Sunday, February 10, 2008

headline: rapist sa jalajala?

Anong balita sa Jalajala?

May gumagala daw rapist dito sa atin. Isang lalaking taga-Tanay kung saan dun siya unang gumawa ng kanyang krimen. May mga kinidnap daw itong mga babae sa vicinity ng Sampalok, Tanay kung saan pinapatay nya ang mga babaeng kanyang dinudukot pagkatapos gahasain. At ngayon ay sa Jalajala na daw ito nagtatago. Eto pa ang mga kwento:

Sinasabing binibiyak pa nito ang katawan ng mga babae at dinudukot ang puso o hinihiwa ang suso para kuhanin ang nipples. May pagka-psycho rapist/killer daw kasi ito.

Sabi nila, may kinidnap na daw na bata sa Brgy. Punta. Sinasabi ding may pinatay na sa may Casa Real sa may Brgy. Bagumbong ata yun. Nagpapanggap pa daw na tricycle driver. Sinasabi ding may sarili itong motor o van.

Namataan daw ang suspect sa Bayugo, Punta, Bagumbong at sa bayan.

Sinasabi ding hindi tinatablan ng bala ang rapist. May nagsasabing kasi may suot itong bullet-proof vest o kaya ay may anting-anting. May dala din daw itong granada kaya mahirap lapitan. Hindi rin mahuli agad dahil black-belter pa. Dating militar din daw ito.

Ang pagkakakilanlan sa rapist ay kalbo at walang kilay, pero hindi dahil nagpaayos ito ng kilay sa parlor. Kamukha pa daw ni Julius Babao ng ABS-CBN News, o ha.

Ngayon naman, may mga sabi-sabi din na nasa Nueva Ecija na ang rapist.

Maraming kwento-kwento tungkol sa rapist kaya minsan ay mahirap maniwala subalit madami sa mga taga-Jalajala ang nag-iingat pa rin. Bihira na ang mga nakatambay sa gabi, lalo na ang mga kadalagahang mahilig rumampa hanggang dis-oras ng gabi.

May narinig din akong kung ang dating police chief pa din daw ang hepe ngayon, mas safe ang mga taga-Jalajala dahil masipag itong magparonda ng mga pulis sa gabi.


Ano, naniniwala ka ba?

6 comments:

duda ako said...

naniniwala ako kc sabi nga pinaghahanap din tlga ng mga pulis yun rapist buti n lang at nahuli na daw sa Nueva Ecija. pinakalat din pix nya, nk wallpaper pa nga sa cell ng tita ko ehhehe

ngpapapedicure ako ke nancy kahapon, sa dunggot nga daw wala gumagala sa gabi, katakot daw kc madilim ang lugar nila. sabi din na buti kung rape lang eh kung kukuhanin pa ang mga lamang loob mo, scary tlga

it's britney bitch! said...

duda, buti kpa nkpagpalinis na ke ate nancy ako nakow,tatlong linggo na ko'ng di nkkpgpalinis s knya..di ko mahagilap..heheh :P

eto, usapang raypist na..tsk tsk tsk grabeh nman kakausap ko lang sa dati kong ofcm8 n tga taytay knna sa fon, ang balita may nabiktima daw sa may tikling nun sabado ng gabi 11pm di nman daw nirape bsta hiniwa daw ang dibdib gamit ang samurai..nkasakay daw sa owner katakot nman tlga..how i wish totoo ngang nahuli na yang mga dimuhong un..well anyway di nman siya or sila mkkaligtas sa judgement day..

it's britney bitch! said...

mga hayuffff!!!!

MM said...

nkktakot pala tlga ung taong un. Sabi nila nasa manila pa daw at hindi mahuli huli! Naku... ndi na nga ako pinag gagala ng nanay ko eh. salamat na rin sa kanya, nakkatipd ako ng allowance ko!

paolo said...

wala na raw ang rapist sabi nila.

mga pederasyon na lang ang gumagala sa gabi kaya mga magulang, ingatan ang mga binatilyo nyo!

:D

bantay said...

hindi kaya isang panlilinlang o paggugulo sa isipan ng masang pilipino ang karumaldumal na balitang ito?.... di kaya ginagawa nila ang isyung ito upang magkaroon ng dahilan ang mga may kapangyarihan (militar) upang pag-ibayuhin ang paghuli sa mga mamamayang patuloy na lumalaban sa bulok na sistema ng lipunan o sa gobyernong Arroyo?... eto naman e baka lang... ganunpaman dapat tayong mag-ingat sa lahat ng oras... lalu na sa mga mang-uubos ng lakas (joke lang)! basta ingat lang tayong lahat mga kabayan saan man tayo naroroon...