Monday, July 30, 2007

ang haunted H.E. room

Naglalakad ako kahapon sa may Jalajala Elementay School, alas otso na yun ng gabi. Dahil dun ako nag-aral nun, alam ko ang kinatatakutang reputasyon ng Home Economics (H.E.) room ng elementary school sa may gilid ng kalsada. Lagi kasi akong dumadaan sa lugar na iyon lalo na kung gabi at sa tuwing dadaan ako, titingnan ko mismo ang mga bintana nito na nakabukas ng konti. Walang kailaw-ilaw sa loob o sa paligid, madilim na lalong pinadilim ng mga naglalakihan at matatandang puno ng mangga sa paligid nito. Ini-imagine ko kasi na may makikita akong kaluluwa o ispirito na nakatingin din sa akin mula sa loob. Kadalasan ay wala akong nararamdaman, minsan naman ay nagtatayuan ang mga balahibo ko kahit walang nakikita. Napapabilis ang lakad ko kapag ganun. Pero kakaiba ang mga pangyayari kagabi. Nakatungo ako habang papalapit sa gilid ng H.E. at nang sa tantya ko’y katapat ko na iyon, unti-unti akong nag-angat ng ulo (for cinematic effect in case may makita nga ako). Laking gulat ko sa aking nakita. Tangina, hindi ko akalain na ganun ang makikita ko. Nanlaki ang aking ulo.

Pero bago yun, eto muna…

“Nangyari ito nuong 1970’s. Bagong dating lang nun sa Jalajala Elementary School ang isang maganda at bagong graduate na titser. Taga Maynila siya at nakikitira muna sa isang co-titser malapit sa munisipyo. Magaling magturo at mabait ang bagong titser na ito kaya maraming taga-Jalajala ang kinagigiliwan ang dalaga. Bagama’t maraming tagabayan ang nanliligaw dito, trabaho lamang at ang mga batang tinuturuan niya ang kanyang pinagbubuhusan ng pansin. Ang sabi ng iba, mayroon na daw kasi itong pinaglalaanan ng kanyang puso.

Isang araw, hindi sumipot ang titser sa kanyang klase. Nakapagtataka ito dahil siya ang maaga laging pumapasok at isa sa mga huling titser na umuuwi. Hindi rin siya uma-absent sa klase. Bago matapos ang araw, nagkagulo ang mga tao sa elementary school dahil natagpuan din ang dalagang titser. Patay ito! May mga nagsasabing ginahasa muna bago pinagsasaksak. Nangyari ito sa H.E. room sa elementary school. Hindi nahuli ang salarin at nanatiling hindi nabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay. Simula nuon, kinatatakutan na ang lugar na iyon. Maraming di maipaliwanag na mga pangyayaring naganap at naranasan ang mga tao sa Elementary.”

Weeeeeeeehhh, maniwala ako.

Ang totoo niyan, walang nakakaalam kung ano nga bang nangyari o ang istorya sa likod ng mga pangyayari sa H.E. Ang alam lang ng karamihan, may mga ispiritong di natatahimik sa loob ng mga dingding na iyon. Kung sa elementary school ka nag-aral, malamang ay alam mo ang sinasabi ko.

Ang H.E., actually, ay isang maliit na bahay, may living room na nagiging receiving room kapag may bisita ang iskwelahan, dining room na minsan ay nagiging classroom, toilet at isang bedroom cum taguan ng mga utensils at linen na ginagamit kapag may bisita. Walang karaniwang nagka-klase dun. Malapit ang H.E. sa kwarto ng grade 6 na tinuturuan ni Mrs. Gellido at sa may canteen. Sinasabing may white lady daw dun o kaya naman ay mga tyanak. May kung anu-anong ispirito daw ang nakikita o nararamdaman sa loob kaya ito’y tunay na kinatatakutan ng mga mag-aral na naaatasang maglinis sa loob. Oo, nung nag-aaral pa ako sa elementary, naranasan ko na ring maglinis dun at matakot. Nung mamatay ang gurong si Mrs. Manimtim, sinasabing may batang nakakita daw sa kaluluwa nito sa HE at sa canteen.

May iba-ibang nakakatakot o di maipaliwanag na kwento ang mga tao sa H.E. room at malamang ay narinig mo na rin yun kaya di ko na babanggitin dito. Bagama’t ako mismo’y walang nakitang kakaiba sa mga panahong nandun ako, ang masasabi ko lang ay kakaiba ang pakiramdam sa loob. Ganun naman ata sa mga bahayan na walang nakatira, ang pakiramdam natin ay ibang mga entity na ang namamahay dun. Parang may anino o taong nakatayo sa gilid ng iyong paningin. Isang beses naman na naglilinis kami nun ng banyo, sumigaw ang kaklase kong babae dahil may maliit na bata daw na biglang tumakbo sa likuran niya at nagtungo sa kwarto. Syempre, wala kaming nakitang bata nun.

