Friday, November 2, 2007

undas

Isang undas na naman ang nakalipas. Kagaya nitong nakaraang taon, gaya sa susunod na taon, isang undas na naman sa ating buhay; hanggang sa isang undas na tayo naman ang ipagtitirik ng kandila at dadalan ng bulaklak ng ating mga naiwan sa buhay. Sigurado iyan, pramis. Sa hinaba-haba man daw kasi ng prusisyon, sa… uhmmnn… sa sementeryo din ang bagsak.

May pinagkaiba ba ang undas ngayong taon sa mga nakaraang undas? Meron. Wala. Depende siguro sa matang papansin.

Unang-una, ilang araw bago mag undas, nakita ng mga taong maglilinis sana ng mga puntod sa lumang sementeryo na nawawala ang mga bakal sa paligid ng kanilang minamahal na namatay. Nawawala ang bakal na gate ni ganito, nawawala ang bubong na yero sa puntod ni ganire, nawawala ang bakod na bakal duon sa banda run. Ganito na ba kahirap ang buhay at kahit ang patay ay ninanakawan na? O ganito na lang kakapal ang mukha ng mga magnanakaw?

Nung bata pa ako, natunaw na kandila ang ninanakaw namin ng mga kaklase ko. Project kasi sa elementary ang mag-ipon ng natunaw na kandila para gawing floorwax sa classroom. Bibilugin naming parang bola ang tumutulong kandila ng mga patay naming lelong at lelang. Dahil mga bata pa, palakihan syempre ng nagawang bolang kandila. Shet, talo lagi ako dito dahil pinapagalitan lagi ako ng nanay ko kapag kinukuha ko ang tulo ng kandila. Madali daw maubos ang kandila dahil sa ginagawa ko. Dahil dito, natuto kaming manguha ng tulo ng kandila sa puntod ng ibang patay na umalis na agad ang nagbabantay. Syempre ulit, bata pa kami nun, di pa talaga namin alam ang tama at mali. Kasalanan iyon ng KJ naming mga magulang at ng mga teachers na lagi na lang nagpapa-project ng ganun tuwing mag-uundas. Kahapon, may mga nakita pa din naman akong mangilan-ngilang batang gumagawa pa din ng ganun. At ngayong malalaki na kami, ang ilan sa amin ay nagkatulo na rin.

Natatandaan ko din nuon, nalilibot namin ang buong sementeryo sa paghahanap ng mga lumang puntod na nagiba na, na kita daw ang mga buto at bungo sa loob. Meron nga ata kaming nakita. Nung mga nagbinata na at mga nagdalaga, nalilibot namin ang buong sementeryo sa paghahanap ng mga crush o mga taga Maynila na mapuputi. Para maka-jerk ba. Tatambay ka sa puntod ng kamag-anak mo para baka dumaan si crush, o kung swerte ka ay kalapit puntod nyo lang ang patay nila kaya buong maghapon kayong nagtatanawan o nag-uusap. Maraming ganyang sitwasyon. May mga nagkakatuluyan pa nga at nasa Amerika na ngayon at may dalawang anak, isang babae at lalaki errrr… Syempre, para mas masaya, magkakabarkada dapat magkakasama. Sa patay muna nila, tas sa patay naman namin, then sa kanila naman. Hanggang ngayon naman ay ganito pa din ang style. Nagpupunta sa sementeryo “to see and be seen”. Yun nga lang, kahapon, parang ang daming bading na nagkalat sa sementeryo. Wala namang masama dun, kakaiba nga lang kasi kapag sampung bading na magkakasunod na naglalakad, lahat naka short-shorts at miniskirt, “baktong” pa lahat, bakat utong. Ang isa pa naman dun, yung kala-kalaro namin nuon sa basketball na after a year na nawala sa Jalajala, bumalik siya the next bakasyon na kakaiba na ang itsura at kilos. Sumapi na pala sa pederasyon. Napag-isip-isip tuloy kami kung papano ba siya magdepensa nuon sa basketball. Madikit ba masyado? Laging nambubunggo ng pwet? Ewan.

