Sunday, November 11, 2007

belleza reunion, 2007

Nabalitaan ko last week na may reunion daw ang mga Belleza sa basketball court sa munisipyo. Naisip ko “lahat ng mga taga Jalajala nandun?” Nyuk-nyuk-nyuk… Uki, exaggerated yun, I know, pero kamtotinkopit, madami talagang Belleza sa Jalajala, di ba?

Nasabi ko sa sarili ko, I have to be there kahit hindi nila ako kapamilya’t kapuso; hindi para makikain sa nabalitaan kong maraming pagkain, kundi para makita ko mismo ang kasiyahang iyon.

Sabado night, Nov. 10, around 9pm. Nagpunta ako sa court para manuod. Nasa kalagitnaan na ata sila ng kanilang kasiyahan nung dumating ako dun. Maraming tao sa loob ng court, halos mapuno. Nagsasayawan sila nung dumating ako, mukhang masaya silang lahat. May kasama pang sigawan ang mga nagsasayawan. Marami akong taga-Jalajala na kakilalang nandun pero madami ding mga bagong mukha. Siguro taga Maynila. May emcee na english kung magsalita kaya sa tingin ko ay galing Isteytsayd pa ang iba sa mga andun. May nakatabi akong kakilala na isa ding Belleza. Nalaman ko sa kanya na hindi pala yun reunion ng buong angkan ng Belleza sa Jalajala kundi isang sanga lang sa family tree ng kanilang angkan. Pero halos lahat ng Belleza na kakilala ko ay nandun.

Hindi ako mahilig sa mga reunions. Sa mga batch reunions namin sa school, ang total number ng napuntahan ko ay… zero. Pero iba ang mga family reunions, lalo na ang mga reunions ng magkakapamilya na hindi naman talaga lagi nagkikita-kita. Higit yung reuinions ng mga pamilya na ngayon lang magkikita-kita. Mabuti yung ganun para malaman mo kung ang bagong kakilala mong nais mong ligawan ay hindi mo pala pinsan. Pero dahil hindi naman nila ako angkan, nakita ko yung mga taga Jalajala na magkakamag-anak pala. Magpinsan pala si ano tsaka si ano, magkamag-anak pala sila.

Talented ang mga Belleza. Marami silang intermission numbers. May mga kumanta ng pop songs, may taga Tate na kumanta, na sabi dun ay kasali sa isang musical play back home. May mga dance numbers din sila na kitang-kita na talagang in-enjoy nila, na sa huli ay in-enjoy din ng mga nanunuod.

Hindi lang talented, madami din talagang magagandang Belleza. Maganda ang lahi nila. Meron din sigurong mag gwapings sa kanila pero di ko na napansin. Syempre, mas concentrate ako sa mga girls hehehe…

May prepared dance number din daw sila Tita Brendz subalit maghahating-gabi na kasi, hindi ko na nahintay. Iniintay ko ding sumayaw yung isang Belleza na naka white pants at may black inner blouse na balita ko ay suki ng sayawan nung teens pa siya. Subalit hindi ko siya nakitang sumayaw, baka ayaw na lang niyang masapawan niya ang mga bagong Belleza teens kaya mas minabuti na lang niyang mag-give chance to others hehehe…

Pero isipin nyo lang, kung magpa-family reunion ang buong angkan ng isang pamilya, mula sa kanunu-nunuan, makikita natin na lahat pala tayo dito sa Jalajala ay magkakamag-anak.

Dahil ultimately, ayon sa Bibliya, galing tayong lahat sa dalawang tao lamang.


***
  • magpo-post ako ng pictures ng reunion nila kung may magbibigay sa akin from their family :)

8 comments:

Anonymous said...

Pao,
Ang mga Belleza ay kamaganak mo rin. marami sa kanila ay napangsawa
ng angkan mo. kaya marami sa kanila ay first or second cousin mo.
Dahil sila ay talagang tiga JJ.
Alalahanin mo ang Udyok ay BElleza.

paolo said...

errrrrrr... hayaan nyo na lang po ako magtago at maging anonymous kya wag nyo akong ibuko hehehe

pero totoo, madami ako kamag-anak na nandun.

Sharlyn said...

PAO... Nakakaasar ka andun ka pala.. di ka manlng ngpakita... at alam mopa suot ko ha.. nkita moba baby ko? saya ko nun araw nayun.. next year meron uli pero mas mlaking angkan ng belleza... bakit di mo ko kinunan ng picture? hehehehehe...

Si tita brends di na sumayaw nagtampo kasi sa ate ko di umuwi, di tuloy nadala pam plantsa sa hair nya.. ayaw nya sumayaw ng pangit hair.. landi diba.. tinmad nrin mag attend..

Anonymous said...

Aga ng reunion ah, parang november pa lang ata, cguro fully book na ang court for dec hehe

paolo said...

sha, nasa harapan mo kaya ako pero as usual, di ka na naman makapansin gaya nung 90's errrrr... wala ako dala cam, sayan nga, di ko man lang nakuhanan ng video or pix.

anonymous, November reunion nila kasi merong may birthday sa angkan nila, sinabay na rin ang reunion sa bday.

Sharlyn said...

pao di kita nkita ha... promise.. bka sabihin mo suplado ako.. di ah

Sharlyn said...

suplada pla heheheheh

paolo said...

sharlyn, i was 5 feet in front of you hehehe nakatungo ka kasi :P