Malamang ay walang masyadong nakakakilala sa pangalang Bernard Belleza pero more or less ay nagdaan ka sa kanyang mga kamay kung lumaki at nanirahan ka talaga sa Jalajala. Paborito siya ng mga binata at mga babae. Pinagkakatiwalaan din siya ng mga magulang pagdating sa kanilang mga anak, lalo na yung mga babae. Isa siya sa mga importanteng tao sa bayan natin lalo na nung mga nagdaang taon. Sino si Bernard?
Si Bernard ang naggugupit ng buhok sa Jalajala. Natatandaan ko pa nung sa matandang Odyong Anago pa ako nagpapagupit. Di pa ata ako nagsusuot ng brief ng mga panahon na yun. Di kinalaunan, sa Arsing Anago naman, ang barbero ng Jalajala. Elementary pa ako nun at natatandaan ko, takot ako kapag aahitan na dahil sa matalas na pang-ahit ng buhok ng Arsing na pinapatalas pa sa isang parang sinturong balat na nakakabit sa barber’s chair niya. Kasa-kasama ko pa nun ang lolo ko habang nagpapagupit kaming dalawa.
Ngunit shemperds, nagbinata din ako at di na pupwede ang barber’s cut dahil naglalabasan na ang mga pimples, pumipiyok na lagi ang boses, lalo namang nakakahiya kung pang totoy ang gupit. Kahit sabihin mo sa Arsing na gupit binata, mukhang totoy ka pa rin pag-uwi mo. Anong solusyon? Si Bernard.
Mula umaga hanggang hapon, di nakapagtataka kung laging puno ang pagupitan ni Bernard, lalo na kung weekends. Kailangan mong maghintay o bumalik na lamang sa ibang oras o araw. Wala ka namang ibang mapupuntahan para magpagupit maliban na lamang sa Alice Gellido na di na talaga naggugupit nung mga panahong iyon, parang past times lang niya. Ganun ang makikita mong eksena sa araw kila Bernard, jampacked. Sa gabi naman, di ko na alam kung anong nangyayari sa loob dahil di pa naman ako napupunta dun sa gabi. Ikaw, nakapunta ka na ba dun ng gabi? Ikaw ha hehehe…
Ito ang dahilan kaya nasabi kong mahalaga si Bernard sa Jalajala. Isa siya sa iilan sa larangan ng paggugupit na hindi barbero. Bagamat masasabi nating iba ang lifestyle niya, maaaring may magsabi pang imoral, ang di natin maikakaila ay ang pagiging responsible ni Bernard. Nagsumikap siya para itaguyod ang kanyang sarili at pamilya. Hindi niya sinira ang reputasyon niya hanggang sa ngayon kaya marami pa rin ang naghahangad ng kanyang serbisyo. Kasama na rin shempre ang kanyang angking talento. Malapit na sa simbahan ang pagupitan ni Bernard ngayon ngunit ang pinakangnatatandaan ko ay nung nasa kanto pa ito ng JP Rizal, malapit sa 243 at sa bakery ng Rody.
Oo, si Bernard Belleza ay si Brenda. Ngayon, kilala mo na siya.
32 comments:
I thought you were referring to the late husband of Divina Valencia (one of the protagonists of the infamous ashtray-hurling-incident in the late Ate Lud's TV show) and the father of Dranreb Belleza (best friend of Jude Estrada who stole the show from Christopher de Leon in Eddie Romero's "Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon")who was shot at the height of his popularity.
Now, I know what keeps you busy these days.
Good writing. You'll give Jun Cruz Reye a run for his money.
Keep it up, Pao.
