“Hindi ko sigurado” sagot ko habang inaayos ang mga gamit na dadalin pag-akyat ng Santong Lugar, “eh ikaw?”
“Di ko rin alam, bahala na” sagot niya pagkatapos ilagay sa bag ang mga pagkaing kakailanganin namin sa pag-akyat.
Hindi kami nagpapatawa ng pinsan ko, yun kasi ang narinig naming sabi-sabi. Kapag daw sinabi mong aakyat ka ng Santong Lugar, siguraduhin mong aakyat ka nga dahil kung hindi— uhhh… hindi ko alam kung ano talaga ang mangyayari, basta may masama daw mangyayari sa ‘yo. Bagama’t may halong biro, wala namang mawawala sa amin kung susunod kami sa sabi-sabing iyon.
Teka, ano at saan nga ba ang lugar na ito? Bakit naging santo?
Ang Santong Lugar ay matatagpuan sa isang bundok malapit sa barangay Bagumbong. Ayon sa aking napag-alaman, nuong May 1909, nagpuputol ng mga kahoy ang ilang mga tao kasama na dito si Felipe Reyno sa nasabing lugar sa bundok. Isa sa mga punong pinutol niya ay puno ng maulawin. Dinala niya ang puno sa Sta. Cruz Laguna upang ipagbenta ngunit walang bumili ng naputol na puno. Isang nagngangalang Tomas Santos ang nagmakaawang hingin na lamang ang maulawin upang gawing poste. Nung June 4, 1910, nang putulin na nila ang katawan ng puno, nakita nila ang imahe ng Virgin Mary sa kahoy. Sinasabing nagmimilagro ang kapirasong kahoy na ito na pinupuntahan ng maraming tao. Nasa simbahan ito ngayon ng Aglipay sa Sta. Cruz kung saan ang imahe ay kilala sa tawag na Our Lady of the Virgin of Maulawin. Malamang ay totoo nga ito dahil nakita ko mismo ang parte ng kahoy na ito sa nasabing simbahan.
Sinusunod ng mga taga Jalajala ang tradisyong pag-akyat ng Santong Lugar tuwing Biyernes Santo ng Mahal na Araw. Subalit hindi katakataka na huwebes pa lang ng gabi, may mga makikita ka ng mga kabataang naglalakad na para sa tatlong-oras na lakarin papunta ng Santong Lugar. Sila yung mga masisipag o kaya naman ay nagmamagaling. Kami ng mga pinsan ko? Alas-singko ang lakad namin samantalang ang karamihan ng tao eh alas tres ang lakad. Alas-singko kami naglalakad sa daan papuntang Lower Mapacla, papasikat na ang araw, bago pa lang kami nagsisimulang umakyat ng bundok. Pagkaraan ng tatlong oras at pitong bundok, parating pa lang kami sa lugar, marami na kaming nakakasalubong na pauwi na. Hulaan nyo kung ilang beses na naming narinig ang “papunta ka pa lang, pabalik na ako” mula sa mga kakilalang nakakasalubong.
Pagdating dun, ano ang makikita sa lugar? Maliban sa isang parang maliit at sira-sirang kapilya, halos wala kang makikitang may kaugnayan sa pagiging santo ng lugar o ng araw. Makikita mo dun ang mga kabataang mukhang nag-camping, mga kabataang nakaupo at nagpapahinga sa ilalim ng mga puno, tinitingnan ang mga taong dumadating at umaasang makikita din sila at mapapansin ng mga taong dumadating. Mga taong galing sa ibat-ibang barangay. Karamihan ng grupo ng mga kabataang umaakyat ng Santong Lugar, may mga kasama silang mga chikababes na shempre, inaalalayan ng mga lalaking kasama nila sa pag-akyat. Tsansing ba kahit sa kamay lang. Kung cute yung guy, malamang ay laging nagpapadulas sa inaapakan yung babae. Ang ipinagtataka ko lang, marami akong nakikitang mga taong nakapusturang-pustura sa itaas ng bundok, mga parang aattend ng christmas party. Yung bang mga naka make-up o naka polo na naka tuck-in at ang paborito namin, yung babaeng naka high heels, totoo, peksman. Yep, pinagtatawanan namin ang mga taong iyon. Malamang ay pinagtatawanan din nila ang pinsan kong nagpunta dun sa unang pagkakataon. Ang pinsan kong nagdala ng skateboard.
