Thursday, July 12, 2007

lengwaheng bayan

Iba talaga ang dating sa akin kapag nakakarinig ako ng mga nag-uusap na British ang accent. Kakaiba ang tono nila na parang may melody at iba ang ritmo, katulad ng salitang Korean at ng mga Ilonggo. Masarap silang pakinggan na di gaya ng German na parang nagtututbras atsaka magmumumog.

Iba din ang mga expressions ng mga British na kahit alam mong english words eh di mo agad-agad ma-gets ang kanilang sinasabi. Dito kahit papano ay nahahalintulad ang bayan namin. Meron kaming sariling pamamaraan ng pananalita na tubong amin lamang.

Halimbawa, kapag may nakakita sa aking taga-amin na chikababe, maaaring sabihin niya na “ang pogi talaga ni XXX.” Pagkatapos kong maligo at nakapagsuklay na, maaari niyang sabihin na “Bangpogi talaga ni XXX” na ibig sabihin ay MAS pogi pa sa “ang pogi” lang. Kapag nakajaporms na ako talaga at nakita ulit ako ng chikababe, sasabihin na niyang “bangkapopogi talaga ni XXX” na ibig sabihin eh pinakamataas na kwalidad ng kapogian kesa sa dalawang unang nabanggit.

Wala ng mas popogi pa sa akin sa bayan namin pero may mas mataas pa sa “bangkapopogi” na adjective. Ito ay sa pamamagitan ng pagsasabi ng “kupo, ano raw!!!” sa unahan. Hindi ka nagtatanong ng kung ano man yun, ito ay sasabihin mo as a statement na medyo mataas na tono ng boses na parang nagulat at di makapaniwala. Parang napasigaw ba, kaya pwede mo ring sabihin na ganun. Ang “kupo” naman ay hango sa “naku po”. Dapat ay may word na “aba” sa hulihan ng statement o pagkatapos ng sigaw na ang ibig sabihin ay tinatanggap mo talaga ang katotohanang nakita bagamat parang nagulat ka nung una.

Halimbawa, nakaligo na ako, nagsuklay at nakaporma na. Nakita ko din ang chikababe na nakatingin sa akin kaya nginitian ko ito. Halos matunaw siya sa kinatatayuan habang napabulalas na “ kupo, ano raw!!! Sigaw ako aba! Bangkapopogi talaga ni XXX!” sabay ikot at laglag ng panty.

May panget din kaming punto sa pagsasalita. Ito ay ang paglalagay ng karagdagang letrang “g” sa halos lahat ng salitang nagtatapos sa “n” gaya ng ang hipon ay nagiging “hipong”, unan ay “unang” o ang pinsan ay nagiging “pinsang”.

Gaya ng ibang lengwahe, may mga words din na di na ginagamit masyado ng mga kabataan ngayon na nauso dati. Gaya ng salitang “jerk”. Kapag nakasilay ka sa crush mo, sasabihin mong “naka jerk ako sa crush ko”. Di ko alam kung bakit o saan nagsimula iyon. Siguro, people starts acting like jerks kapag katabi ang crush. Kapag may sayad ang pag-iisip mo o maluwag ang turnilyo sa ulo, masasabihan ka ng “may tutut ka na ata ah” pero ang tutut eh hindi sound effect kapag na-censored ang foul words na sinambit mo sa TV. Tutut means crazy. Ang salitang “walastik” ay ginagamit din sa ibang lugar pero sa amin, ito ay “walanteng” o kaya ay "walandyo" na ang taas ng bigkas ay nasa parteng “lan” ng word. Parehas lang ang ibig sabihin nila sa walastik.

Ang salitang “hane” naman ay may ibat-ibang gamit ngunit hindi ito isang term of endearment like “honey”. Imbis na “punta ka sa amin ha?”, ito’y magiging “punta ka sa amin hane?”. Pwede rin namang imbis na “ang ganda-ganda ng palabas, di ba?” papalitan ito ng “bangkagaganda ng palabas, hane nga?”

Nga pala, bago ko makalimutang. Ang salitang “bangkapopogi” ay maririnig lamang kapag nasa bayang naming ako o kapag ako ang pinag-uusapang ng mga chikababes na gustong maka jerk sa akin. Tandaang nyo to hane, para di kayo matutut.

9 comments:

Anonymous said...

hahahaha ayos to ah. sino gumawa nito? -taga JJ din

Anonymous said...

hahahaa malamang na taga JJ ang gumawa hahahahaha - iloveJJ

paolo said...

- taga JJ nga hehe

Anonymous said...

an-no! bang kaga galing hane?

paolo said...

ay hu-o ka naman :P

Anonymous said...

an-no raw..... hangal hangal =)

-iloveJJ

bebe ann said...

teka lang....bakit hindi tagalog ang salita sa jalajala...e rizal din yun? may iba pa palang salita sa jj.....kakaloka

JBHAD said...

tagalog po un ate kaso medyo malalim nga lang at dumadami na din po ang "own slang words" sa jalajala pero tagalog pa din un =)

paolo said...

kahit sa ibang lugar naman, may ganun din. alam na alam natin ang mga salitang Tanay at Morong Rizal. buti na rin lang at di ako taga-duon hehehe