Wednesday, October 31, 2007

momo iyakin

(isinulat ni ALADYBUG, isang taga jalajala)
Ang apat na mgkakapatid ay lumaking puno sa pagmamahal at kahit pa salat sa materyal na bagay ay masaya ang kanilang pamilya. Hanggang sa nagkasakit ang kanilang ama at kailangang i-confine sa ospital dahil sa malalang kalagayan. Ang kanilang ina ay naiwan sa ospital para mabantayan ang asawa at ang mgkakapatid naman ay nagpasyang umuwi muna ng bahay.

Mahal na araw iyon kaya ang tatlong mgkakapatid na babae ay sumama sa prosisyon sa bayan para ipagdasal ang amang maysakit. Naiwan nag-iisa ang kapatid na lalaki sa kanilang bahay. Matapos ang prosisyon ay agad din silang umuwi at laking gulat ng madatnan ang kapatid na lalaki na tahimik na nakaupo sa labas ng bahay. At ng kanilang tanungin kung bakit ayaw nyang pumasok sa loob, ito ang kanyang sinabi...
“Kanina pa kasi meron babaeng iyak ng iyak sa loob ng bahay at ng silipin ko ang pinagmumulan ng ingay wala naman ako nakita”

5 comments:

Anonymous said...

parang alam ko ang kwentong yan..sobra ata ang bilang mo s family member (hehehe...)

paolo said...

baka ibang family iyon...

o baka itinatago niya ang identity nya hehehehe

malamang tinatago nga :P

Anonymous said...

teka sino si aladybug?

paolo said...

aba'y sino nga ba?

Anonymous said...

like a scared cat i supposed hehehe

i know who's "aladybug" is, but you have to give me a good reason why should i tell you.. SHOW MEEE THEE MOONEEYY!!!... haha joke..