Wednesday, April 16, 2008

"itlog" ni rosemarie sa jalajala

Unang nakilala si Rosemarie Joy Garcia sa isang pelikulang may pamagat na “Itlog” na kinuhanan sa Jalajala Rizal nuong 2002. Mag-aapply sana siyang entertainer sa Japan subalit namataan siya ng Seiko Films at kinuhang artista.

Ang pelikulang “Itlog” ay tungkol sa isang babaeng napilitang magpakasal sa isang mas mayamang matandang lalaki (na ginampanan ni Celso Ad Castillo) na nagmamay-ari ng isang duck farm sa Jalajala para mabayaran ang utang ng pamilya ng babae. Nakasama nila sa duck farm ang isang ex-con na binata na inampon ng matanda at dito napukaw ang damdamin ng dalaga para sa binata. Dumating din sa duck farm ang anak na lalaki ng matanda na gustong kuhanin ang kayamanan ng ama. Dito umikot ang istorya ng pelikula.

Ayon sa film review ng Catholic Initiative for Enlightened Movie Appreciation, ang pelikulang “Itlog” ay umikot sa temang KKK, kalaswaan, kasakiman at karahasan. Ganun pa man, nakilala sa pelikulang ito si Rosemarie Joy bilang hubad na bidang babae. Di nagtagal, nasundan pa ng ibang pelikulang may katulad na tema na kanyang pinagbidahan gaya ng “Bakat”, “Kasiping” at iba pa. Mas naging sikat pa si Rosemarie Joy ng makuha siyang talent ng GMA-7 Network kung saan lumabas siya sa Bubble Gang, Engkantadia, at nasundan pa ng iba pang sikat na shows.

Naging regular din siyang nakikita sa mga magazines at tinanghal pang isa sa mga pinakaseksing babae sa Asya.

Malamang ay kilala nyo na si Rosemarie Joy Garcia na mas kilala sa pangalang Diana Zubiri.

Anong kaugnayan ni Diana sa Jalajala?

Dati ko kasi siyang ex-gf na aking hiniwalayan dahil ayoko na sa kanya. True story. Peksman.



*download/view sample video clip of Itlog HERE (for adults only)

Monday, April 14, 2008

no kubeta (sa jalajala), an i-witness documentary

Kadalasan, masarap ang pakiramdam kapag nati-TV, kahit saglit lang makita ng mga kakilala mo ang iyong karakas sa TV, masaya ka na. Kahit pa nga ang bayan mo, kapag na-TV, masarap ang pakiramdam. Proud ba.

Maliban na lamang kung ang paksa ay gaya nito.




pasintabi po sa mga kumakain...

Ayon sa I-Witness documentary ni Sandra Aguinaldo, wala raw kubeta sa lugar na ito sa Jalajala. Hindi ko alam kung saan talaga sa bayan natin ang kuha sa dokyumentaryo, pero kung babasahin ang report na ito mula sa Inquirer.net at sa pinoypress.net tungkol sa dokyu ng I-Witness, tipo bang sinasabi nila na sa buong Jalajala, karamihan ay walang palikuran.

Ekskyus meeeeeeeeeeeeeee… like DUH! Wala raw comfort room sa town natin? Hindi kaya, meron po, no? Nakakahiya the report to my friends…

Hindi natin maikakaila na ilan nga sa mga kababayan natin ay wala talagang kubeta. Pero para isipin na karamihan ay walang C.R., hindi naman ata tama yun. Madali kasing paniwalaan iyon ng mga taong hindi pa nakakapunta sa bayan natin, mas lalo na yung di pa naririnig ang lugar natin. Iisipin talaga nila na malayo tayo sa sibilisasyon.

Pero, subalit, datapwat, may mga katanungan tayong dapat itanong, at sana ay masagot. Unang-una na ang sino ba ang mayor nyo? Sino ba ang mga dating mayor nyo at hanggang ngayon ay may mga lugar pa ding walang kubeta.

Madaling sisihin ang pamahalaan natin, lokal man o nasyonal. Hindi nga ba’t tungkulin nilang pagandahin ang buhay ng kanyang mga nasasakupan? Lalo na iyong mga basic necessities gaya ng malinis na inuming tubig, katahimikan, maayos na kapaligiran, at iyon na nga, palikuran para sa mga nangangailangan.

