Saturday, July 14, 2007

ganito sila nuon

Ayoko sanang pag-usapan ang pulitika dahil tayong mga taga-Jalajala ay sensitibo sa usaping ito, pagsisimulan ng mahahaba at maiinit na diskusyon, pag-aawayan pa kadalasan. Bagamat ang pulitika ay bahagi na ng ating bayan, ang ikukwento ko sa inyo ay hindi tungkol sa pulitika natin ngayon kundi tungkol sa pulitika nuon ayon sa isang nakakwentuhan ko kamakailan lamang. Matanda na siya ngayon at ang mga ikinuwento nya ay kanyang nasaksihan nuong bata pa siya.

Alam ba ninyo na nuong mga kapanahunang karamihan sa atin ay sperms pa lamang ng ating tatay, ang sistema ng pulitika ay nababatay sa katapatan? Kumbaga sa larong basketball na walang referee, honesty system ang labanan. Inabot ng aking source ang kapanahunan ng Juan "Adarna" Delos Santos nang talunin niya ang Julian Andallo at nung kumandidato at manalo ang Pando Gellido nuong early 70’s, honesty system ang laro ng mga taong nagtutunggali sa pulitika. Nung mga panahong iyon, dalawang partido lamang ang mahigpit na magkalaban, Nacionalista at Liberal Party. Wala pang house, rave at street party nuon.

Hindi katulad ngayon na dahil sa kahirapan ay kailangang gumastos ka talaga sa pagkandidato, back then, iba ang istilo ng pangangampanya. Ang isang kandidato ay pupunta sa bahay ng kung sino mang gusto niyang kampanyahin. Ang kakausapin niya, ayon sa aking source, ay ang pinakamatanda ng pamilya, kadalasan ay ang padre-de-pamilya. Magbibigay galang ang kandidato sa matanda at makikipag-kamay. Kung gusto kang suportahan ng matanda, iaabot niya ang kanyang kamay para kamayan ka. Ang ibig sabihin nito ay makakaasa kang ikaw ang iboboto ng matanda, sampu ng kanyang pamilya. Patriarchal kasi ang mga Filipino (kasama na ang mga taga Jalajala) nung mga panahong iyon kaya kung ano ang sabihin ng tatay, yun ang kadalasang nasusunod. Yun lang, kamayan lang pero makakasigurado kang ikaw talaga ang kanilang iboboto. Papaano kung ibang kandidato ang gustong suportahan ng matanda? Simpleng tatalikuran ka lamang niya, hindi kakamayan at papasok na ito ng bahay. “How rude the manong” maaari niyong isipin pero nuong mga panahong iyon, mas maige na ang ganun. Malinaw ang usapan at walang lokohan.

Ngayon, kinamayan mo na na may naiwang 500, binigyan mo na ng bigas, binayaran ang kuryente, binigyan ng pambili ng gamot para sa kapamilyang may sakit, hindi ka pa rin nakakasiguro na ikaw nga ang iboboto. Kapag hindi mo naman nabigyan, magagalit na ito at lalapit sa kabilang kandidato, sisiraan ka pa sa ibang tao. Pakshit!


Ligawan

Ayon pa din sa aking source, nung mga panahong iyon, uso pa din ang mga arranged weddings kung saan ang padre-de-pamilya ang nagdedesisiyon kung sino ang mapapangasawa ng kanilang anak. Ito’y sa kadahilanang ang mga pamilya nga nuon ay patriarchal, tatay ang nasusunod at kung ayaw mong sumunod ay “lumayas ka na sa pamamahay na ito at wag ka ng babalik, dimonyo ka!” Pero may mga nagsipag-asawa pa din naman na sila ang nagdesisyon at nagligawan.

Hindi nakapagtataka nuon na ang mga tatay ang nanliligaw sa babaeng gusto nilang pakasalan ng kanilang anak. Kung walang mapiling dalagang tagabayan, maghahanap ang tatay kahit pa sa ibang bayan o sa mga baryo na mararating mo lamang sa pamamagitan ng bangka dahil di pa maayos ang kalsada nuon. Nakakarating sila sa Punta, sa Kampanaryo na Pagkalinawan na ngayon hanggang sa Bagumbong pa, para kausapin ang tatay ng babae.

Swerte na din ng mga lalaking di marunong manligaw nuon dahil kadalasan ay maganda ang pipiliin ng tatay nila, syempre naman. Malas ng babae. Alam nyo bang kapag nakapag-asawa ka ng guro ng mga panahong iyon, ikaw ay tinuturing na maswerteng lalaki? Mataas kasi ang tingin sa mga babaeng guro.

Ang isang pagkakahawig ng panahon natin ngayon sa panahon nila nuon, madami ding mga couples ang nag-aasawa ng bata pa at kadalasan ay buntis na.

Oo, sa tatay mo ikaw nagmana ng iyong kalibugan.

3 comments:

Anonymous said...

hahahaha ganun nga ang kwento sa akin ng nanay ko. niligawan siya ng lelong ko.

paolo said...

pati ata sa tatay at nanay ko hehehe

Anonymous said...

you got to admire the culture back then.. now a days its all cellphone for courting, they ask for the no. instead of the name of the girl fist, its like this..

guy - hi miss, pwede ba mahingi no. mo?
girl - hihihi ikaw nman no. agad ang bilis mo nman, bluetooth muna tyo..

i like to think of my self as an old fashion guy.. Pillaging the town and taking their woman, now that’s my kind of courting hehehe