play song for added effects :)
Kung tatanungin natin ang mga kabataan ngayon, marami sa kanila ang hindi na inabot ang Batibot. Siguro ay naririnig na lamang nila sa mga kwentuhan ng mga mas nakakatanda sa kanila. Yung iba naman ay nakikita na lamang ang mga bagay-bagay na magpapaalala sa kanila ng Batibot. Nakakatawa nga rin yung iba, di nila alam na nasa Batibot na pala sila.
Halika, tara sa Batibot.
Magkita-kita tayo sa kanto ng E. Rodriguez St. at G. Borja St. Oo, nandun ang Batibot. Pinangalanan ng Batibot ang lugar na iyon kasabay ng kasikatan ng kiddie-educational show na Batibot sa telebisyon (wikipedia entry HERE). Bakit kanyo? Dahil gaya ng palabas sa TV, madami ding masasayang bata sa lugar na iyon. Bago pa man dumami ang mga internet shops sa Jalajala kung saan naglalaro ang mga kabataan ng mga online at LAN games, Batibot ang tambayan namin nuon. Kung may mga pisong coins ka, makakapaglaro ka na ng mga arcade games duon gaya ng Mario Bros., Battle Tank, Bomber Man, Double Dribble (bago pa magka NBA Live) at ang walang kamatayang Contra (sinong nakakaalam nito? --> up, up, down, down, left, right, left, right, B, A, B, A, select, start). Umaga pa lang, lalo na kung walang pasok, puno na agad ng mga bata ang Batibot. Masaya kasi duon, maliliksi at masisigla ang mga bata sa pagpindot ng mga buttons.
Pero kung iniisip nyo na pambata lang ang Batibot, nagkakamali kayo. Dahil sa Batibot, pwede din sila Kuya Bodjie, Ate Sienna, Manang Bola o Irma Daldal kung nais nilang magpakayod ng niyog, magpagiling ng malagkit na bigas, mani o kaya naman ay bumili ng uling. Sari-sari store din ito. Masipag kasi ang may-ari ng Batibot, lahat ng pwedeng inegosyo ay pinag-iisipan niya.
Papano naman ang mga kabinataan? Papaano naman yung di mahilig sa arcade games o walang niyog na ipapakayod? Aba, maliban sa magandang tambayan ang kantong iyon, meron ding bilyaran ang Batibot. Dito nahubog ang mga tumbok ng maraming billiard players ng Jalajala. Medyo masikip nga lang at may mga anggulong kailangang maliit na tako ang gamitin mo dahil di kasya ang mahabang tako.
Maliban sa mga atraksyong ito, madaming pumupunta sa Batibot dahil ang may-ari nito ay mapagkaibigan at mahusay makisama.
Di nyo pa rin alam kung saan ang Batibot? Itanong nyo kay Nonel.
pagmulat ng mata, langit nakatawa
sa batibot, sa batibot
tayo nang magpunta, tuklasin sa batibot
ang tuwa, ang saya
doon sa batibot tayo na, tayo na
mga bata sa batibot
maliksi, masigla

17 comments:
my friend ako mahilig dumaan sa batibot hehe
pamilyar sa akin ang batibot na place na yan, pero ang hinahanap ko ay sesame street... san kaya yun?
aladybug, mukhang sisilay kaya mahilig dumaan ah hehe
buknoy, di ko ata alam yun.
GUSTO KO RIN YUN 1949,SAKA SPARTAN.
VICKS
batibot?? ganda! kaya lang inaktok ako sa istoria parang wala lang kinakalawang na ata si kuya post ka nman ng something na kakaiba at may sense.
kamasutra
wag namang ganyan. ano ba yung mga posts na kakaiba at may sense?
oo nga kamasutra ano ba mga posts na may sense o wala para sa iyo? ikaw kaya ang magsulat magresearch at gumawa ng blog? may magagawa ka ba? baka di ka kasi batang batibot hahahahahaha
Gawin natin makabuluhan ang article ni kuya hehehe,.. naalala nyo ba noon ang batibot party na ginawa malapit sa amin tuwing pasko para sa mga bata? naging hit ito noon, kung kilala nyo si ate perly anago,isa sya sa mga may akda nito. may mga games may mga sumasayaw at kumakanta and then my mga prices.
naalala ko lang ng nakita ko article about batibot
kiko matsing di ko na kailangan magsulat dahil nakasulat na ako at marahil nabasa mo na ren, bat di ikaw kaya ang magsulat o gumawa ng blog para di kalang taga basa at para may maeambag ka naman. kung ano man nabasa mo ay opinyon ko yon.
kamasutra
yung kakaiba or may sense something po na makukuhanan naten ng knowledge at least nagaaksaya naren naman tayo ng time pagbabasa so better siguro may laman o aral man lang. eh kung mananatiling kanto o tambay paguusapan naten papano naman tayo mag go grow.
kamasutra
gayahin nalang kaya natin ang forum mas may buhay at kabuluhan mga topic doon suggest lang
nyaaaahhhhh! wala bang sense? hehehe sabi nga ni Kiko Matsing, malaking parte kasi ng childhood namin ang Batibot nuon kaya masarap din sariwain para sa akin ngayon. besides, sarado na ang Batibot at darating ang panahon na makakalimutan na ito. kahit man lang dito ay makasama iyon.
kamasutra, di kasi mawawala sa usapan ang kanto life kapag jalajala ang pinag-uusapan. wala ka mang mapupulot na aral, mag-go-grow ka pa rin dahil natututo tayo ng pakikipagkapwa sa pakikisalamuha natin sa mga nasa kanto. socializing ba hehe
pao di ko alam yan lam munaman homegirl ata ako at di nabibilang sa mga tsimosa o tsismosa pro basta ikaw granted hahaha cute mo talaga pao.
kamasutra
bangflirt aba hhaha
hindi "flirt", sweet lang talaga sya hehehe
"bangflirt ba" ganon! galing mo naman salamat kesa naman sayo ako mag flirt diba better kay pao nalang hahahaha.
kamasutra
hhaaayyy..
Post a Comment