Wednesday, September 26, 2007

amateur

Ito ang peborit kong kinakanta ng mga songers kapag may amateur…
Pero bago yun, eto muna…

Fiesta na naman. Yey! Pero di ako masyadong excited.

Madaming rason. Siguro kasi di na kasing saya ng mga dating fiestas. Siguro kasi mahirap ang panahon ngayon kaya naghihigpit na ng sinturon ang mga tao. Pero malamang, hindi na ako excited dahil mas masaya ang fiesta kung kabataan mo pa. Shiet, ang tanda ko na, yuucck…

Walang amateur singing contests ngayong taon. Dati kasi, limang araw ata bago mag-pista, may pa-amateur na. Gabi-gabi, may gimik ang mga taga Jalajala. Sa mga oldies, nanonood sila para makinig ng mga kantahan. Jampacked lagi ang plaza, lalo na kung may guest na artista. May mga sikat na naiimbitahan, pero kahit si Palito lang ang dumating, okay na rin, laff-trip naman. Standing-room-only lagi ang lugar, hindi lang dahil sa dami ng tao, kundi dahil wala naman talagang upuan. Sa mga siryosong manunuod, bring-your-own-upuan. May dala-dalang monoblock chairs pero karamihan, mahahabang bangko ang buhat-buhat. The more, the merrier. Pero syempre, yung mga nanay-nanay lang ang may dalang upuan. Dyahe kasi sa mga kabataan, nakakasira ng japorms ang may dalang upuan. Okay lang lumupage sa court o mangalay kakatayo. Bakit?

Dahil para sa mga kabataan, nandun sila para maka-jerk. Pormahan syempre pero yung pormang casual lang. Karaniwan sa mga lalake, suot ang bagong patahing basketball shorts nila, tas sabay-sabay sila, pare-pareho ang shorts. Sa mga gurrrrls, labas hita syempre. Rawrrrrr…

Tiba-tiba lagi ang rolling store ng Anah at ng iba pang nakikipag-compete sa kanya. Pisbol, popcorn na kulay dilaw at violet, mani, scrambol at tigpi-pisong malamig. Dapat may dala kang barya lagi para kapag nakikilan ka ng mga babaeng miyembro ng Piso Mafia eh may ibibigay ka.

“Edgar Santiago”. Ring a bell? Siya lagi ang nakukuhang emcee sa mga amateur. Taga Morong, Rizal sya at masaya siyang mag-emcee. Laging may mga binibigay na trivia tungkol sa mga bayan ng Rizal. Marami siyang alam sa history ng Jalajala, subalit ewan ko lang kung gaano katotoo yun. I don’t care. We don’t care. Basta masaya.

Speaking of masaya, wala na sigurong sasaya pa lalo na kapag may mga contestants na nagkikintaban ang suot. Palumaan pa ng kanta, yun bang pang amateur talaga. Karaniwan ay mga taga ibang bayan ang nanalo pero crowd favorite syempre kapag tagabayan ang kalahok, gaya ng magkapatid na Robert at Gaston. Naghahabulan lagi sila at ng banda sa tiyempo. Ang banda? Ang Jamestone (Gemstone ba?) Band na pinapangunahan ng isang taga-Jalajala, si Ude dela Cruz. Peborit ko ang drummer nila lalo na kapag slow rock na ang tinutugtog. Feel na feel kasi niya ang bawat hataw sa snare drum at hi-hat, habang nakatingin sa kaliwa at iiling-iling…

"But I feel I'm growing older
And the songs that I have sung
Echo in the distance
Like the sound
Of a windmill goin' 'round
I guess I'll always be
A soldier of fortune..."

Alas dos na ng madaling araw, di pa tapos ang amateur. Matira ang matibay na audience pero bago pa mag-alas tres, kokonti na ang nanunuod. Uwian na ang karamihan ng mga oldies. Kinabukasan, itatanong na lang nila sa kanilang mga anak kung sino ang nanalo.

Kanya-kanya na ng recite ng pinraktis na sasabihin ang mga kabataan. May magsasabing hindi na rin nila natapos, may manghuhula na lang ng pangalan, at ang iba ay di na lang matandaan.

Ang totoo ay di nila alam dahil wala pa sa kalahati ng amateur, wala na sila. Kasama na ang mga crushes nila at mga nagtatago na sa dilim. Sa likod ng bahay ng isang kabarkada, sa madilim na sulok ng bakuran kung saan ay bigla na lang magpuputakan ang mga manok na nagambala o mga asong nagkakahulan.

Ang iba ay nasa balatungan.

11 comments:

Anonymous said...

ang tatay ko mahilig sumali ng amatuer dati pero di ko na sasabihing ang pangalan nya nakakahiya kasi bwahahahaha

Anonymous said...

yun tito ko naman, umiinom muna ng 2 bote ng beer sa gabing kasali sya sa amateur, ngpapalakas ng loob, madalas napapapiyok tuloy huhu

paolo said...

di kasi biro ang humarap at magtanghal sa harap ng madaming pipol, lalo na kung mga kababayan pa hehe kaya kahit praktisado ng mabuti sa minus-one, sa karaoke, o videoke, nawawala pa rin sa sarili kapag nasa stage na.

Anonymous said...

NUMBER 1 FAN AKO NI ESTOY!!!

Anonymous said...

hahah!!!kamag-anak ko un si estoy!
ampanget nman..uuwe ako wla nman mapapanuod!tlgang yang si ely..kuripot..sayang ang boto ko sa knya..hahah!!!-madam

Anonymous said...

better kuripot than waldas! ubos ubos biyaya bukas nakatunganga! hey tnx for voting Ely, you made the right choice!

Anonymous said...

gusto ko pag yung ano kantang may linyang "isang tinig ang aking narinig, minsan nanaginip, ating bansa'y umaawit.." nakalimutan ko yung title pero yan ang laging kanta ng mga sumasali sa singing contest sa bayan namin

paolo said...

di ko ata alam yang kanta na yan. sige, hanapin ko sa imeem kung meron. but first, baka may nakakaalam ng title.

Anonymous said...

ok din ang "ISANG LAHI", kabaduyan itu dear

(CHORUS:)
Sundan mo ang tanaw ng buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pag-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandyan sa palad mo . . .

(o wag ng kantahin hehehe)

Anonymous said...

Since nun nanuod ako ng amateur sa JJ mula pagkabata til nagdalaga ako wla ako natandaan na nanalo sa grand prize.. one thing for sure.. mkintab ang suot nya.Kase nun bata pako, after ko magpabili ng popcorn at scramble ng anah, niyayaya ko na nanay ko na umuwi. Pero nun dalaga nako, lalong wla nako natandaan khit pa cnong contestant yan, or kung cnong artista ang dumating. Kung bakit??? secret.

-DJMERF-

paolo said...

aladybug, di ko ata alam yung kanta na yun ah. mas matanda pa ba yun sa mga lolo?

DJMERF, di ba may member kayo na may pinsan na laging sumasali sa amateur? :P