Friday, February 29, 2008

special day for you and for me

Ngayong araw na ito, walang nangyaring kakaiba sa Jalajala. Walang mahalagang balita na kailangang malaman. Walang kakaibang nangyari sa araw na ito sa maikling history ng bayan natin. Wala. Wala. Wala.

Pero...

Special ang araw na ito. Minsan lang itong mangyari. Tuwing ikaapat na taon lang muling magaganap. Ika-29 ng Pebrero ngayon. Leap year.

Swerteng malas ang mga taong ipinanganak ng February 29. "Leapling" ang tawag sa kanila. Swerte dahil special day ang birthday nila. Malas dahil tuwing ikaapat na taon lang sila nakakapag-birthday. Swerte dahil every four years lang sila nakakapaglibre kapag birthday nila. Malas dahil kokonti pa ang natatanggap nilang birthday gift.

Kung ipinanganak ka ng Feb. 29, 1980, magse-seventh birthday ka pa lang ngayon. Yey! Jollibee birthday par-tee!!!

February 29 ngayon. Kailangang may gawin akong special na bagay.

Makapag-Ponsa.

Monday, February 25, 2008

kodigo - jalajala history finals exam

1823 – the year Jalajala was made into a “pueblo” or town.

1825 – the year Jalajala was separated from the town Pila to become independent, with its ecclesiastical affairs given to the accular clergy.

1853 – Jalajala was incorporated in the newly created Distrito delos Montes de San Mateo and later, into the Distrito-Politico-Militar de Morong.

Peter Vedi – owned the land of Jalajala but abandoned it in 1891 then Jalajala was uncultivated for several years.

January 27, 1897 – Filipino revolutionists entered Jalajala to capture Spanish hacienderos.

August 1, 1898 – people of Jalajala joined the revolutionary government of Emilio Aguinaldo.

Act 946 – After the war, by virtue of this act, Jalajala and Quisao were consolidated with the seat of the municipal government.

Act 1626 – By this act approved on March 27, 1907, Jalajala became an independent municipality from the Municipality of Pililla.

Simeon Perez – the first to be elected as Presidente Municipal in 1907 when Jalajala elected its first town officials held in the first Tuesday of November.

1920 – the land of Jalajala went into publication due to non-payment of land taxes by its previous owner.

Francisco, Marcelo and Bernardo de Borja (from Pateros) – won the bid to own Jalajala, thus becoming the first Filipino owners of Jalajala.

1925 – due to conflict and maltreatment of the land owners, more than half of the tenants transferred in a land in Pililla known then as “Longos”. They named the place barrio Malaya to signify their freedom. But due to an epidemic brought about by non-potable water, many settlers went back to Jalajala.

Paolo – considered by many as the most handsome guy Jalajala ever produced.


***

maliit lang ang font kasi nga kodigo, baka makita ni titser errrr...

Tuesday, February 12, 2008

taga jalajala sa youtube



May nagbigay sa akin ng link hehehe

Sunday, February 10, 2008

headline: rapist sa jalajala?

Anong balita sa Jalajala?

May gumagala daw rapist dito sa atin. Isang lalaking taga-Tanay kung saan dun siya unang gumawa ng kanyang krimen. May mga kinidnap daw itong mga babae sa vicinity ng Sampalok, Tanay kung saan pinapatay nya ang mga babaeng kanyang dinudukot pagkatapos gahasain. At ngayon ay sa Jalajala na daw ito nagtatago. Eto pa ang mga kwento:

Sinasabing binibiyak pa nito ang katawan ng mga babae at dinudukot ang puso o hinihiwa ang suso para kuhanin ang nipples. May pagka-psycho rapist/killer daw kasi ito.

Sabi nila, may kinidnap na daw na bata sa Brgy. Punta. Sinasabi ding may pinatay na sa may Casa Real sa may Brgy. Bagumbong ata yun. Nagpapanggap pa daw na tricycle driver. Sinasabi ding may sarili itong motor o van.

Namataan daw ang suspect sa Bayugo, Punta, Bagumbong at sa bayan.