Pero para sa isang pangangailangan na kayang-kaya naman nating gawan ng paraan, bakit pa natin iaasa sa iba, bakit pa natin idudulog sa mayor? Hindi ba natin kayang gumawa ng sariling kubeta, kahit iyong hinukay lamang? Kahit naman walang toilet seat, basta may isang lugar lamang na tinutuwaran kapag nadudumi ay ayos na. Para lamang hindi nakakalat ang iyong sama ng loob na maaaring maapakan mo, kainin ng alaga mong aso, o kaya ay maamoy ng iyong kapitbahay. Sabi ng katabi ko, mainam na rin daw iyon dahil pataba sa lupa ang ebs ng tao. Ewwwww… kahit pa. Kakainin mo ba ang pechay na pinataba ng tae ko?

Sa akin lang naman, hindi dahilan ang kahirapan para sabihing sa bukid na lang tatae, sa damuhan, sa gubat, o gaya nung napanood natin sa dokyu, sa tabi ng isang poste.


Tuesday, April 1, 2008

gagawing subdivision ang jj?

Mainit na balita at mahalaga para sa iyo.

Simula ngayong April 1, magdadatingan na ang mga naglalakihang trak at buldozer sa may Brgy. Bayugo at sisimulan na ang pagtatayo ng isang malaking subdivision na sasakop sa kalahati ng Bayugo hanggang parte ng Gitnang Bayan.

Napag-alaman ko sa isang very reliable source na naibenta na ng mga de Borja, na sinasabing nagmamay-ari ng Jalajala, ang parteng ito ng lupa sa isang grupo ng Fil-Chinese businessmen at Taiwanese investors. Mapapaalis sa kanilang tinitirahang lupa ang mga taga Jalajala na maaapektuhan.

Sinubukang pigilan ang proyektong ito ng lokal na pamahalaan ng Jalajala subalit wala silang nagawa ng ipagpatibay ang proyekto ng Korte Suprema.

Sa iba pang mahahalagang balita.

April 1 today na mas kilala sa buong mundo bilang April Fool’s Day kung kailan sinasabing wag kayong maniniwala sa mga bali-balita lalo na kung hindi kapani-paniwala. Ang mga naniwala sa mga gawa-gawang balitang ganun ay sinasabing April Fools.

Pero alam nyo ba na sa kalendaryo ni Chuck Norris, pakatapos ng March 31 ay April 2 kaagad? That’s right. Because nobody can fool Chuck Norris.

Corny.

Friday, March 28, 2008

patawad sa holy weeks


Pre, nakauwi ka ba ng Jalajala nung Mahal na Araw?

Oo nga e, bitin nga yung holiday. Dapat two weeks ang Holy Week, dagdagan natin ng “s”. Sarap din kasi sa Jalajala, laid back, recharged ka talaga. Lalo na nung mga bata pa tayo, di ba? Kapag Mahal na Araw na, ibig sabihin, simula na ng summer vacation. Mag-uuwian na rin sa bayan yung mga magagandang taga Maynila, rawrrrr… Dumadami ang tao sa Jalajala, tas hanggang Fiesta na sila sa atin. Aakyat pa nga tayo ng Santong Lugar nuon para makasilay, tas pag-uwi, pahinga lang ng saglit ta basketball naman maghapon. Pagdating ng gabi, prusisyon naman para makasilay ulit. Nitong huling Holy Week, dami pa ding chikababes, di ko na nga lang mga kilala. New generations hehehe…

Pero natatandaan ko nun, may mga bagay akong ayaw tuwing Holy Week. Di ba bakasyon yun, madami kang nakakasama kaso KJ ang mga oldies. Bawal daw magsaya, bawal maingay. Patay daw ang Diyos. Dapat daw magluksa. My golly, inang, panahon pa ni kopong kopong yung kaugalian nyong yun. Pero sympre, sila ang nasusunod. Yung bawal maligo sa Holy Friday, ayos lang yun. N/A. Not applicable sa akin hehehe

Isipin mo din pre, kahit ngayong malalaki na tayo, masasabi mo bang sinisiryoso mo ang tunay na essence ng Holy Week? Na namatay si Jesus para masagip tayo, para mapatawad tayo sa mga kasalanan natin, para magpatawad tayo sa mga nagkasala sa atin, tulad ng pagpapatawad sa ating mga pagkakasala sa iba. Siguro kapag nagsisimba lang, maiisip natin yun pero the whole holiday vacation? Aba eh. bakasyon lang talaga. Sarap eh.

