kagaya ng ginagawa ni MLQ3 sa Senate hearing ng ZTE-NBN deal, eto ang version ko ng live blogging ng fiesta natin...
7:30 am : Umuulan pa din. Brownout pa. Nagising ako na masakit pa ang ulo dahil sa hang-over na ininom kagabi. SanMig Light syempre, Fiesta eh hehe next time na lang ulit ang Generoso at Gran Matador. Kahapon, maghapon na umulan lalo na nung gabi. Hindi ko alam kung may palabas sa plaza kagabi kasi nung pagdaan ko, wala namang tao dahil sa lakas ng ulan. Sabi nila may Miss Gay daw pero wala naman. Sayang este--- May parade nga pala ang mga Ganda Lola contestants kahapon ng tanghali nuong di pa umuulan subalit di ko nakuhanan ng video dahil ang bilis ng andar ng mga floats na sinasabkyan nila. Nagmamadali siguro kasi magluluto pa ng mga handa nila sa Fiesta hehehe
8:43 am : Umuulan pa din, brownout pa. May naririnig akong drums and buggle sa labas pero di ko naman mapuntahan at panuorin dahil malakas nga ang ulan. Wala kaming bisita dahil wala kaming handa nyuknyuknyuk... Asan kaya si Batgurl? Malamang lasing na ng ganitong oras yun.
10:15 am : Umuulan pa din. Wala pa ding kuryente. Ho-hummm... makatulog nga ulit.
11:00 am to 12:00 pm : May kuryente na yahoooweeee! Pero umuulan pa din. May mga taong namimiyesta na sa labas, pakonti-konti. Nawala na ang banda at drums and buggle. Umuulan pa din. Haaaaaayyyyy...
1:25 pm : Tila na ng konti ang ulan. Tapusin ko na muna ang walang wentang live blogging na ito ahuuuu... Time na para lumabas ng bahay at makisalamuha sa mga lasing sa labas. Oras ng mamantikaan ang nguso. "Autobots, transform and roll out..."
3:00 pm : Naglalakad-lakad sa bayan, may mga tao naman pero di kasing dami ng mga nakaraang taon. Hindi ata namiyesta ang mga tagabaryo dahil ang mga nakita ko ay parang mga aling sa ibang bayan. May kanya-kanyang bisita ang bawat bahayan. Kokonti na lang yung namimiyesta na makikikain sa hindi kakilalang bahay. Napansin ko din na hindi rin nag-aaya ng kain ang may-ari ng bahay sa mga nagdadaang tao na di nila kakilala. Madami ng lasing sa kalsada, mga nakangiti, solve na ata hehehe Di na nahagilap si Batgurl, nawawala na.
3:20 pm: Nakita ko ang kapatid ko sa ibang babae ng tatay ko. Pangalawang beses ko pa lang siyang nakikita, unang beses 3 years ago. Hindi ko kilala yung bata nung pinakilala sa akin ng Tiyo ko, nagtataka pa nga ako kung sino yung bata na pina-kiss pa sa akin. Later ko lang naisip na yun ata yung kapatid ko daw. Cute sya, girl, around 6 years old. Wala lang. Ano bang dapat na reaksyon dun?
5:30 pm : Nakahanap na ako ng mga makakainuman, may binyagan kasi at tinawag ako para maki-join. Kaso dalawa lang ang kakilala ko, ang iba ay mga taga Pampanga at taga Pasig. Nagvi-videoke. Dahil hindi ako mahilig sa videoke,tumakas ako sa inuman pagkatapos ng dalawang bote.
5:45 pm : Yes, this is more like it. Mga chikababes na ang kaharap ko nyuk-nyuk-nyuk. Kaso hard ang iniinom at ang babe na taga-Pasig, ang kulit, ang taas ng tagay ahuhuhuhu... Nagkakabuhusan pa ng brandy. Mamaya daw, may Musical Jamboree sa plaza. Manunuod daw kami. Sana mamaya, diretso pa ang lakad ko.