Kapag may pamilya na, nagiging family reunion pagdating ng undas. Dito karaniwang nagkikita ang mga pamilya, ang mga anak-anak. Kadalasan din makikitang nagkakainan, nagsusugal, nag-iinom habang pinapalipas ang araw ng mga patay. Pero kahapon, may naglilibot na mga pulis na nagpapaalala na bawal ang malalakas na sounds, magsugal at mag-inom sa loob at paligid ng sementeryo. Tama lang naman.

If my memory serves me right, lahat ata ng undas ay inuulan. Ang iniisip ko nuon, ito ang paraan ng langit na basbasan ang lahat ng taong nakalibing. O kaya ay nakikiiyak sila dun sa langit kaya umuulan. Kahapon, ang init ng araw. Walang kaulap-ulap. Ito ata ang magiging kakaiba sa mga nakaraang undas, nasabi ko sa aking sarili dahil nag-iisa pa ako nun at wala pang makausap. Subalit pagdating ng hapon, biglang umulan ng malakas na malakas. Nyeeee… inulan din pala. Pero ilang menuto lang, eto na naman ang mainit na araw. Dumaan lang ang basbas na ulan.

Sa akin lang ha, kapag bata pa, mainit na kandila ang pinagtutuunan ng atensyon. Kapag lumaki na at nagkaroon na ng malisya, ang opposite sex na ang pinagtutuunan ng pansin. Kung may pamilya na, family reunion naman ang undas. Kapag oldies na at isang nakalimutang-pagpaligo-na-lang-at-amoy-lupa-na, ang tunay na diwa na ng undas ang kanilang nasa isipan. Kapag malapit na sa finish line, dito nila inaalala ang naging buhay at kamatayan ng mahal nila sa buhay na nasa puntod. Dito sila nag-aalay ng dasal, hindi lang para sa taong nasa puntod, kundi para na rin sa kanila, sa pagdating ng panahon na kailangan na nilang magpalista kay San Pedro.

Kaya nga di ba, sabi ko na sa hinaba-haba man daw ng prusisyon, sa sementeryo din ang bagsak.

Pwedeng sa Jalajala Public Cemetery o sa katapat nitong Garden of Peace Memorial Park. Pero kahit saan pa mang libingan, sa abo tayo nagsimula, sa abo tayo hahantong. Maliban na lang siguro kung kinain ka ng pating. Shark ebak ang kalalabasan mo.

But that is another story to be told next undas.

11 comments:

Anonymous said...

i like the old cemetery better. its more community like. i know its crowded na and lost its solemnity. but we grew up with the old one and it brings back memories.

thanks for putting up pix pao.

Anonymous said...

put%$#@*!naaaaa!!!! nakita ko nga yung mga bading lalo na yung taga 3rd district ang laswa ng suot bwahahahaha

Anonymous said...

masaya tlga kapag undas, parang reunion ng boung bayan

Anonymous said...

Pao,
Can you put pictures of your
LOlo and Lola in your Dad's side/
I want to see their final resting place thanks

Anonymous said...

Ganito na nga ba kahirap ang buhay sa Jalajala?
Ang pinagpaguran naming magkakapatid, ang maisaayos ang puntod ng aming ina na kung saan pinilit naming lagyan ng "grills" at bakal na gate ang kanyang munting himlayan, ay walang pakundangang nakawin ng mga walang pusong kawatan!
Halos limang taon ng patay ang aming ina, ngunit hanggang ngayon ang lungkot dulot ng kanyang pagkawala ay hindi pa rin lumilipas.. Ang pagnanakaw ng mga gamit sa kanyang puntod ay tila ba nakadagdag pa sa aming kalungkutan. Kung sa kawatan, ito ay ilang kilong bakal na pwedeng pagkakitaan, para sa amin, ito ay simpleng paraan para patuloy na ingatan ang katahimikan ng puntod ng aming ina.. Ngayong wala na ito, napakadali para sa iba na duon tumambay, gawing palikuran, sugalan, at mababoy ang kanyang himlayan..

Habang patuloy na magsasawalang kibo ang mga nangangasiwa s jalajala public cemetery (meron ba nito?), patuloy din ang nakawan, ang pambababoy sa dapat sana'y tahimik na lugar para sa ating mga yumaong mahal sa buhay.