Ang masarap din, yung ipapako din natin sa krus yung mga taong nagkasala sa atin hehehe Nine-inch-nail sa mga kamay at paa nila. May mga tao kasing nagkasala sa atin na mahirap patawarin, mahirap sabihin na pinapatawad na kita at kalimutan na natin.

“Hindi pwede, eto ang pako sa yo. Tanga ka kasi eh, alam mo ng mali ang ginawa mo, ginawa mo pa rin. Magdusa ka sa krus mo. Sasamahan ko pa ng koronang tinik, yaaaahhh!!!”

Okay sana yun no? Pero isipin mo din pre, wala ka din bang kasalanan sa iba? May mga taong mas matindi ang kasalanan sa iyo, oo, pero may mga nasaktan ka ding tao. At sa kanila, gaano man kaliit ang kasalanan mong iyon, nasaktan pa din sila at may hawak din silang pako na handang ibaon sa mga kamay at paa mo. Kahit pakong bakya.

Maipapako mo ba sa krus ang mga taong may kasalanan sa iyo kung ikaw mismo ay nakapako din sa krus at nagdurugo ang mga kamay?

Oo nga, mas mainam na nga yung “I’m sorry” at “I forgive you”.

“He who has no stone cast the first sin.”

Errrrr… parang baligtad ata.

Monday, March 17, 2008

taga jalajala sa youtube



"zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...."

Kuya Jeran, nakatulog.

shhhhhh...

Thursday, March 13, 2008

francisco gellido, world boxing champion

June 18, 1923, Polo Grounds in New York. Sa harap ng 20,000 boxing fans, kalaban ni Filipino boxer Francisco Gellido ang isang dating kampyon na nagngangalang Jimmy Wilde para sa bakanteng World Flyweight Championship. Isang baguhang boksingero laban sa isang dating kampyon. Mainit ang laban ng dalawang boksingero. Fourth round, napabagsak ni Gellido si Wilde pero matibay ang dating kampyon at muli itong nakatayo. Pagdating ng round 5, muling bumagsak si Wilde pero hindi pa dun nagtapos ang laban. Round 7, habang isinisigaw ng mga tagahanga ang kanyang pangalan, isang kanang suntok ang binitawan ni Gellido sa katunggali na dumapo sa panga nito. Mula round 1, iba’t ibang suntok ang natikman ni Wilde mula kay Gellido subalit sa tagpong iyon sa round 7, busog na sa suntok ang dating kampyon. Goodnight Wilde, sweet dreams. Itinanghal na world flyweight champion si Francisco Gellido at hindi na nito binitawan ang korona hanggang sa kanyang kamatayan. Hindi na rin muling nakapag-boksing si Wilde.

Taong 1994, nakasama sa International Boxing Hall of Fame si Francisco, kasama ang isa pang sikat na Filipino boxer, si Flash Elorde. October of 1961, napunta ang pangalan ni Francisco sa Boxing Hall of Fame ng Ring Magazine.

Ipinanganak si Francisco sa Pilipinas nuong August 1, 1901 sa mag-asawang Rafael at Augustine Gellido. Apat silang magkakapatid. Subalit hindi naging maganda ang kanilang buhay pamilya at naghiwalay ang mag-asawa. Napunta ng Amerika si Rafael at naiwan si Francisco sa pangangalaga ng kanyang ina. Tumulong sa pamilya ang batang Francisco at nung 11 years old na ito, may naging kaibigan siyang isang boksingero at dito nagsimula ang kanyang buhay gamit ang kamao. Nagpunta ng Maynila ang magkaibigan at taong 1919, unang lumaban sa kanyang first professional fight si Francisco. Pagkalipas ng dalawang taon, isa na siyang Philippine Flyweight Champion. Nakilala siya ng isang Amerikanong boxing promoter na nagngangalang Frank Churchill at naging manager ang isang nagngangalang Paquito Villa.

