Tuesday, September 4, 2007

blogblogblogee scandal

Maupo muna kayong lahat. Magandang tanghali po. Maupo muna kayo. Uhhh… magandang tanghali po… (kagat labi)… Pakipatay nyo lang ang cellphone nyo. Uhhhhh… may gusto lang po akong sabihin sa buong mundo, sa mga Filipino (himas ng batok). Ayoko na sanang gawin ito eh… pero… (kagat labi sandali) pinepersonal na po ako ni Joey De Leon eh, este— ni Tagabario (iling… punas ng labi… buntunghininga…). Alam mo Tagabario, ang laki ng respeto ko sa yo eh…

Siguro ay di na talaga mawawala sa bayan natin ang sobrang pulitika lalo na kapag may mga taong nabubuhay sa pulitika at lahat na lang ng bagay para sa kanila ay umiikot at may bahid nito. Hindi ko kilala kung sino si Tagabario ngunit ayon sa nababasa ko sa mga sinusulat nya ay ganun ang dating nya para sa akin. Hayaan nyo po munang sagutin ko ang mga issues na sinabi niya dahil unang-una, wala na po akong maisulat (nyaaaahhh!)

Wala pong halong pulitika ang pagkakagawa ng blog na ito. Hindi ko tinatapatan ang ginawang Jalajala Forum at lalo ng hindi iyon dahil sa inggit. Kung yun ang hangarin ko ay forum din sana ang ginawa ko. Magkaiba ang forum sa blog at di ko na sasabihin ang pagkakaiba dahil alam nyo na yun. Naggawa ako ng blog upang maisulat ang mga bagay-bagay na naiisip ko tungkol sa Jalajala. Highschool pa lang po ay nagsusulat-sulat na ako sa journal ko ng mga bagay-bagay. Di ko nga lang pwedeng isulat yun dito dahil masyado na yung personal.

Ang totoo po nyan (kusot ng mata para maiyak) ay hindi ko na sana ipagsasabi sa mga taga Jalajala ang URL ng blog na ito. Magsusulat na lang sana ako ng magsusulat para mawala na sa isip ko ang mga nais kong isulat tungkol sa bayan natin. Ganun kasi ako, kapag may naisip akong isang bagay, hindi yun mawawala sa isip ko at di ako papatahimikin hanggat di ko naisusulat. Pero nung magkita kami ni Elat sa Las Vegas, anong ginawa nya? Sinabihan niya akong ipabasa na rin sa mga taga Jalajala ang blog. Naisip ko din na sabagay, wala namang masama kung mabasa ng mga kababayan ko.

Sabi din ng isang nag-comment dito, si Kamasutra, na nakakatamad daw at walang sense ang ibang mga sinusulat ko dito. Naniniwala po akong honest opinion nya yun at di siya naninira lamang. Ang sagot ko po dito ay dahil ang mga sinusulat ko ay base din sa mga karanasan ko sa Jalajala at ang ilan ay galing sa mga kaibigan ko. Kung nakakatamad man iyon para sa kanya ay dahil po di naman talaga exciting ang buhay ko. Isa lang akong pangkaraniwang taga Jalajala na walang magawa. Hindi sa sinusumbat ko ito, para lang malaman nyo… bahay, sa kwarto at studio lang ako. Pag wala na akong kayang lakas, andun lang ako sa kwarto, mag-isa. Iniisip ko kung anong gagawin ko ulit bukas para mapasaya ang buong mundo. Tsaka nagsusulat ako unang-una, para sa aking sarili lang. Kung matutuwa man ang ilang makakabasa at makaka-relate sila ay mabuti, added bonus ika nga, icing on the cake. Kaya naisipan ko ding ilagay ang email address ko dito para makapagpadala naman ng sulat ang mga mambabasang may maikukwentong masaya. Hindi naman kailangang laging may mapupulot na aral sa babasahin. Anong magagawa ko kung walang mabuting aral sa karanasan ko? Dats layp. Nandiyan ang Bible kung kabutihang aral ang hanap, naghihintay lang na basahin natin.

