Wednesday, February 10, 2010

Uy, Kamusta na?

Ang tagal kong nawala. Sana naman ay may nakapansin na nawala ako haha... Kamusta na? Masaya ba ang pasko mo? Anong bago ngayong bagong taon?

Dami ko kasing ginawa nitong nagdaang tatlong buwan. Nagtanim (farmville), nagpalago ng negosyo at pamilya (mafiawar) at kung ano-ano pa. Napaka-productive di ba? Eh ikaw, anong bago sa iyo?

Kung mapapadaan ka ulit dito at wala ako, baka gusto mong dumalaw din kay Goyo, isang taga Jalajala. Eto excerpt ng isang sinulat nya:

Isang ordinaryong araw, isang araw na nakakapagod, mainit at nakakatamad. Na-tripan ko na tumambay sa pantalan ng G.Seña, malapit sa Manila Water, sa ilalim ng puno ng kamatsile, sa ibabaw ng isang papag, mahimbing akong natulog. ZzzzZZzz. Pagkagising ko... (click here to read more)
O siya, hanggang dito na lang muna. Mag-aani pa ako.

3 comments:

goyo said...

salamat sir.. :)

tayo tayo lang ang blogger sa jalajala e. hehe.. meron pa kong kilalang isa..si Ian, nasa blogroll ko sya.. :)

ikalat mo sa facebook ang links ng blogspot mo. para mamulat ang mga taga-jalajala sa ganito. hehe.. ganun ginagawa ko.hehe..

paolo said...

add mo ko sa facebook :)

Anonymous said...

It's kumusta not kamusta :)