May 1922, nakatanggap ng imbitasyon si Francisco para lumaban sa Amerika. Pagkalipas ng isang buwan, lumaban sa kanyang unang American fight si Gellido at tinalo nya si Abe Attel Goldstein. Nanalo pa siya sa mga sumunod niyang laban at madali siyang nakilala ng mga taong mahilig sa boxing. September 15 1922, kalaban ni Gellido ang American flyweight champion na si Johnny Buff. Pagdating ng round 11, naghihilik na si Buff sa canvas ring habang itinatanghal na kampyon ang batang boksingerong galing Pilipinas.

Samantala, nagtatrabaho naman sa New Jersey si Rafael Gellido. Isang araw, may ipinakitang larawan ang isa nitong katrabaho. Larawan iyon ng boxing champion na si Francisco. Pagkakita ni Rafael, laking gulat nya ng makita niyang kamukhang-kamukha nya ang kampyon. Pinuntahan ni Rafael ang boksingero.

“Your madre- was she name Augustine?” tanong ni Rafael sa sikat na boksingero.

“Si.” sagot naman nito.

“Then look good at me. I am Rafael- your Poppa!”

Biglang sinuntok ng boksingero ang tatay nya dahil iniwan sila nito. Patay ang matanda….

(Joke! Hehehe) Ang totoong nangyari, binigyan ni Francisco ng $500 ang kanyang ama at sinabihang mag-resign na sa trabaho. Marami pang laban ang ipinanalo ni Gellido at pinagbunyi siya ng kanyang mga kababayan nang magbalik sya sa Pilipinas.

July 14, 1925, namatay sa Amerika si Francisco dahil sa tooth infection. Ibinalik ang kanyang labi sa Pilipinas makaraan ng isang buwan at inilibing sa Manila North Cemetery. He was 23 years old. Ang kanyang professional record ay 109 fights kung saan nanalo sya ng 98 na beses, 25 by way of knock-out.

Sino si Francisco Gellido? Mas kilala siya sa pangalang Pancho Villa, sinasabi ng ilan na pinakamagaling na Asian boxer of all time.

May kaugnayan ba siya sa mga Gellido sa Jalajala? Aba ewan, malay ko.


*source : Time Magazine

Tuesday, March 11, 2008

tagong paraiso



Ito lang ang masasabi ko : "bidyo to, bidyo, bidyo"

Kung hindi mo alam kung saan sa Jalajala ang lugar na ito, malamang ay hindi ka talaga taga-Jalajala o kaya ay hindi mo pa nalilibot ang buong bayan. Baka nga isipin mo na hindi talaga sa Jalajala ang kuha sa video. Do yourselves a favor and go find this place before progress destroy this enchanting hidden paradise.

Bata pa ako nung huli akong makarating sa parteng ito ng Jalajala. May lupa sa bundok ang tiyo ko malapit dito at tuwing Linggo ng umaga, sumasama ako sa kanya pag-akyat sa bundok. Natatandaan ko pa, may isang puno ng balete sa bundok ng tiyo ko na gusto niyang maalis. Pinapaputol nya ito sa kanyang katiwala duon subalit tumanggi iyon dahil may ispirito daw na nakatira sa puno. Dahil hindi naniniwala ang tiyo ko dun, pinaputol padin niya ang puno.


Ilang taon ang lumipas, namatay sa cancer ang tiyo ko. Kalahati ng kanyang mukha ay nasira dahil sa sakit. Sinasabi ng mga matatanda na ang ispirito daw sa puno ang may kagagawan niyon.

Totoo man iyon o hindi, ang mahalaga ay binabasa mo ang sinusulat ko (nyuk-nyuk-nyuk)...


Monday, March 10, 2008

"ken lee"

Patawa to start the depressing Monday... (tinalo pa ang knock-knock jokes ng pinoy hehe)
.

Saturday, March 8, 2008

"lunas" sa jalajala

"Lunas" a film by Peter Dizon shot last February in Jalajala, Rizal. Starring Ms. Gina Pareno and Bobby Andrews.




Photos courtesy of (and additional pictures) :

Bianxky

Teresa Barroso

Cornellskid

Friday, March 7, 2008

shine jesus shine

A special Sunday mass presentation of John Paul Integrated Montessory School of Jalajala.

Shine Jesus shine...