng babae..cgro akala nung gurl..sa asawa nya ung pumasok sa chorvah nya..ahas pla..hahaha!!! wooowww!!! jalajala's amazing story huh? hehehe.. :P


`ada

paolo said...

hahahahahaha... ang sama naman nun, ahas labas-pasok sa... sa... hahahaha

Anonymous said...

hahahha cute naman ahas na lumabas sa chuba chu chu hahaha for sure nga sa kama yon lumabas e buti di palaka ang biglang lumundag hahahhaha




blue

aladybug said...

old story n yun me kakambal na ahas, kailangan alagaan din ang ahas kc kpag namatay yun mamatay din yun tao. that story seems to live like forever, sa movies, komiks (meron p b) at pati dito sa blog buhay pa rin ang kwento hehe parang gusto ko na tuloy maniwala :P

paolo said...

para bang un ahas daw sa robinsons na anak nung may-ari ng mall :P

dom said...

saluti dall italia i see your blog

paolo said...

dom, i saw yours too :)Dov'รจ il bagno?

someone you dont like.. said...

speaking of reptile snakes, reptile which means they lay egg, right? are chicken reptile too??.. ;D

paolo said...

eh bakit ang mga female human, they lay egg sa loob nila then will be fertilized by male sperm. reptile din tayo? :P

someone you dont like.. said...

curse you writer!! curse you for your logical thinking and witty reply!!.. you haven't seen the last of mmeee.. i'll beee baaacckkk.. i'lll bbeee bbaaacckkkk!!..... (puff)***

chandave said...

hehehe astig naman ng kwento nyo,,
pero wala yan sa kwento koh,.
space ship ni kokey natagpuan sa isang bakanteng lote sa isang subdivition sa general trias cavite. ayon sa mga nakasaksi para itong isang palto na napakalaki..
ang pinagtataka lang nila bakit me kasamang kutchara sa tabi..
whahaha

paolo said...

nyahahahaha nabalitaan ko nga yan. may kasamang tinidor yan, natagpuan sa dasma cavite...