Oo, skateboard sa bundok.
Hindi niya nagamit.
May ilan kaming mga pag-akyat na di ko makakalimutan. Isa na rito nung umulan nung gabi, kinabukasan, putik na putik ang dinaanan namin. Kawawa ka kung di tama ang suot mong sapatos. Lalo na kung nakatsinelas ka lang. Mahirap ang pag-akyat namin nun ngunit masaya. Padamihan ng dulas. May mga pasaway pang nagtatali ng mga damo sa daanan kaya kung aanga-anga ka, mapapatid ka dun pagnadaan mo. Eh salagay di ko nakita eh. Isang beses namang napaaga kami ng akyat, eksaktong inabot kami ng pagsikat ng araw sa pinakatuktok ng bundok na walang mga puno kundi mga talahib lang. Pagsikat ng araw, sinabayan ng mahinang pag-ambon. Para kaming “the hills are alive with the sound of music” pero Bed of Roses ni Bongeovie ang tugtog sa radyong dala namin. Uso kasi yun that time.
Isang beses naman, naligaw kami pauwi ng bayan. May nakaharang kasing mga kalabaw sa dadaanan namin. Bata pa kami nun at takot sa kalabaw. Nagmagaling ang isang kasama namin na may alam daw siyang short cut. Ayun, naligaw kami. May isang kubo kaming nadaanan na parang dalawang beses na namin dinaraanan. Parang umiikot lang ba kami. Malapit ng mag-panic ang pinsan kong taga-Maynila nun dahil kahit sa huni ng ibon eh kinatatakutan na. “Pare, ano yun? Ibon ba yun? Bakit kakaiba?” Prior to that, habang naglalakad kami sa bukid nung madaling araw, tinanong niya ako kung palay daw ba yung nakita niyang mga kugon. Di niya alam ang pagkakaiba. Dalawa ang naisipan naming solusyon na kahit ngayon ay di ko alam kung tama nga ba. Una, nagbaliktad kami ng damit. Ganun daw ang gagawin kapag naliligaw. Pangalawa, may nakita kaming ilog na walang tubig ngunit masukal. Naisipan namin na pababa ng bayan ang ilog kaya dapat naming sundan yun. Yun nga lang, kailangan naming pasukin ang mga baging at halamang nakaharang. Bahala na kung may ahas. Sa may hospital kami nakalabas ng sukal, pababa ng bayan. Pag-uwi namin, nabalitaan naming nagkaroon pala ng malaking sunog sa tuktok ng bundok, dun sa mga talahib. Marami daw ang muntik ma-trap at may ilan pang nasunugan ng buhok pagtakbo nila para makaiwas sa dila ng apoy. Buti na lang pala naligaw kami.
Katulad nga ng nabanggit ko kanina, tatlong oras ang lalakarin mo papuntang Santong Lugar at natural, tatlong oras din pabalik. Kung tunay kang lalaki (o kaya ay malakas na babae), ganun ang gagawin mo, round trip ticket, lakad papunta, lakad pauwi. Karaniwang pag-uwi namin, tulog kami maghapon dahil sa pagod. Paggising sa gabi, magpuprusisyon naman hindi dahil para magpakabait, kundi para makasilay sa mga chikababes, lalo na yung mga taga Maynilang chicks. Nuon yun, hanggang madiskubre namin na pwede ka palang sa Bagumbong na bumaba, mas malapit pero mas matarik na lakarin. Pagdating sa patag, sasakay na lang ng jeep pauwi ng bayan. Makakapag-basketball pa kami sa hapon bago magprusisyon.
