Friday, March 27, 2009

jariz team, ppi tour champion 2008

BANGKAGAGALING ABA, kahit sa Iraq, champion pa din ang Jalajala sa basketball. Congrats mga tol, magse-celebrate kami dito sa JJ, bayaran nyo na lang ang mga nakuha naming beer.

Last year pa sana ang balitang ito pero ang tagal ng pagdating ng pasalubong ni Antutz kaya ipo-post ko na rin kahit wala pa ang pampadulas nya hehe... Tutz, sa Cubao lang ha.


Awarding ng medals and trophies...


..at ang score. Mapapansin nyo na "Halo-halo" ang pangalan ng kanilang katunggali dahil galing sa iba't-ibang lugar ang mga players nila, parang All-Star team from different provinces pero nanaig pa din ang Team Jalajala


Congrats din kay pareng Renel sa pagkapanalo nya ng Best Coach nang pangunahan nya ang Team Jalajala sa championship game.

...huh? ano raw! hind nanalo si Renel? Errrrrrr...




Thursday, March 26, 2009

"kamusta?"

Kumusta?

Taong 1990-1991, pansamantala akong nanirahan sa Jala-jala. Nabasa ko yung sinulat mo sa blogspot. Baka naman maaari mo akong matulungan na magkaroon muli ng komunikasyon sa aking mga kaibigan diyan sa inyong bayan.

Nelson at Luz Samodio, mga anak na sina Marlon, Rico at Leila.
Jennifer at Michelle Belleza.
Allan Borja. Dick Sarmiento.
Kahit na siguro kay Bernard Belleza, baka matandaan din niya ako.

Kahit e-mail o numero ng telepono, paki pasa.
Paki-hatid na rin sa kanila ng aking pangungumusta.

Salamat,
Edwin Cuenca

Monday, March 23, 2009

Meron ako ano...

MERON AKONG ano, meron akong kwento.

Binabalak ko kasi na ayain sana ang ilan sa mga kaibigan kong mahilig sa photography para magkuha ng mga tanawin sa Jalajala. Iniisip ko kasi na madaming magagandang lugar sa bayan natin na masarap kuhanan ng litrato, lalo na sa bandang baryo. Subalit bago ko pa yon masabi sa kanila, nagpunta muna kami sa Cagbalete, Quezon, isang isla na tunay na napakaganda. White sands at napakalinis na karagatan. Ngayon, parang ayaw ko na tuloy mag-aya sa Jalajala.

Bakit? Kasi, iniisip ko, ano nga ba talaga ang kakaiba at magandang tanawin sa Jalajala? Pangkaraniwang probinsyang pamumuhay, wala tayong kilalang lugar gaya ng simbahan ng Tanay, Morong at Antipolo. Walang Higante Festival gaya sa Angono. Oo, hindi polluted sa bayan natin kumpara sa ibang bayan sa Rizal pero gaya nga ng sabi ko, pangkarinawan din lang talaga.

Eh bakit para sa akin ay maganda ang Jalajala? Bakit hindi ko siya ipagpapalit sa ibang bayan sa Rizal? Bakit nga ba para sa atin, walang katulad ang bayang kinalakhan?

Ngayon ko naisip na malaking tulong sa magandang persepsyon ang mga magagandang karanasan natin na nangyari sa particular na lugar. Kahit siguro sa Boracay o Batanes, kung masaklap ang karanasan mo dun ay hindi iyon magandang lugar para sa iyo.

Gaya ng pantalan sa bayan, maganda iyon para sa akin dahil naaalala ko nung panahon na tumatambay kami dito ng mga kaibigan ko. Naaalala ko nung nililigawan ko ang kasintahan ko nuon at napapadpad kami sa pantalan sa hapon para mag-usap. Naaalala ko nung may makilala kami nuon na mga babaeng taga Lambak at dun sa pantalan naming sila huling nakita nang ihati naming sila sa bangka nung pauwi na sila sa Lambak. Tuwing hapon, baon ang mga barya, nagpapatugtog kami sa isang jukebox sa pantalan para alalahanin ang maiksi ngunit matamis naming mga sandali kasama sila. “Tears On My Pillow” ang kanta. Corny, oo na.

Maganda sa akin ang mga lugar sa baryo dahil nung nasa elementary pa ako, dun kami lagi tuwing bakasyon. Iba ang buhay sa bayan, iba ang buhay sa baryo.

Maganda sa akin ang kabundukan natin dahil malapit lang ito at kagaya mo, kagaya niya, kagaya nila, halos lahat tayo ay naakyat na ito lalo na tuwing Mahal Na Araw at aakyat ng Santong Lugar. Malapit na nga pala ulit mag Holy Week, akyatan na naman. Syempre, halos lahat sa atin, hindi umaakyat ng Santong Lugar dahil isa itong panata. Umaakyat tayo dahil may mga kasama tayong mga chikababes na kailangang alalayan. Tsansing? Hindi ah. Matulungin at maaalalahanin lang.