Hindi ho ako humihingi sa inyo ng awa. Pinaglalaban ko lang ang sarili ko. Labas po dito ang ABS, personal ko na po ito. Ang bigat, ang bigat ng ginagawa mo sa akin. Ang hangad ko lang ay magpasaya ng tao… (hikbi) magpasaya lang ng tao, Tagabario. Kung hindi dahil sa ratings! Sa iyo na yang ratings mo! Sa inyo na yang number 1 kayo! (kusot ng mata)… Kung totoo yang sinasabi mo, kung may bahid ng pulitika ang ginawa ko… akala mo napakalinis mong tao! Kung naniniwala kayo dun, iwan nyo po ako! Iwanan nyo ako dito… wag mong paglaruan… Tagabario, wag mong paglaruan ang pagkatao ko. Ikaw na ang bida! Ikaw na ang number 1!

Pasensya na po kayo, humihingi po ako ng tawad sa inyo. Sasabihin ko po sa inyo ng harapan,walang halong pulitika ang blog na ito. Marami pong salamat, pasensya na po kayo. Hindi ko na po kaya to. Pero ganun pa man, Mr. Tagabario, nirerespeto pa din kita. Wag mong intayin na mawala ang respeto at paghanga ko sa yo. Marami pong salamat sa inyo. Marami pong salamat sa buong mundo.
:)

***
Para sa di naka-gets, watch this:
Wowowee Part 1
Wowowee Part 2

25 comments:

Anonymous said...

bwahahahaha inisaisa mo talaga sinabi ni pappy. lagot ka sa mga fans ng wowowee hahaha hayaan mo lang mga nambabatikos.

Anonymous said...

nagexplain na si papi kanina sa channel 2. ewan ko lang kung sasangayon kayo sa sinabi niya. ako kasi hindi uubra sa akin yung paliwanag. madami pa dinakong katanungan.

Anonymous said...

ang hirap pala ng sikat...

Anonymous said...

"EXPAIN before you COMPLAIN!!!!"
heheh...;p

Anonymous said...

siguro dapat hinde nalang tayo mag pa apekto doon (tagabario). gusto lang naman natin ng pagkakalibangan at ibang paraan ng pag kamusta sa mga kababayan natin taga jalajala,

marami ng magandang sinulat ang ang writer ng blog na to kung bumaba man ang ratings nya sa pag sulat ganon talaga minsan, mahirap magisip at mag research,

Anonymous said...

sa kwarta o kahaon pa rin ako ni pepe pimentel.. the mother of all game show....
ang laman ng kahon ay.......... 3 pirasong talong!!! hehehehehehe!

Anonymous said...

ang tanda mo na!!!! kwarta o kahom amp ^^ pang bata lang dito hehehehehehe!

Anonymous said...

wow sorry writter pero lahat ng bagay may reason kung bat nasasabe o bat nangyayare. sinabe kong walang sense pero di para maliitin ka o husgahan, sinabe ko yon para at least mag reac ka at magpaliwanag dahil don hahaba na ang argumento naten at dahil sa paguusapan naten argumento marami nang mangingialam dahil may pinaguusapan tayo diba at kanino mapupunta benifits eh di sa sinulat mo correct me if im wrong. Remember: hindi mo daw masasabing rose ang isang rose kung walang tinik, di mo daw masasabe na love kung walang pain so kung puro praises lang ang gusto mong comment di magkakabuhay yan dapat meron den critism. So at least sa susunod na gagawa ka ng blog eh talagang gagawin mong mas maganda para masiyahan lahat ng mambabasa. Sorry wala akong intensyon na manira gusto ko lang mapanunlad o tumulong sa blogs na ito, may naisulat na ren ako dapat maintindihan mo ren ako dahil naiintindihan kita..
im on youre side PAO si tagabaryo awayin naten.