9:00 pm : Nasa bahay na ako. Di pa naman lashing (hic!). Hindi na nakanood ng Jamboree, umuulan kasi ulit at walang tao sa bayan. Natapos ang inuman sa mga babes kanina kasi isa-isang nawala. Habang nagta-type ngayon sa blog, may nagtext na isang friend na girl. Naghahanap ng kasama. Since wala naman sa Jalajala ang iba naming friends, sinabi kong sa bahay na lang kami inom, wala din naman tao dito. Sinundo ko siya sa house nila at bumili ng San Mig Lite (shempre hehe).
(Sept. 30) 1:20 am : Kakauwi lang ng bahay. Hinatid ang kaibigan at tinuloy ang pagsusulat. Hayaan nyo muna akong magkwento ng nakit... zzzzzzz... zzzzzzzzzzz.... zzzzzzzzzzzzz.... zzzzzzzzzzz... zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz... *nakatulog na*
13 comments:
kaya ba "San Miguel" Light ang ininom kc fiesta ni San Miguel? tawa nmn kau wahuhu, tagay pa!
pwede rin hehehe pero bakit ang ginebra san miguel, di iniinom kapag fiesta :P
pao,nakakatawa ka..hahah!!
8:43am last sat. nsa ofc p q sa mkti kumokukota pa ng ot..hahah!! 1:30pm na `ko nkauwe jj..lashing ako sa antok/pagud kya 2log lng,,..9pm n q ngcng(lam mo na paniki).sumilip lng sa plaza..wla nman kwenta palabas..sna tnxt mo nlang ako pra ngkalasingan tau..at ngenjoy ka..;)
`batgurl
ADA, parang live blog din ang comment mo hehe. mahirap bang maging paniki?
BATMAN
BATMAN,
oo nman..mahirap..as in!!! nakakasuka na..lalo na pag sobrang kulang ka sa tulog!!! prang lageng nakalutang lng.. iba pren pag sa gabe ang tulog..tska nakakataba pag graveyard shift..abnormal kxe buhay mo..araw-araw gcng ka sa hapon..kakain ka ng breakfast mo 9pm..haayyyyzzz...don't try this @ home..hahah..Ü yaan mo nxt year bka maging normal na `ko..gs2 ko ng lumabas ng kabibeeeeeeee!!!! :)))))
labteam mo sa jj blog,
batgurl :))
batgurl, nyaaahhh! kaya pala di ka mahagilap nung fiesta...
uy, batman at batgurl. wala pa bang batboy? teka, sa baseball ata yun ah... wala na bang social life jan sa kabibe?
I worked at Call Center before, 3 meals sa umaga and you have to eat din sa gabi kaya ang tendency tataba ka tlga. Buti nkhnap ako ng day job but nkkmiss yun night differential & allowances.
PS. Batgurl tabihan kita pagtulog mo para mahimbing ZZZZZZZ
BATMAN
yes pao..ganun cgro tlga pag di kna masaya sa gngwa mo..and besides gs2 ko na ng normal na buhay..wahahahhaha..;p
batman,i'm already married with spiderman,.kya bwal ka ng chumorvah,..bwahahahah!!! ;p
batgurl
batgurl, abnormal ka pala ngayon hehe este--- abnormal pala yun buhay :P
bwahahah!!! abnormal na kng abnormal maganda nman..waahhaha!! ;p
batgurl
what was the story writer?? hahaha i love it when the story just end abruptly.. it like every story has a beginning and an end.. that might be true in most cases.. but sometimes however the two can be one in the same.. let me tell you about my short story in our fiesta.. you have to forgive me for using the oldest cliche' on the book.. it all began when.........(fade to white and insert musical dream song) hehe
batgurl, sabagay, normal is boring hehe
someone, i thought you were about to start with "one time in band camp..."
you should made the story like a terentino flick writer.. starting from the end then gradually inserting your first entry.. hehehe
Post a Comment