Monday, September 10, 2007

sa kanto ng alaala at kabataan

Paborito kong guro si Mrs. Reyes. Mrs. Reyes na maputi.

Bakit “maputi”? Kung sa elementary school ka nag-aral, kilala mo si Mrs. Reyes na maitim at si Mrs. Reyes na maputi. Hindi natin dini-discriminate ang kulay nila pero para sa mga grade 1 at grade 2 pupils, yun lang ang alam nating paraan nuon para ma-distuingish natin ang dalawang guro. Kasi naman, halos walang pagkakaiba ang dalawa. Teacher sa Grade 1 section 2 si Mrs. Iluminada Reyes na maitim at sa Grade 2 section 1 si Mrs. Herminia Reyes na maputi. Pareho silang Reyes subalit sa pagkakaalam ko, hindi magkamag-anak ang kanilang mga asawa (magkapatid ang dalawang guro, anak ng dating alkalde na si Agaton Gellido ayon sa isang nag-comment sa blog - pao). Magkapit-bahay din ang dalawa sa Simeon Perez street sa gitnang bayan. Bahay ni Mrs. Reyes na maputi yung nasa kanto ng S. Perez at A. Bonifacio.

Grade 1, nasa section 2 ako nuon. Si Mrs. Reyes na maitim ang kauna-unahan kong guro. Hindi ko lubos na na-appreciate ang pagiging guro niya. Nanduon kasi ang takot sa tuwing papasok. Hindi takot sa guro, kundi takot na mawalay sa nanay at sa bahay namin, takot na makasalamuha ang mga batang di ko naman mga kalaro. Malamang ay umiyak din ako nung mga unang araw ng pasukan.

Pagdating ng Grade 2, medyo may lakas na ko ng loob dahil nagkaroon na ng mga kaibigan sa paaralan. Naging section 1 ako nun at si Mrs. Reyes na maputi nga ang aking naging guro. Magaling siyang teacher, mabait. Sa kanya tumatag ang pundasyon ng aking kaalaman na nagagamit ko hanggang sa aking pagtanda. May sapat na akong self-esteem nuon subalit natatandaan ko, umiyak pa din ako nun dahil niloloko ako ng mga kaklase kong sisiga-siga. Wala daw kasi akong suot na brief. Pakers! Eh patutoy pa lang ang akin nuon, di pa kailangang mag-brief. Ganun pa man, nuon ko lang talaga nagustuhan ang pumasok sa elementary. Nagpapa-agahan sa pagpasok pa nga kami ng ilan kong kaklase sa umaga. Alas sais pa lang ng umaga, gusto ko ng umalis ng bahay at pumasok. Lagi akong napapalo ng lola ko nuon, ang aga-aga ko daw pumasok. Sa tanghali naman, 12:30 pa lang ay nasa pintuan na kami ng bahay ni Mrs. Reyes na maputi. Kami na kasi ng ilan kong kaklase ang kumukuha sa kanya ng susi ng classroom para mabuksan na namin at makapasok na. Kadalasan ay maaga kami duon kaya di agad binibigay ni Mrs. Reyes na maputi ang susi kaya nakakakwentuhan pa namin muna ang kanyang asawa, ang tiyo Pabling.

Guwapo ang tiyo Pabling, maputi din siya at panigurado, pabling talaga siya nung kabinataan niya. Palabiro din siya at lagi akong tinutukso sa isang babaeng kaklase namin. Hanggang ngayon, kapag makikita ko siya, lagi niyang sinasabing pinapakamusta daw ako nung babae. Pamangkin kasi niyan yun pero sigurado ako, nagbibiro lang siya. Tinatawanan ko na lang ang kanyang biro. Gusto ko din ang pangalan ng anak nila, si Francis. Cool na cool na pangalan. “Francis”? Anong cool sa pangkaraniwang pangalan na iyon? Dahil ang kumpletong pangalan niya ay Francis Reyes, katukayo ng legendary guitarist ng The Dawn. Oh di ba?

Type na type ko din ang bahay nila. Mula nung Grade 2 ako, makalipas ng dalawang dekada, halos walang pinagbago . Napinturahan lang ng bago pero yun pa din ang bahay na pinupuntahan namin nuon. Hindi iyon naluluma. Maaliwalas kasi ang dating ng bahay nila, design nuong 70’s. Malalaki ang bintana, alaga ang mga halamang nakatanim sa paligid. Mas gusto ko pa ang bahay nila kumpara sa mga bagong bahay na pinapagawa sa bayan ngayon. Hindi lang kasi “house” ang dating, isang “home”. Magkaiba iyon.

Tuwing mapapadaan ako sa tabi ng bahay nila, lagi akong napapatingin duon at naaalala ang panahong naging mag-aaral ako ni Mrs. Reyes na maputi. Madalas sa minsan ay nakikita ko ang tiyo Pabling. Nagtatanguan, nagngingitian, nagkakakwentuhan kapag matagal-tagal kaming di nagkita. Iintro siya ng “kinakamusta ka ni…” ---bibitinin niya ang pangalan at tuturo sa malayo, sa direksyon ng bahay ng pamangkin niya. Matatawa lang ako.

