Tuesday, October 2, 2007

sayns op da tayms

Nabasa ko ito sa friendster testi ng isang taga Jalajala.


npka maldita nean lyk me.'hehehe. . . xmfre ndi pwding inaafi afi kmE hehehe... frnd n kmE nean sinz.'bert!hehehe.'kea lm n nmn ugali ng izat iza! ava..!!!!!!damEng tymz nrEn kme ngaway nean.''db nga??my mga araw n ndi tlga kmE ngkksnd0ng 2.'!!!kea un gerahan 2 d max.!!!! mnzn xa ang umpza ng pag aaway nmng 2..!pe0.'xa dn humihngi ng x0wi!lyk n0w.'kea kme ngkbati kz.'xa ung gmwa ng way para maauz lht... pe0.'zrap ne2ng kzama.'kht pur0 kl0qhn ang alam.!

ahm..gurl e2 lng mzsav q0h.'zna mgbag0 kn!! zayang.'ang kgndahn.!db?!qng cra nmn imge u z iva!!yaAn m0h kea p yang mabag0!! my pag kkta0n prn nmn.'eh!!!!bztah ckret iz a ckrEt.'prmz.'alang mkklbaz z mga cnv m0h zkn!!

Depende kung ilang taon ka na ngayon, pwedeng madali mong nabasa ang testi na iyon, o sumakit ang ulo mo (gaya ko) ahuhuhu… Para sa iba, naiinis siguro sila at nagtataka kung bakit ganun pa ang paraan ng pagsusulat. Pero balik tanawin nyo nung kapanahunan nyo, di ba may sarili din kayong paraan ng pagsasalita nuon?

Natatandaan ko, nauso sa mga taga Jalajala ang pagdadagdag ng additional “chi” sa mga words. Gaya ng ang “matamis” ay nagiging “machitachimischi”. Komplikado naman pero nauso din ang paglalagay ng extrang “G” sa bawat syllable ng salita. Ang simpleng tanong na “Saan ka pupunta?” ay nagiging “sagaagan kaga pugupuguntaga?” Bakit nila ginagawa iyon? Higindigi kogo digin agalagam. Bagastaga gaganugun agang nagatagatagandagaagan kogo (Hindi ko din alam. Basta ganun ang matatandaan ko).

Uso din nuon ang pagbabaliktad ng mga salita.

Alam na alam natin na ang “erap” ay “pare” na nag-evolve din sa “repa” at “repapips”. Kapag may di ka naintindihan, sinasabi mong “bomalabs” o “malabo”. “Bokal” ang tawag natin kay Gov. Ito Ynares dahil sa kokonti niyang buhok. Maganda naman ang “wangkata” ng girlfriend ko. Corny naman para sa mga rockers ang salitang “in love” kaya ginawa nila itong “inlababo”. Bomalabs?

Hindi lang naman sa mga words ginagawa iyon dahil kahit ang mga pangalan ay binabaliktad din. Si Grace ay tinawag na “Ecarg”. Si Carla ay “Alrac”. “Trebuh” na ang tawag kay Hubert. Wala lang, style lang ba. Uso kasi yan na nilalagay sa patahing uniform sa basketball at sa volleyball. Either sila ang naglalagay mismo sa shorts nila o pangalan ng crush nila ang pinapatahi sa shorts.

Eto pa. Nauso din ang pagdadagdag ng letrang “H” sa mga pangalan.

Gaya ng “Joey” ay nagiging “Jhoey”. Si “Jennifer”, di pa nakuntento, naging “Jhennifer”. Pero si Gigi, dahil maiksi lang ang pangalan niya, naging “Ghighi” at nung naging boyfriend niya si Christopher, naging “Topherghi” ang collective name nilang dalawa. Nagbreak sila at naging boyfriend naman niya si Rico. Shempre, “Ghicoh” na ang pangalan nila.

Okay lang sana ito kahit pa medyo humahaba ang pagkakabigkas ng pangalan at tipong mauubusan ka ng hangin sa dibdib bago mo pa masabi ang pangalan. Ang problema lang, kapag bad breath ang kausap mo at dahil nailabas niya ang lahat ng kanyang hininga, malamang ay nasagap mo iyong lahat.

Oh, di bhhhhaaaaaaaaaaaa…?

4 comments:

Anonymous said...

narinig at nahawa ako sa pamangkin ko sa pag-sabi "pa-pam-pam" NYEHEHE


INENG

paolo said...

lagi ako nasasabihan ng "papampam" errr--- ano ba ibig sabihin nun?

Anonymous said...

my ex used our collective name sa basketball uniform nya at binaligtad pa ha para cguro mas cute hehe. SweeeeeeeT :)

Anonymous said...

aladybug - let me guess, you "arbor" his short right hehehe do you still have it??..