KAMASUTRA

paolo said...

hehehe di naman ako affected sa mga sinasabi niya. sticks and stones may break my bones, but words wont hurt me.

sinulat ko lang ito para maging "in" sa mga current happenings hehe

nakakainis kayo, nagpapatawa lang ako di kayo natawa GRRRRRR :P

paolo said...

oo nga pala, kamasutra, alam ko di ka naninira. eto nga yung sinulat ko, di ba?

"Sabi din ng isang nag-comment dito, si Kamasutra, na nakakatamad daw at walang sense ang ibang mga sinusulat ko dito. Naniniwala po akong honest opinion nya yun at di siya naninira lamang."

sinabi ko lang yung reason kung bakit baka para sa iba ay di sila nakakarelate. love w/o pain? hmmmnnnn.. :P

Anonymous said...

question lang po, sino ba si PAO? paulo bediones ba o paulo contis?

paolo said...

si paulo coehlo (nyaahhhh! ang kapal hehe)

http://www.paulocoelho.com.br/

Anonymous said...

ang may ayaw nitong blog n to wag na lng mag comment ng hindi maganda or wag ng sumali, di nmn sapilitan to diba? paano kaming may gusto ng ganito dito kami masaya kahit walng kwenta sa iba ang nakasulat dito, para sa amin ok to blah blah blah @#5$#$%%%#$$*&^%. nangingialam eh blog@# boink*(%& blag AH uh pow@#!. WRITER tuloy mo lang, nsa tumutingin daw ang ikinagaganda ng tinitingnan, baka sa salamin sila nakatingin kya walang kwenta sa knila ang nakikita nila, hirap kayang mag isip.. hihihihihihi

Anonymous said...

oo nga sa tema nga ng comment mo eh may isip kapa nyan hahaha di kaya kamag anak mo si kababario kaya ang laman ng utak mo ay hihihi


cloepatra

Anonymous said...

@ anonymous, maka singit lang po... di ba comments section to, wala naman nilagay ang administrator na positive feedback lang i-post, di naman yata maganda na sarcastic ang pagiging depensive mo... ganyan ba ang taga jalajala?!

@cleopatra, suportahan taka!

Anonymous said...

walang sense yan topic nyo...hinid educational

paolo said...

educational, dito : http://www.sciencedaily.com/

wala lang, dito : http://jalajalarizal.blogspot.com/

nyuknyuknyuk

Anonymous said...

si paolo pa pampam....nyenyenyenyenye....

Anonymous said...

saddam love you kuya salamat




cleopatra

Anonymous said...

i hate this blog.. thats why i always make it a point to check out this site everyday, read his writing to the last word, leave some comments/replys, vote on the surveys, check out the dudes and babes in featured person of the week, always making sure to click on the ads ( just right)-->>
ugh the paainn within me!!..

Semper Fidelis writer!!..

Anonymous said...

cleopatra, bat tayo napunta sa isip, wag ganyan ang komento mo di mo nmn ako kilala malay mo kung major ako ng militar o mas mataas ang pinagaralan ko sayo.. ung hihihi tawa lng ng bata yun... mukhang ikaw ang may problema... di ko kilala si tagabario. nakikibasa lang ako dito... pang kalahatan to wag kang tumukoy ng isa... bwahahahahaha!!!

Anonymous said...

someone...buti pala you hate the blog ano? paano pa kaya kung nagustuhan mo? hahaha...

Anonymous said...

ay oo nga siguro baka nga mas mataas pinagaral mo, sensya na tanga kase ako at walang pinagaralan so diba kinakausap mo ako ano ngayon ang tawag mo sa sarili mo henyo ba? basahin mo una mong comment sa palagay mo ba yan ang tipo ng comment ng isang taong may mataas na pinag-aralan, kung sa pakiramdam mo mas mataas nga pinagaralan mo. okay dapat ipagtayo ka ng munumento at dasalan. hahahahahhahahahahahah


cloepatra

Anonymous said...

wala me paki sa mga cnsab n willie,mas maganda pala eat bulaga no.1!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Anonymous said...

wala lang ung isang comment