Mali po ang information mo, hindi po magkasabay si Alice Gellido at si Brenda. Mag research po muna maigi bago magsulat. Bago pa man magka Brenda ay Alice Gellido po muna at kung itatanong mo po ke Brenda..Saludo po sya kay Alice Gellido. Pero siguro dahil barbero ang tinutukoy mo, di mo nga malamaman na ang "Alice House of Beauty" lang ang parlor sa Jala-jala noon. HighSchool pa lang at nanliligaw pa si Brenda noon. Yan po ang nabanggit sa kin ni Brenda nung minsang nakapagpagupit ako sa kanya.
nick, andito ka pala :P di mo ba napansin, ginaya ko ang style mo ng pagsusulat kaso, i failed miserably hehe
anonymous, salamat sa info. kaya ko din ginawa ito ay para makapag-contribute ang mga taga atin ng mga bagay bagay. hindi ko sinasabing alam ko lahat kaya salamat sa info mo. ngunit, subalit, datapwat, wala akong sinabing magkasabay ang alice at si brenda. in fact, ang sabi ko, nung panahon ni brenda, hindi na naggugupit ang alice. kung naggugupit man siya, ito ay parang past times na lamang niya at karaniwan ay sa mga kakilala lang niya. wala din ako sinabing mas magaling si brenda kesa sa alice. sa katanuyan, nagpapagupit din ako sa alice nuon hehe
from sharlyn:
Hi jalajala rizal kapatid ito ni Bernard "Brenda" salamat sa artikulo mo tungkol sa aking kapatid...
Pinagmamalaki ko sya...
sharlyn, pabasa mo na lang sa kapatid mo ito hehe kung gusto mo, mag email ka ng picture niya para ilagay ko dito :)
Hay naku, mga bata pa nga kayo...Si Mita Vidallo ang nauna kay Alice na maging manggugupit at mangungulot sa JJ. Dahil nga mga bata pa kayo kaya hindi nyo alam. At siguro naman alam nyo na ang dalawang ito at mag-pinsan buo. Pareho silang nag-aral sa Maynila sa Guzman Institute sa Qiuapo. Dahil mas matanda si Mita kaysa kay Alice..Get it?
ayan, lumalawak na ang ating kaalaman. salamt po sa info. totoo po na di na namin inabot nung naggugupit ang Mita, maging ang Alice nung kapanahunan niya.
email nyo po ako kung may mga ibang kwento pa kayo na pwedeng mailagay dito. para maging parte na ng written history ng jalajala.
batay sa aking napag-alaman sa isang source na ayaw magpakilala pero malapit sa Alice, nagtapos ang Mita Vidallo sa De Luxe Institue sa Maynila nuong 1963 at sinundan naman ng Alice Gellido nuong 1976.
lahat ng nabanggit sa artikulo ay napagdaanan ko din lahat, as far as i know bago ko naging barbero ang odyong noon eh ang tita namin ang umaayos ng buhok namin magpipinsan un ay walang iba kundi c tita alice, inde ko din alam na beautician din pala ang tita mita. nung nawala na ang odyong ang arsing naman ang tumitirada ng hair ko, tatlong klase ang alam na gupit ng arsing kagaya din ng odyong dahil cguro sa mag kamag anak cla eto ang gupit kalbo, gupit binata at gupit "guya", pero bago p man din sumikat si bernard may isang manggugupit noon na nag ho-home service kung tawagin cia ay "Angel" sa kanya nagtitiwala ang nanay ko pero bigla n lang ciang nawala sa Jalajala. After that c Bernard n un huli kong natandaan and i think no one can defeat him =)
- iloveJJ
suki kami nian dati, tnx tita brenda inde kasi agad nia tinatapos ang kanyang service hanggat inde kami nagiging pogi hehehee =)
Well, another info for who is the first one. Maybe nobody knows na ang alam kong mangkukulot sa JJ ay si Gloria Belleza (Mainden name) Ate Glory kung tawagin sa JJ, siya ang nagmamay-ari ng birhen sa Sangtacruzan. Sya ang alam kong mangugulot nuon. ang bahay nila ay iyong pang lumang bahay. Bata pa sina Isabel....Kaya pag nagpakulot ka para kang ita... ha..ha..ha
now that you've mentioned it, parang pamilyar nga sa akin ang beautician na si "Angel" pero yung Glory, hindi ko na talaga inabot hehe
salamat sa info.