Subalit kagabi nga, iba ang aking nakita. Pagtingin ko sa bintana, para akong namamalikmata na wala akong nakita, kahit na bintana. Madilim lang siya. Kahit mga pader ay di ko makita. HOLISHITNAMALAGKIT Batman! Wala na ang H.E. room! Giniba na iyon. Wala na rin ang mga punong nakapaligid dito. Di ko alam kung anong ipapalit dun o kung bakit giniba.

Ang panalangin ko na lamang ay sana, kinuhanan nila iyon ng mga litrato bago gibain dahil parte na rin ng history ng elementary school, parte na rin ng history ng bayan ng Jalajala ang haunted H.E. room.

Ikaw, anong karanasan mo sa H.E.?

11 comments:

Anonymous said...

ANG NATATANDAAN KO SA H.E. PAGDUN KAMI AY PARANG NAKAKADEPRESS, PAG H.E. UNDER MRS. MERCY ANDALLO, KAHIT NADUN KALANG SA TERRACE AT SANAKABING PUNO NG TSIKO. MAY KWENTO DIN NA TUWING MAGLILINIS DAW NG KWARTO AY NILULON YUN LATAG NA BANIG SA KAMA KAYA KINABUKASAN LAGI DAW NAKALATAG. KWENTO LANG NAMAN.

Unknown said...

waaaaahhhh!!! nakakakilabot nman un!! nalala ko tuloy ung kwnto sken nila ining na naging dugo daw un tubig s gripo sa cr ng HE rum one tym nglinis cla dun..ewan lng kng 22o..under kme ni Mrs. Magararu nung tym n un..year 1993..ktkot mgstay dun db?hehe ;p

Anonymous said...

galing sulat ah! naiimagine ko talaga yun HE b4, oo tama ka me mararamdaman kang ano2 dun! lumalaki ang ulo ko pag nasa Cr at makikiramdam sa maliit n rum ang masama pa nun kailangan mo itong linisin so kailangan mo mg-stay dun sa ayaw mo't sa gusto huhuhu

Anonymous said...

dati akong member ng JBHAD at naglaro kc ako ng basketball under this wonderful group. Naaalala ko p nga nung nag champion kami. Sa aking opinyon s HE room ala nmang nakaktakot o hiwagang nakabalot dun. Nasabi ko un kasi pagkatapos naming maglaro o kaya nasa bayn ako umuuwi n ako mga 12AM o past 1 am at nakatira ako kina Josel kilala s tawag n bukol, n katabi lng ng HE room. At halos doon n rin ako lumaki s jalajala wala talga akong nramdamn o nakita man lng n kakaiba. MInsan nga pinapasok p namin ung skul dati.

Anonymous said...

rodel ikaw pala yun walang name sa list ng jbhad team . sa comment sa sportlang

JBHAD said...

ahh uu c rodel nga... musta na pre?

paolo said...

anonymous #1, ngayon ko lang narinig yang kwento na yan ah. ayos.

ysah, baka naman makalawang yung tubo kaya yung tubig eh parang dugo? :P

anonymous #3, bakit kaya nakakatakot yung CR, no?

rodel, pre, baka daw kasi mapagtripan nyo nila Bukol yung moomoo kaya di nagpapakit sa inyo hehe

Anonymous said...

mr. writer, ano ba yang picture na nakalagay dito? di ko malaman.

paolo said...

suppose to be eh "white lady" yan na nakuhanan ng picture.. err---

Anonymous said...

KWENTONG KABABALAGHAN SA HE ROOMOne day, nasa HE room kami, pero wala kaming ginagawa kaya sobrang ingay namen nun.Tapos si Maam Magararu hindi niya kami sinasaway kasi nagkakabit siya ng kurtina. Dahil hindi niya abot yung bintana. tumayo siya sa stool,. Then suddenly, nahulog si Maam Magararu sa silya..tumayo agad siya kasi napahiya tlga.. Pulang pula mukha nia, tapos pinagalitan kami "Ang iingay niyo kasi kaya ako nahulog!!!"..hahaha... After nun, pinagsulat na kami ng napakahabang Recipes na nakasulat sa manila paper.. Too sad, ala na ung "haunted" HE room.. Demolished na...

paolo said...

NYAHAHAHAHAHHAHAHAHA

kababalaghan nga talaga yun. bakit kayo pinarusahan sa pagkakahulog niya? hahahaha ayos!