Sinasabi ding hindi tinatablan ng bala ang rapist. May nagsasabing kasi may suot itong bullet-proof vest o kaya ay may anting-anting. May dala din daw itong granada kaya mahirap lapitan. Hindi rin mahuli agad dahil black-belter pa. Dating militar din daw ito.

Ang pagkakakilanlan sa rapist ay kalbo at walang kilay, pero hindi dahil nagpaayos ito ng kilay sa parlor. Kamukha pa daw ni Julius Babao ng ABS-CBN News, o ha.

Ngayon naman, may mga sabi-sabi din na nasa Nueva Ecija na ang rapist.

Maraming kwento-kwento tungkol sa rapist kaya minsan ay mahirap maniwala subalit madami sa mga taga-Jalajala ang nag-iingat pa rin. Bihira na ang mga nakatambay sa gabi, lalo na ang mga kadalagahang mahilig rumampa hanggang dis-oras ng gabi.

May narinig din akong kung ang dating police chief pa din daw ang hepe ngayon, mas safe ang mga taga-Jalajala dahil masipag itong magparonda ng mga pulis sa gabi.


Ano, naniniwala ka ba?

Friday, February 1, 2008

mag ponsa tayo


Bago pa magkaroon ng Jollibee sa Tanay, nandun na siya kung kailangan nyong dalin sa isang masarap at ispesyal na kainan ang isang mahal sa buhay, ang anak, kapatid o lola kung birthday nya.

Bago pa magkaroon ng Chowking sa Tanay, meron ng isang kainan sa Jalajala kung saan tayo nagpupunta kung nais nating maglibre sa mga kaibigan. Halo-halo, chicken sandwich, pansit, o kaya ay yung mainit na masarap na mami na papawisan ka talaga, dun tayo nagyayayaan at nagpupunta. Naiigno pa ako nuon sa kaskasan nila ng yelo para sa halo-halo kasi kakaiba siya sa karaniwang nakikita ko sa mga pondahan ng halo-halo sa mga kanto. Isa siyang aparato na umiikot at otomatik na nakakaskas ang yelo. Banggaling aba.

Birthday mo? Kasalan? Kailangan mo ng cake? Bago pa magkaroon ng Goldilocks at Red Ribbon sa Tanay, dun na tayo nagpapa-order ng cake na may porcelein figure sa ibabaw, imahe ng kinasal na nakakatawa ang itsurang di mukhang tao, kung si Superman man o si Batman ang gusto ng anak mo sa birthday cake nya, pwede. Yun nga lang, makikilala mo ang sila sa “S” o batsign sa kanilang dibdib.

Bago pa magkaron ng ibang kainan, sa Jalajala man o sa mga karatig na lugar, iisa lang ang pinupuntahan ng mga taga banko o munisipyo kung gusto nilang magmiryenda.

Saan pa? Eh di sa Ponsa.

Oo, maaaring tama ang sinasabi ng iba na parang masungit ang nagtitinda dun pero ang di natin maikakaila, hanggang ngayon ay buhay pa ang business nila. Sila na ata ang longest-running business sa Jalajala dahil elementary pa lang ako, nandun na sila. Ilang mayors na ang dumaan sa munisipyo, mas matatag pa din ang Ponsa.

Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ganun kasarap ang mga pagkain pero sigurado ako na sasang-ayon kayo kapag sinabi kong special ang pakiramdam habang kumakain tayo sa Ponsa, di ba. Bakit kaya? (writer's note: may nang-aaway sa akin. Masarap daw ang pagkain sa Ponsa. Consistent ang lasa kaya kapag nag-crave ka daw at nag-Ponsa, makukuha mo yung hinahanap mo. Ayos daw sa panlasa, mura pa. Okay, okay hehehe wala naman ako sinabi na di masarap. Sabi ko hindi special ang sarap, unlike yung siomai sa Saisaki, yun talaga ang masarap na special hehehe)

Oo nga pala, bago pa umalis ang nanay ko, nandun na ang Ponsa. Dun niya ako dinadala dati kapag birthday ko.


Birthday ko ngayon.