Hindi ko na nakikita si Mrs. Reyes na maputi.

Pumanaw na kasi siya.

22 comments:

Anonymous said...

bakit kaya karamihan sa mga grade 1 na section 2 na kay mrs. Reyes na maitim ay npupunta sa section 1 pag naggrade 2 na kay mrs. reyes na maputi na. yun naman section 1 ng grade ay magiging setion 2 . karamihan lang naman.

stepilikok

Anonymous said...

naalala ko nun grade 1 ako unang pasok ko section 2 pala ako sa section 3 ako pumasok, kasi ba naman yun nanay ko unang araw ko ng pasok eh hindi man lang ako sinamahan,yun iba tuloy yun napasukan ko kaya pala hindi tinawag yun pangalan ko nun attandance na. tapos pauwi ko ng hapon yun gawa ako ng homework hindi ko na matandaan kung paano nila nalaman na mali pala napasukan ko,
kinabukasan pasok na ko kay mrs reyes na maitim yun , tapos may part na magpapakilala ka , yun nagpakilala ako , napagalitan ako kasi yun palang naman na dinabi ko ay nickname lang meron pala akong tunay na pangalan na noon ko lang nalaman, nanay ko talaga hindi sinabi sakin. and the rest is history.... parang hindi na yata comment ito ah . parang isang post na yata... sory ginanahan lang ng konti mag comment...

stepilikok

Anonymous said...

Mr. writer, taga Jalajala ka ba talaga? Bakit di mo nasabi na si Mrs. Reyes na maputi at si Mrs. Reyes na maitim ay magkapatid? Anak sila ng dating Mayor Agaton Gellido. Panganay si Herminia at pang-apat naman si Iluminada sa magkakapatid.

Ang mga batang naging estudyante ng magkapatid ay maswerte kasi parehong magaling yan magkapatid na yan.

paolo said...

stepilok, eto pa nakapagtataka. halos lahat ata ng naho-honor nung grade 1 ay galing sa section 2. hindi ako naligaw ng room nun kasi alam ko kay mrs. reyes na maitim ako hehehe

anonymous, ang alam ko nga po ay related sila pero di kasi ako sure at di naman ako makapagtanong sa iba dahil makikilala ako hehe kaya di ko na rin binanggit. ang alam ko lang ay di related ang mga asawa nila kahit pareho silang reyes. yun din po ang purpose ng comment section, para masabi ng iba yung mga bagay na di ko alam. salamat po sa info.

Anonymous said...

come to think of it, maitim asawa ni Mrs. Reyes itim, at maputi naman yun kay Mrs. Reyes puti... wala lang hehehe

paolo said...

Pop Quiz: anong pangalan ng asawa ni Mrs. Lumeng Reyes?

Anonymous said...

erning ata?!
ang sure ko un anak nya si ado reyes na lgeng nktmabay kna kuya aye bellin..heheh :P

napalo ako ni mrs. reyes na maitim dati nun grade 1 kme..buong section nman un..nakapila kme habang namamalo xa...hehe..la lng.. :P


`ada

paolo said...

correct! you just won 1 stick of fishball yummm

erning nga hehe

sinong 1st honor nyo nung grade 1?

Anonymous said...

consistent 1st honor po ako nun elementary `til highschool. just an fyi. heheh.. :))


`ada

paolo said...

ako din, consistent... consistent section 1 :P

Anonymous said...

ako din section 1 pero row 3 katabi ng basurahan hahahaha

Anonymous said...

Pao, bakit mo sinara yung isang blog mo? gawa ba ng boybastos saga? hahaha tama ka hindi nga makakarelate ang mga magbabasa dito na hindi taga bayan nyo pero natyambahan kong nakita ang blog mong ito :) good times pare, mamimiss ka namin.

Anonymous said...

me too.. consistent, always seated in the back.. coz im well behave..

Anonymous said...

well...kudos sten mga "CONSISTENT"
wahahahahaah!!!! ;)*5 power clap!*

`ada

paolo said...

VV, hahaha walang kinalaman ang boybastos. graduate na nga lang ako dun kas hehe

anonymous, someone, ada - hindi kaya magkakaklase tayo?

Anonymous said...

huuuuu si paolo ngpapabata!!! hahaha!!!! ang alam ko mas matanda ka sken ng 3-5yrs?!? hehe.. :)


`ada

Anonymous said...

di ako maka relate

paolo said...

ada, hindi kaya. grade 4 ako nung grade 6 kayo :P

anonymous, sorry if di ka makarelate hehe basa-basa ka lang at malalaman mo din mga topics

Anonymous said...

weh?di nga?so u mean..kabatch mo lng mga nafeatured JJ Girl for the week dati?o c'mon..heheh..;p


`ada

paolo said...

ay mali, ahead ka lang pala ng 1 year, tama... err---

Anonymous said...

hahahah!!! so, kabatch mo cna jomark? now i know..hahaha!!!;p

paolo said...

hehe err--- tama, tama! ka-batch ko sila :P