Thursday, September 6, 2007

anting-anting

Sumikat ang anting-anting sa kamalayan ng mga Filipino lalo na nung ipinalabas ang pelikulang “Nardong Putik” nuong 70’s. Pero bago pa man nun, malapit na sa puso ng mga kababayan natin ang konsepto ng anting-anting.

Maraming uri ng anting-anting pero ang pinakang karaniwan ay para sa proteksyon sa sarili. Ganito raw ang gamit ni Leonardo Manecio o kilala as Nardong Putik. Mayroon din namang “galing” para sa mga babae, yun bang makukuha mo daw ang kahit na sinong babaeng magustuhan mo. Di ko kailangan yun (nyaaahhhH!).

Paano makakakuha ng anting-anting? Hindi mo pwedeng nakawin iyon dahil nawawala ang bisa ng anting-anting kapag nakuha sa nakaw o nawalay sa naghahawak ng di nya alam o walang pahintulot. Malamang din ay mapatay ka muna ng may anting-anting bago mo iyon manakaw sa kanya hehehe… Ang pinakamadaling paraan para makakuha ay ipamana sa iyo yun ng may-ari subalit bibihira iyon dahil karaniwan, kasama ng may-ari ang anting-anting nya sa kanyang libingan upang may proteksyon sya sa kabilang buhay. Pwede rin namang ngumanga sa ilalim ng puno ng saging at magtyagang maghintay sa pagbagsak ng katas nito mula sa kanyang puso o ang tinatawag na mutya ng saging. May mga pinagbibili ding anting-anting sa mga sagradong lugar subalit ang mga iyon ay patay o walang bisa.
Tuwing Biyernes Santo sinasabing ang pinakamabisang araw para papanatilihin o magkaroon ng “birtud” ang anting-anting. Sinasabi kasing sa araw na ito “patay ang Diyos” at ang mga espirito ay gumagala kung saan mahuhuli mo ang kapangyarihan nila para mapunta sa iyong anting-anting. Dito sinasambit ang “orasyon” para dito.

Tunghayan po natin ang isinulat ng nagpakilalang Vhong.


***
agimat ni tatang
(isinulat ni VHONG REBILYA, isang taga Jalajala)

Agimat? Iniisip natin na sa pilikula lang yan napapanuod.

Mahal na Araw, Sabado de Gloria noon. Ako, kasama ang aking mga kaibigan at ang aking ama ay nagtungo sa paanan ng bundok para subukan ang tinatawag nilang anting-anting o gamit na kapangyarihan daw para maligtas ka sa kapamahakan at kung ano ano pang anik-anik. Nandoon si Tatay, si Mike Mariano at isang tao na di ko kilala pero sundalo daw yon na nakatira sa gitnang bayan.

Malay ko nga kung totoo yon o ewan ko kung bakit naniniwala sila kahit… kuh--- sige na nga naniniwala na nga ako. Habang inilagay ng sundalo ang kanyang medalyon sa isang kahoy, binaril ng aking ama at ni Mike yung kanyang medalyon habang abala naman sa pagdadasal ang naturang sundalo. Eh di man ako maniwala, talagang hindi inaatlaban ng bala ng baril ang medalyon na ang layo sa bumabaril ay humigit kumulang 20 metro (Baka naman hindi metro. Ang 20 meters ay 65 feet, ang layo nun hehe di nga tatamaan. Baka po 20 piye o feet – Pao). Hindi ko rin alam dahil sabi ng mga usyosero ay bumabalik daw ang bala. Pero di ko yun nakikita at siguro dahil di naman asintado ang aking ama kaya di nya matamaan ang medalyon. Baka si Mike naman ay malabo ang mata kaya di ren nya natatamaan hehe.. Papaano ba naman tatamaan eh ga singkong duling ang lake ng midalyon. Naku hayaan na nga naten sila, mga matanda na kase hehe. Ayon sa paniniwala nila, malakas yung hawak ng sundalo kaya di inatlaban ng bala.

Naku, nag-aksaya man sila ng bala eh hinayaan nalang ng mga usisero. Walang wenta hehe Pagkatapos subukan ang galing ng anting-anting ng sundalo, pagkakataon naman ng aking ama na magmagaling. Inilagay nya ang kapirasong papel na may nakasulat na Latin. Ewan kung anong ibig sabihin non pero yun ang anting-anting ng ama ko. Puwesto sya sa isang sulok para magdasal, na sana di atlaban ng bala yung papel na yon.

1… 2… 3… Pok! Pok! Pok!

Ayon awa ng dios, butas ang papel hehehehe Napapakamot ng ulo si Tatay kahit alam kong kakaunti na ang buhok nya sa ulo. Ang dahilan, napanaginipan daw nya nung nakaraan gabe na aalis na ang kanyang agimat. Naku! Kung di ko lang sya ama eh babatukan ko na sana kaya lang napatawa nalang ako. Hinayaan ko na lang paniniwala nila.

