Tuesday, May 11, 2010

jalajala election results

isang mapayapa at matagumpay na eleksyon ang naganap sa Jalajala kahapon. Wala namang napabalitang karahasan maliban sa mga problemang nakaharap dahil sa bagong sistemang automated voting na pinairal ngayong eleksyon.

maraming presinto ang mahaba ang pila. sa presinto ng brgy. 3rd district, kung saan limang dating presinto ang pinagsama-sama sa iisang kwarto para sa isang PCOS machine na magbibilang ng boto, sinasabing umabot ng halos 6 na oras bago makaboto ang isang botante. nag-paper jam pa ang machine kaya nakadagdag sa antala, kasama na ang mga pangkaraniwang problema gaya ng nawawalang pangalan. ang isa ko ring napansin ay mabagal mag-fill up ng balota ang mga botante. sinisigurado siguro nila na maayos ang pagkaka-shade nila sa "itlog" ng kanilang kandidato para mabasa ito ng PCOS machine at hindi masayang ang boto. may mangilan-ngilang nag-uwian na lang at hindi na nakuhang bumoto dahil sa tagal at init ng araw habang nakapila. subalit mas marami pa rin ang nagtyaga para lang makaboto.

resulta:

mayor : ely pillas
vice-mayor : narcing villaran
councilors:
jarry anago
gina bonita
eddie binaluyo
froilan candelaria
liberty vidallo-garcia
jesus pillas
biyo pillas
ernesto tambongco

3 comments:

Anonymous said...

wow.. it's a good news.. heheheh congrats JUMP TEAM tara talon na tau heheheh

Unknown said...

Nice Blog...

Mine is at:
http://dixplore.blogspot.com

Anonymous said...

si liberty vidallo-garcia ba married?