Monday, November 26, 2007

kadiwa

Natatandaan nyo pa ba ang Kadiwa dati? Malamang hindi na kung Backstreet Boys, 98 Degrees at Take That na ang mga boybands na kinalakihan nyo, hindi ang Menudo na gaya ng mga ate ko dati na patay na patay kay Robby Rosa (sabay-sabay tayo “ewwwwwwwwwwwwww...”)

Anywayyyyyy, kung hindi nyo man inabot ang Kadiwa, malamang ay naririnig nyo pa rin itong nababanggit ng ilang mga oldies. Ang Kadiwa dati ay ang opisina ng DAR ngayon, sa may kanto ng J. Delos Santos Sr St. at ng National Road. Para sa kaunting kaalaman ng ilang interesado, ang Kadiwa ay isang tindahan o mini-grocery store nuong early 80’s na itinatag ng gobyerno ni Marcos para magbenta ng mga mumurahing basic food at household items.

Nuong January 14, 1981, nilagdaan ang Presidential Decree No. 1770 na nagtatag sa National Food Authority mula sa dating National Grains Authority. Ang kautusang ito ang basihan ng pagkakatatag ng mga Kadiwa retail stores sa buong Pilipinas.

Natatandaan ko pa ang Kadiwa nuon dahil kapag pupunta kami ng nanay ko sa Kadiwa pagkatapos ng klase sa elementary, ang katumbas siguro nuon sa ngayon ay ang feeling kapag pupunta ng Megamall ang isang bata. Masaya. Iyon kasi ang kauna-unahang grocery store. Marami kang mabibili. Mura pa.

Sa likod ng Kadiwa ay isang maliit na palengke. Ang kauna-unahang palengke sa Jalajala subalit hindi ito naging patok sa mga tao. Ewan ko kung bakit. Hindi pa siguro handa ang bayan natin na magkaroon ng isang palengke gaya sa Tanay. May mga nagtitinda sa palengkeng iyon, may mga bumibili din naman subalit di kalaunan ay nawala na rin ang mga mamimili at nagbebenta. Di kalaunan, naging laruan na lamang namin ang likod ng kadiwa, kasama ang mga kambing na ginawang tambayan ang palengkeng iyon. Isipin mo rin, bakit ka nga naman bibili pa sa palengke eh may naglalako naman ng mga isda sa kalsada na mas mura? May mga baboy, manok at gulay din sa mga sari-sari store na malapit sa inyo, gaya sa tindahan ng Emy sa 3rd District na talaga namang patok na patok lalo na nuong mga panahon na iyon. Ito siguro ang dahilan kaya pinagbabawal na ng kasalukuyang lokal na pamahalaan natin ang paglalako ng isda sa kalsada para naman mapaunlad ang palengke natin ngayon at hindi masayang lang ang pondong inilaan sa pagpapatayo nito. Kaso ang layo naman kasi kaya hirap ding puntahan, mahal naman ang pamasahe sa tricycle.

Nuong May 31, 1985, inilabas ang Executive Order No. 1028 kung saan inalis na sa NFA ang kapangyarihang mag-control ng mga presyo ng bigas at mais at ang pag-aangkat ng mga ito, at muling ibinali sa private sectors. Inalis na rin sa tungkulin ng NFA ang mga marketing activities na may kaugnayan sa mga non-grains. Kaya sa katapusan ng 1986, isinara na ang lahat ng Kadiwa stores sa bansa, kasama na sa Jalajala. Isinara na rin ang mga tindahang ito dahil nalulugi na rin ang gobyerno at malaki ang kanilang gingastos dito.

Sa ngayon, sa pangalan na lang natatandaan ng iba ang Kadiwa. Darating ang panahon, maging iyon ay makakalimutan na rin at ang alaala ng Kadiwa ay mawawala na rin. Mid-80s nawala ang Kadiwa, kasabay ng unti-unti na ring paglubog ng Menudo. Makakalinutan natin ang Kadiwa, pero hindi ang Menudo. Ate, para sa iyo ang picture na ito kahit wala talaga itong kaugnayan sa Kadiwa.

Isa pa. Ewwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww…

9 comments:

Anonymous said...

ako una..hahah!!! :D glad you're back pao..heheh..kainis ka,,,wag ka magpapamiss ha..heheh!! *muah! :D


`ada04

Anonymous said...

oh yeah.. now i remember kadiwa..

i bet she has a poster back in high school pasted just inside her cabinet, so she can worship them in the morning and when she comes back from school hahaha.. in full splendid color i might add, em i right writer hehe eeewwwwwww..
TAKE THAT rulez specially rooobbiieee.. backstreet and 98 got nothing on him hehehe

Anonymous said...

HAHAHAHA...bwiset! paolo ha!

actually, i didnt have a poster but a fiend of mine made me a scrapbook of menudo.

about kadiwa, memory ko na lang doon was when they use it for parties.

dangit, tanda ko na!

Anonymous said...

meron po yan poster, tandang tanda ko pa yon. nyuk.nyuk.nyuk..

paolo said...

ada, been very busy lang doing nothing hehe

someone, hahaha ur right

ate, meron ka poster, wag mo ng i-deny

kapatid ng ate (which makes him/her apatid ko din?), di ba meron sya poster ni robby? hahahaha ewwwwwwww...

Anonymous said...

At least ngayon opis n ng DAR o Manila water ang KADIWA, me function n sya eh yun Human Settlement kaya?

paolo said...

office ng DSWD ang Human Settlement ngayon... i think...

Anonymous said...

well.. sa di nakakaalam ang Kadiwa ngayon ay isa ng hideout.. as in tagpuan ng mga DARNA.. mrami kase boylets na taga mapacla at taga looban na dun madalas tumatambay kase mdilim.. kya later on dun na rin nagtambay ang mga "kadalagahan" ng JJ. One tym kita ko pa c.... yun dentista.. may tindahan sa kanto.

Ala eh!
sori.. girl. kase naman pag matago make sure na nkatago tlaga. tsk. tsk tsk.


BATANGUENA

Anonymous said...

hi kumusta kay jaqueline estrellado d ko na alam kung ano apelido na nya,,frm bhuboy