Tuesday, June 17, 2008

107th araw ng lalawigan ng rizal


youtube videos courtesy of kenmarkin. Cick the link to watch more videos of the celebration.


Kasabay ng Philippine Independence Day celebation, pinagdiwang din natin ang Araw ng Lalawigan ng Rizal nuong June 11. Ngayong taon, ang bayan natin ang host at ginanap ang isang parada sa Jalajala, kung saan nakilahok ang iba't ibang bayan ng Lalawigan ng Rizal.

Batay sa kwento sa akin ni Boyvits, nuon daw 1853, itinatag ang isang distrito kung saan ang mga bayan ng Antipolo, Bosoboso, Cainta at Taytay na bahagi dati ng probinsya ng Tondo ay isinama sa mga bayan ng Morong, Baras, Tanay, Pililla, Angono, Binangonan at Jalajala na mula sa probinsya ng La Laguna. Makaraan ng apat na taon, tinawag itong Distrito Politico-Militar de Morong.

Nuong June 11, 1901, pinagtibay ng kauna-unahang Philippine Commission ang Act No. 137 na nagtatag ng bagong probinsya na ipinangalan sa ating pambansang kamao na si Pacquiao--- este-- pambansang bayani pala, na tinawag na Lalawigan ng Rizal. The new province was composed of 27 municipalities, 15 from the old province of Manila (Caloocan, Las Piñas, Malabon, Makati, Parañaque, Mandaluyong, San Juan, Navotas, Muntinlupa, Taguig, Pateros, Pasig, Marikina, San Mateo, and Montalban (now Rodriguez)); and 12 from the Politico-Militar District of Morong, (Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Antipolo, Cardona, Jalajala, Morong, Pilillia, Tanay, Taytay and Teresa). The seat of the provincial government is Pasig.

Eh bakit nawala sa atin ang ilang bayan gaya ng Makati, Pasig at Mandaluyong?

Dahil nuong November 7, 1975, by virtue of Presidential Decree No. 824, the 12 towns of Las Piñas, Parañaque, Muntinlupa, Taguig, Pateros, Makati, Mandaluyong, San Juan, Malabon, Navotas, Pasig and Marikina were incorporated into the newly formed Metro Manila Region thereby leaving the remaining 14 towns to the Province of Rizal.

Isa sana sa pinakamayamang lalawigan ang Rizal kung hindi nahiwalay ang mga bayang iyon.

Well, ok lang yun, bampapanget naman ng mga tao dun.. beeehhhhh!!! (bitter)

4 comments:

Anonymous said...

dyan lang naman magaling ang mayor nto, sa pagmamagaling at pagpapakita ng kanyang kapangyarihan. asang na ang mga pinangako niya nitong dalawang nagdaang eleksyon? may mga pagbabago ba sa bayang natin o mga balatkayong pagbabago? isipin nyo nga.

paolo said...

may kapanyarihan ba? hehe superhero?

dan levy, kelan ka huling nakauwi sa JJ?

Anonymous said...

dan levy..

mahirap makakita ng mga positibong bagay ang isang taong naghahanap ng kapintasan..

sa isang maliit na bayan na umasa sa napakaliit na IRA gaya ng JJ, sa tingin mo ba ang dalawang termino ng panunungkulan ay sapat na upang maiangat ang antas ng ating bayan? ang pagsasa ayos ng ospital, bagong munisipyo, basic services, etc. ay maaari ngang maliliit na bagay lamang kung ang gusto mong sukatan ng pagbabago sa bayan ay may makita kang outlet ng jolibee, sm mall, banks, etc..

Siguro nga, isang superhero ang kelangan natin..

paolo said...

tama ka lalonglaan, lalo na sa isang 4th-class municipality natin, mahirap umasa ng mga pagbabagong hinahanap cguro ni dan.

pero baka naman kaya ganun ang nasabi ni dan levy eh dahil umasa sya ng may malaking pagbabago sa bayan natin base sa mga narinig nya tuwing eleksyon?

what say you, dan levy?