Thursday, September 20, 2007

lapis

Gusto ko ang amoy ng lapis, kahit na anong lapis, maging Mongol No.2 pa man o yung matatabang lapis na kulay itim. Gusto ko ang amoy ng kahoy nito. Gusto ko din ang amoy ng pambura nito sa dulo. I heart lapis. Ayabyu lapis, mwah mwah mwah…

Tuwing nakakakita at nakakaamoy kasi ako ng lapis, naaalala ko nuong mga taon na nag-aaral pa ako sa elementarya. Natatandaan ko nung Grade 1 at Grade 2, under sa magkapatid na Mrs. Reyeses, mabilis maubos ang mga lapis ko, yung matatabang maitim. Nauubos hindi dahil mahilig akong magsulat, nauubos dahil di ako marunong magtasa ng lapis nun. Kapag malapit ng maayos ang pagkakatasa, bigla na lang mapuputol ang dulo pag isusulat na. Gusto ko din laging matulis ang dulo kaya tasa ako ng tasa.
Kung mabilis maubos ang panulat, mas mabilis maubos ang eraser nito na nakakabit sa kabilang dulo. “Vigorous” kasi ako kung magbura ng maling isinulat, yun bang pagburang parang katapusan na ng mundo. Halos mabutas ang papel sa pagbura sa isinulat na sobrang diin ang pagkakasulat. Kapag naubos ang pambura, pwede mo pang kagatin ang metal na nagkakapit sa eraser sa kahoy ng lapis. Kinakagat para mapalabas ang kaunting eraser na naiwan sa loob. Syempre, bata pa ako nun kaya di ko pa naiisip na ang kinakagat kong iyon ay naipantanggal ko na rin ng tutuli sa loob ng aking tenga.
Paano kapag wala na talagang eraser? Swerte ka kung ibibili ka ng pambura ng nanay mo, sobrang swerte kung may mabangong amoy ang eraser na binili. Kung wala ng eraser, no problemo, pwede naman ang lasti (rubber band) na nakatali sa dulo. At kung walang-wala na talaga, laway. Di ka naman siguro mawawalan ng laway na pambura.
Naputol lamang ang love affair kong ito sa lapis ng mag-grade 3 na ako dahil ballpen na ang ginamit namin. Pagdating ng grade 3, bihira ka na daw dapat magkamali kaya di na pwedeng lapis. Pagdating ng grade 3, dapat ay marunong ka ng mag-handle ng sarili. Hindi na pwedeng matae sa salawal. Yun nga lang, ballpen na ang nagtatae.

12 comments:

Anonymous said...

okey din yung eraser n mabango, kapag wala kang baon, pede mong kutkutin yun haha

paolo said...

hahahahahaha hindi reeeen :P

Anonymous said...

i eat 3 pencil a day to fill my brain with lead..
to better understand life it self, for what we do in life will echo thru eternity.. to be one with nature so i could stretch out.. to be free of all restrain.. and when i fell like i can feel once again let me stay awhile soak it in awhile..

huh?? what was the topic again??.. c".)??

Anonymous said...

someone you dont like alam mo ba yung kanta ni ka fredie

ang hindi daw marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabaho o malansang isda kaw ba yon?

Anonymous said...

oh please!!.. its every where around us, does that mean your not a patriot once you write some english crap??.. come on its our second language for god sake, so let me know when theres a law that ban writing or reading english then i'll stop.. okesh..

Anonymous said...

oh by the way i think jose rizal said that and he speak multiple language.. hahaha

paolo said...

someone, that was the lead in your brain talking hahaha

anonymous, katulad mo din siguro, i dont really like "someone" pero hayaan lang natin sya if gusto niyang mag-ingles. altho may mga sinasabi nga siyang mahirap din intindihin sa una, pero wag nating kainisan ang mga bagay na di natin maintindihan. wag tayong mag-feeling inferior. nung una, mayabang ang dating di ba? pero naisip ko na ganun talaga ang style nya to express him/herself. lately nga, nagiging poetic pa hehe

someone, may point ka jan sa jose rizal thinggie. di ba ang huling paalam niya ay sinulat nya sa salitang kastila? anyway, i stll dont like you nyuknyuknyuk

Anonymous said...

kaya nga nawawala ang mga nag co comment eh sobra na arte, taga jalajala pa pagod na nga sa work puro kaartehan pa mababasa mas marami kaming nasa iraq ngyon halata naman trying hard sya subukan nyang di umarte babalik mga nag cocoment di naman ata taga jalajala yan eh

paolo said...

hindi naman sa pinagtatanggol ko si someone, pero hindi naman ata kaartehan ang pagsasalita ng english. hindi kaartehan ag pag-e-express ng sarili gamit ang mga di usual na ginagamit na words. in fact, ako mismo ay nakakapulot sa kanya ng style. imbis na kainisan, lets open ourselves to different things. sa ganun tayo mag-go-grow.

wag po tayong magkaroon ng inferiority complex komo nag-i-ingles ang isang tao, komo taga maynila o kakaiba ang porma. pare-pareho lang tayong tao, may kanya-kanyang kaalaman. ang advice ko lang, matuto tayong makisalamuha sa ibat ibang tao.

wala din namang problema sa akin kahit walang nag-co-comment dito o kahit pa walang nagbabasa. ang akin lang naman, ay yung makapagsulat ako. kaya di ko nagustuhan yung ginawa dati nung "shirly daw" nang subukan niyang i-destroy ang site na ito.

tsaka parang insulto sa mga taga jalajala yung sinabi mo na di ata sya taga jalajala. bakit? dahil nag-i-ingles sya? di ba marunong mag-ingles ang mga taga jalajala? di siguro.

e bakit parang mainit ang ulo ko? kasi tangthali na, wala pa kaming sinaing huhuhu

ganun pa man, salamat sa pag-e-express mo ng iyong sarili. ingat kayo sa iraq.

Anonymous said...

wala naman masama kung mg-English eh ang sumasakit ang ulo ko, sa style ng sulat ng generation ngayon (style n ng simula sa text)

basa:
♥ aiox man pue .. icao ztah?
(ayos naman po . . ikaw musta?)

♥ xmfre cao un d q0h! teykker cao oplyn n q0h
(syempre ikaw yun hindi ako! take care ikaw off-line na ako)

Anonymous said...

free speech.. free your mind.. make yourself be heared.. be different and not be trap in a stand still.. express your inner most feelings.. and for the love of all thing that is so great in being an individual i implore you to find yourself and not be a clone of the next person, celebrate who you are, be proud..

aladybug -i second your comment haha
writer -make love to me hekhekhek

p.s. hi to my best friend in iraq, dude we miss you huhuhu

Anonymous said...

writer & sumone u don't like..gerger kau? masama un..db ______ kau? hahaha!!! :)) well, anyway,.kau na bhla..balitaan nyo nlang ako pag nakabuo kau..wahaahha!!! :))

to anonymous..ok lng mg-English..universal language un bukod sa salitang chorvah..fyi lng sau..kya hayaan mo na si sumone..kaaliw nga xa eh ..heheh :P


`ada04