Ano nga bang talagang mapapala sa pagpunta ng Santong Lugar? Hindi ko alam pero malamang ay aakyat ulit kami dun. Siguro. Bahala na.
7 comments:
The Virgin Of Mulawin as the old folks says really belongs to JJ.
By nature, people in JJ are very religious. The Holy week tradition
as I remember during the 60's and 70's were well celebrated. Folks from the city always come home to JJ for this event. Yun mga binata,they waited for this week to watch the pretty dalaginding coming from the city that participated in the procession. the
salubungan on Easter Sunday is a festive occasion too for the JJ. The folks from the barrios comes to the poblacion to watch the "Salubong " and heard mass. The folks and children after mass goes to the two houses that owns the Ressureccion and the Virgin Mary. See you on my next history telling.
i guess some things never change kasi hanggang ngayon, ligaw/silay prusisyon pa din hehe
pwede kaya magpetisyon ang Jalajala paa mabalik ang imahe ng birhen maulawin?
ikaw namn o, para kang bago ng bago hehehe. Ang kauna unahan kong pag akyat sa Santong lugar cguro nung HS pa ako kasama ko ang barkada meron p kaming bandera na sumisimbolo ng aming barkadahan, naging every year habit namin un. At ng lumaon inde na ako sumasama sa mga tropa ko marahil gusto ko ng ibang experience at dahil doon sa mga pinsan ko ako sumasama kahit na mahihina eh masaya naman kasama.... na kahit pagod na pagod eh ang lalakas pa din mag yosi.... At ng lumaon eh nagsawa kami pero inde natapos ang journey ko nagkaroon ako ng bagong mga katropa ng kung tawagin ay "Sininigang" na mahileg umakyat ng bundok, kaya hanggang ngayon patuloy p din ang pagpunta ko sa nasabing lugar... sa "Santong Lugar" =)
oo nga, nandoon kami ng tropa ko nung magkasunog sa tuktok ng bundok. umiba din kami ng daan. madami din kaming karanasan sa pag-akyat kagaya nung natae yung katropa ko tapos dahon ang pinangpunas niya. natatandaan ko pa na ma bukal ng tubig kang madadaanan sa may paanan ng bundok (from bentot)
bentot : baka may mga kwento ka pang gustong i-share, i-email mo lang
the first time i went up to "santo lugar" when i was in grade 4 i think.. back then you climb that mountain so you can pray.. i stop only when it gotten to be all social nonsense, the camping, the loud music etc.. you see teenagers walking around like they are in a mall with the hip hop gears they have.. no disrespect to the hip-hopers of course..
college palng aqoh nung first tym qng umakyat ng santong lugar.. xiempre excited kmi... at take note pag may ngtatanong smin kung sasama kmi ang sgot nmin,, "bahala na..." cguro kxe natatakot kmi sa paniniwala ng mga taga dun na may mangyayari dw n masama pg nangako at di tinupad... (savi nga walng masama kung mg-iingat)...
paakyat palng kakatuwa na,,, ang dami kxeng parang pupunta lng ng SM MALL... ung tipong todo postura n d bagay sa lugar...
tapoz my nagsiga pa sa daan... grave... nagkaroon ng sunog... ang laki ng apoy,,, nagkahhiwa hiwalay kaming magkakasama... adik kxe ung nauna sa aming umakyat ng tapon ng upos ng sigarilyo... (di na gnalang ang lugar)...
since nabanggit n ang pag galang... tila wala talagang pag galang ang ibnag pumupunta roon... ang kalat... as in parang hindi xa santong lugar... binabastos ng mga taong... wala pakielam sa kabanalan ng lugar... meron png mga taong walng gnawa kundi magpacute sa mga gwapo at magagandang dumadaan....
haaizt sana wag namnm ganun ang gagawin naten pag andun n tau sa santong lugar...
Post a Comment