Buhay pa si Ate Glory at may tindahan sa tapat ni Dr. Avelino Gellido, Hindi na sya nagkukulot at may asawa na rin. Tiyahin sya ni Jolet the ex-mayor. In fact they almost own the hacienda of JJ if their father (Lolo Udyog) the grandfather of Jolet pays the taxes to the gov't. Siya ang katiwala ng hacienda ng umalis ang may ari ng JJ, pero hindi nya nabayaran ang buwis dahil nagsusugal according to old folks,so narimata ang bayan JJ at ang mga Borja sa Pateros ang nagsalve sa JJ. That's according to our old folks. Ang mga tao naman sa Malaya Pililla ay dating taga JJ na nagsilikas sa Malaya. Kaya siguro tinawag na Malaya ang barrio iyon. I will try to remember some facts about this & keep you inform hane???
baka po alam nyo kung saang lugar talaga sa JJ ang hasyenda? di ko kasi ma-research. tsaka sino po yung last may-ari ng hasyenda n4 ipagkatiwala sa lolo ni ex-mayor?
email nyo po sa akin iba pang topic na maaalala nyo hehe
Ang buong JJ ay hacienda. At ang sabi nga ng mga nakakatanda ay iniwan ng banyaga kay Lolo Udyog ang lahat ng ari-arian nito dahil sya ang katiwala. Ang sabi nila bumili daw ng barko ang Udyog at ginamit ang pera ng kanyang amo at kinulimbat ang lahat ng yaman at nilagay sa barko. Dumaon sya pero hindi pa nakakalayo ay lumubog ang barko. Iyan ang dahilan kaya sya hindi nakabayad ng buwis.
sa laguna de bay kaya lumubog? hindi na ho kaya pwedeng makuha pa ang mga kayamanang iyon?
anong nangyari pagkaraan makuha ng mga borja ang hasyenda? papano ito naging official na bayan?
uu nga po, pano po ba naging municapality ang Jalajala at naging parte ng Rizal?
from sharlyn:
nabasa na ng sister brenda ko naaliw daw sya.. heheheheheh
nareceive monb yun pindala ko picture nya?
aba ok yan sharlyn, Mr. writer paki post naman un mga pics ni tita brends...
siguradong maa-aliw cia kasi it means isa cia sa mahahalagang tao sa bayan ng Jalajala at inde nakapag tatakang mailathala cia ng writer...
medyu humahaba na ulit ang hair ko pag uwi ko sa JJ si tita Brends agad ang pupuntahan ko =)
sharlyn, wala ako nare-recieve na picture ni brends... baka mali email add mo na send. paki send ulit plssss :)
send kona mr. writer.. hehehehhe
kay tta brenda ko lng pinagkakatiwala ang buhok ko eversince[bukod sa nanay ko] super quality at super sulit kxe..la lng..may maicomment lng..heheh :)
sharlyn, napost ko na hehe
ysah, ur comment is good, but i need cash errrr
jalajala, wala akong cash ngaun...wla kmeng sweldo pag month-end, every 15th of the month lng..tska kna mangburaot!hehe,,..;P
no prob... makakapag intay naman kami ng painom mo sa 15th hehe
aba ayus ha may picture na c tita brends ^_^ tnx kay sharlyn
kamukha ko diba??? hehhehehehe
sharlyn, mas maganda ka pa rin.. yessssss, bola hehe
uu pareho lang clang maganda ng cousin nia hehehee ^^
jbhad, parang nagpaparinig ka ata kay sharlyn ah hehehe
inde ako nag paparinig... nagsasabi lang ako ng totoo ^^
i get my monthly hair cut from (her/him) hehe i'll let nobody cut my hair except sa kanya, umuuwi pa ako ng JJ niyan haha
Post a Comment