Mahilig ang mga taga Jalajala sa larong basketball. Obvious naman iyon. Marami din ang mahilig maglaro ng volleyball. At kapag wala namang magawa, apoy ang nilalaro nila (but that’s another story).
Pero, subalit datapwat, ako’y nagtataka kung bakit ang nilalaro sa
Hindi ako nakasali nuon dahil lampayatot ako, mabigat ang steel bat at takot ako sa mabilis na bola subalit naglalaro kami nuon ng baseball sa Elementary gamit ang mga home-made baseball equipments. Ang mga baseball gloves ay gawa sa tiniklop-tiklop at tinahing karton, maghahanap ng isang tamang haba at tabang kahoy at tennis ball ang aming hahatawin. Highlight ng baseball career ko ay nuong naka-“homerun” ako, tinamaan ko ang tennis ball at tumalsik lampas sa flagpole mula sa homebase malapit sa dating room namin nuong grade 3. “Lowlight” naman ay nuong isang beses na nagpa-practice kami sa aming bakuran, tinamaan ko din ang bola subalit tumalsik iyon sa mukha ng lola ko. Homerun tuloy ang pwet ko sa palo ng aking lola.
Sidenote: Kapag may naa-out na player nuon, “mindawn” ang tawag namin,
Anyway, may teorya ako kung bakit baseball ang laro sa JES. National sport kasi ng Estados Unidos ang larong baseball. Malamang ay itinuro sa mga taga-Jalajala ang larong baseball ng mga Amerikanong nagpatayo ng
Kung di mo alam kung saan yung gusaling iyon, di ka kasi sa JES nag-aral, ay istupid.
No comments:
Post a Comment