Maganda sa akin ang Dunggot dahil dun ako unang nagka-GF. Yiheeee… Maganda sa akin ang mga kalsada sa bayan dahil dun kami naglalakad habang sinusundan ang mga crush. Maganda sa akin ang plaza sa munisipyo dahil dun kami nanunuod ng mga amateur singing contest, dun ko napanuod si Palito, At dun ako naka-score ng 20-plus points sa isang laro sa liga ng basketball. May mga nakakahiya din akong karanasan sa plaza pero who cares, masaya naman.

Kahit ang highway palabas ng bayan, papuntang Malaya, maganda iyon sa akin. Maganda ang mga bundok at palayan at memorable sa akin dahil dun kami naaksidente ng mga kaibigan ko nung dumulas sa kalsada ang sinasakyan naming kotse at bumaliktad papunta sa bahayan. Near-death experience talaga. Medyo nakainom kasi kami nuon at umuulan pa. Buti na lang at mga galos lang ang dinanas namin kahit wasak talaga ang sasakyan. Simula nuon, pinangako na namin sa aming mga sarili na tunay na mag-ingat kapag basa ang daan at wag ng mag-drive kapag nakainom kahit konti lang.

Pinangako din namin sa aming mga sarili na hindi na kami mag-iinom…

(…sa loob ng isang buwan.)

Saturday, March 7, 2009

namatay na si francis magalona

BAKIT DAW kailangang magbigay ng tribute sa isang artista gayung mas madami pang ibang Filipinong namatay kamakailan na may nagawang mas makabuluhang bagay kesa sa kanya? Bakit nga ba? Tama nga ba?

Eto ang sabi sa Lapsapan (pindot).

Wednesday, March 4, 2009

"five questions" with alvin "blue" de guzman

"Who are you to judge the life i live? I know I am not perfect and I don't live to be but before you point your fingers at me, make sure that your fingers are clean."


SI BLUE. Kilala mo si Blue. Kilala nila si Blue.

O baka mas kilala mo siya sa pangalang
Alvin de Guzman. Kilala din si Blue bilang isang gay, bakla, bading, miyembro ng pedereyshen at third sex. Kung ano pa man ang tawag mo sa katulad nya, problema mo na yun dahil hindi naman niya ito kinakaila. Why should he/she? Dahil kagaya ng karamihan sa kanila, si Alvin ay isang napaka-responsableng tao, mapagmahal lalo na sa pamilya, masipag at marunong sa buhay. Eh ikaw? Tambay. Multong tambay. At wag kang aangas-angas kay Blue dahil kaya ka nyng bugbugin, gaya ng ginawa nya kay... kay... wag na pala nating pangalanan hehe Hayaan na lang nating sumagot si Alvin. Eto.

Five Questions:

1) anong gusto at ayaw mo sa jalajala?
boring na pag gabe lalo pag may pasok

2) ano ang most memorable experience mo na nangyari sa jalajala?

sumayaw ng pearly shells in my public high school days


3) papano mo ide-describe ang sarili mo?

responsible po at syempre mapagmahal sa pamilya


4) anong ugali mo ang sa palagay mo ay hindi alam ng karamihan sa nakakakilala sa iyo?

sobrang magmahal


5) kung papipiliin ka ng isa lang, ano gusto mo, yumaman o sumikat?
yumaman syempre



Si Alvin ay pinanganak sa Jalajala, Rizal nuong Feb 25, 1976 at nag-aral sya sa Philippine Maritime Institute Manila. Tama ang nabasa mo.

Monday, March 2, 2009

ang kulay ng buhay


DAHIL SINASABI nilang ang bagong munisipyo ang bagong mukha ng bayan natin, sa aking palagay ay dapat ding malaman ng mga kinauukulan kung ano ang masasabi natin tungkol duon (assuming na makararating itong blag sa mga kinauukulan, op kors).

Nag-uusap kasi kami ng isang kaibigan nung isang linggo kung maganda nga ba ang kulay ng munisipyo. Isa sa amin (hindi ko na sasabihin kung sino) ang hindi nagustuhan ang kulay. Mukha daw cheap, mukhang ginawa ng mga taga-Marikina (hello, Bayani Fernando) at hindi "classic". Isa sa amin ang nagsabi naman na "interesting" ang kulay, may "character" at hindi lang generic na puti o cream/peach na pintura.

Sa inyong palagay mga taga-Jalajala, maganda nga ba ang kulay ng bagong munisipyo?

*sumagot sa komento at sa march survey...