Habang patuloy na may bumibili ng bakal, yero at kung ano-ano pa na maaaring galing sa nakaw, hindi mawawala ang mga taong magnanais magsamantala sa kung anong meron sa sementeryo para maibenta..

At habang patuloy ang pagtangkilik sa sementeryo ng jalajala bilang pangunahing himlayan ng ating bayan, hindi mawawala ang mga kawatang aasa sa puntod ng mga patay para lamang mabuhay..

Anonymous said...

di manlng ako nkasilip sa sementeryo.. :(

Anonymous said...

yun pangalan bakal ng tatay ko sa lapida eh pilit tinanggal ng mga wal#ngh@ya kaya pa-engrave na lang yun pinagawa namin, di ako mgtataka kung sa susunod boung lapida n yung mawawala :(

Anonymous said...

ganda ng write-ups mo pao, galing mo nman..heheh.. dalwang undas na `kong di nakakauwe dahil sa work..pro di ko nman nakakalimutan mga kamag-anak kong yumao na..inaalayan ko nman sila lge ng prayer..sana may maisave ako kht isang soul sa knila... ;(

`ada

paolo said...

reyna, yan ang reason kaya gusto dun ng mga teens, para makasilay sa mga crushes kasi mas maraming tao, mas community ang dating hehe

anonymous, sana pumikit ka na lang (like what i did) hehe

anonymous, tradition na rin naman kasi na maging family reunion ang undas

anonymous, sorry di ko pwede i-post, makikilala kasi ako hehehehe bigay no na lang sa akin ang email add nyo, isend ko na lang

aponilaonglaan, na-trace na naman kung saang junk shop binenta yung mga ninakaw na bakal. ayon sa nasagap ko, sa isang junkshop sa Bayugo kaya malamang ay malalaman na rin kung sino mga kawatan iyon (hopefully)

sha, hinahanap nga kita hehehe

aladybug, baka akala gawa sa ginto yung mga letters?

ada, salamats sa compliments. tsaka ko na ippadala yung bayad hehe yung mga kamag-anak mong yumao, sila na lang daw dadalaw sau 1 of these days :P awuuuuuuu

Anonymous said...

Yun undas is one of the most awaited okasyon pra sa lahat. Sa mga oldies and nearing to oldies its a great time to spend with your family. Sa mga teenyboopers.. chance na tlaga makita ang crushes. Nitong huling undas.. may mga realizations nako.. m not getting any younger hehehe.. kase ako na lng matyaga magbantay sa puntod ng tatay ko kase yun mga pamangkin ko na ang naggagala.. most likely hinahanap din mga crushes nila.

I tried to kill time, by watching those teenagers passing by, langkay langkay, naka porma na pra bang may party. ( prang kmi nun.)Just by watchin them, i suddenly missed my frends. I had mixed emotions lalo na nun palubog na araw.. god.. i missed my frends.. badly missed them, lalo na nun nakatanaw ako sa puntod ni kuya rico.. tambayan kase namin yun pag undas. Dun kmi pinupuntahan nun mga papable namin. Mraming memories dun.. basta nkatambay lang kmi nagkukulitan.. c myles mangongotong pra pandagdag sa pambili ng alak..(fav nya kotongan is jbhad) while sum of us are planning san ang next venue for drinking session. While yun iba.. eh kausap na ang mga papa. Time flies so fast.. i wish we could still be like that.. but of course.. been there done that. ika nga..nag grow na kmi individually. May kanya kanya ng buhay. Yun iba nasa abroad na, yun iba nag settle down na sa ibang lugar.. yun iba may family na rin. Syempre no matter how you control things.. may mababago at mababago sa tao. But one thing is for sure.. they're still the same old friends i treasured most.


- Sosyal na daw -

paolo said...

sosyal, parang kilala ata kita ah hehe nakita kita pauwi around 2am ata tas nakita ko rin mga pamangkin mo na kasama mg barkada nila around that time. o di ba, next generation na sila pero kasabay mo pa rin sa uwian ng madaling araw ehehe