Ang huli naman ay si kuya Mike. Ilinigay den nya ang hawak nyang medalyon sa kahoy at binaril ng suldalo. Pok! Pok! Pok! hahahaha nakakatuwa man eh yon, walang nangyare. Butas ang medalyon! Makikita nyo sa hitsura ng mukha nya ang sobrang lungkot. Asintado kase yung sundalo hehehe

May mga anting-anting daw kuno, mga elemento o bagay na galing daw sa kalikasan. Siguro meron nga pero di ba, mahirap paniwalaan so hayaan na lang naten ang mga nakakatandang maniwala sa paniniwala nila. Total, matatanda na naman sila eh. Sabe nga ni Vicks, marame daw bagay na pedeng gawin ng demonyo o pedeng magpanggap ang demonyo para malinlang tayo at maakit nila. Pero ang pinakamabisang anting-anting ay ang paniniwala naten sa Diyos.

55 comments:

Anonymous said...

hindi p ako nkkapanood nyang pagalingan daw ng anting-anting na yan.ang alam ko din tuwing biernes santo gnagawa yan. twing biernes santo kc umaakyat kming santong lugar kya di ako nkkpanood. share lang

Anonymous said...

d b kpag mahal na araw, good friday ata yun, may prusisyon nung Jesus na patay ata. yung binubuhat. sabi ng tita ko yung mga nagbubuhat dun sa prusiyon may mga agimat. ewan ko lang hehehe

Anonymous said...

Oh me me I have an amulet.. I got it when i hack and slash one of Baal's minions.. it’s a rare find nyaahaha wanna see??..

AMULET OF ZEPHYR
200% Enhanced Damage
175% Damage vs. Undead
Requirements -20%
20% Increased Attack Speed
+50 Attack Rating vs. Undead
+2 To All Skill Levels
All Resistances +75%
20% Faster Hit Recovery
20% Mana Stolen Per Hit
30% Better Chance Of Getting Magic Items

Isn’t it great!!.. yey!!..

Anonymous said...

parang games na yan.. mahilig ka ba sa mga computer games? kala ko babae ka dati hehehe

Anonymous said...

Ibcrida akala mo girl c someone you dont like? Actually, hinde.. pero gusto nya maging girl. HAHAHAHAHA. Closet queen pa yan eh.


-belle-

paolo said...

anting-anting din ba yung batong nilulunok ni Darna?

Anonymous said...

Lbcrida - hey that sound kinda sexist to me, i know some girl's who play online games religiously.. guys are not the only who can kick ass or frag the hell of the newbie’s, girl power!! hahaha

Belle – uummh? Do you know me??.. cuz if you do im gonna kiss ya’ hehehe eerr you’re a girl are’nt you?!? Just making sure hahaha im gonna use my AMULET OF VENUS on ya’ it has a 50% to charm, +75 pogi points, unlimited hugs.. be prepared.. haha

Paolo – Noooo… it's a rune stone..

Anonymous said...

yung nilulunol ni darna ay binuong gatas ng lion hehe


blue

Anonymous said...

na aalala nyo pa ba ang istorya sa kultong TADTAD. na featured pa sila noon sa magandang gabi bayan. sabi nila di daw sila tinatalaban ng bala. nang magkaroon ng kaso ang pinuno nila at tinangkang arestuhin ng mga pulisya ay lumaban sila hawak ang mga itak nila... at ang ending patay sila lahat sa tama ng bala.. anting anting daw! yun pala aning-aning!!!

paolo said...

naalala ko ata yun, yung may TV footage pa na sumusugod yung isa na may dalang itak. tas pinaulanan ng bala ng pulis and yun, di man lang umabot malapit sa pulis hehe tigok.

yun ba yun?

Anonymous said...

korek ka jan paolo, TADTAD ang pangalan ng kulto nila.. TADTAD ng bala ang inabot sa mga pulis.. TADTAD ng mga aanga-anga...

Anonymous said...

yeah i remember that footage.. the guy that got shot, i guess in the end all he could say was DUHH!!.. hahaha then the other guy was provoking the officer with his blade.. a blade vs. an M16 gas-operated semiautomatic (.223-caliber) 20-30 ammunition, they should have made an amulet for their brains hehehe but one of the cafgu got hack when one of the cult guy sneak behind them, then the TV hugging senators had the audacity of investigating the incident because they thought -let me quote them "over kill".. I mean wha’cha gonna go when a guy came after you with a blade intent on killing you.. sweet talk him mercilessly??.. err..

Anonymous said...

correction - I mean wha’cha gonna "do"

Anonymous said...

of course i will depend myself, uubusin ko ang load ng magazine sa baril ko... dun sa mga may aning-aning try me.. hehehehehehe!

Anonymous said...

paolo , pag biyernes santo hindi patay and Dios o si kristo yata yun sina sabi nilang Dios, siguro inaalala lang yun pagkamatay,hindi naman taon taon eh namamatay,isang beses lang yun. baka inaalala lang ,

pero trivia alam nyo bang hindi biernes namatay si Cristo?


vicks

Anonymous said...

pasingit naman naalala ko bago namatay lolo ko ay may pinataggal sya sa braso nya na asoge daw yon kung tawagin na pag hinawakan mo ay parang bilog na bulitas, kaya lang wala sa apo nya ang nangtangal, yung isang anak nya nagtanggal at sinahod ng garapon, pag di daw kase yon tinangagl ay di sya mamatay at mag hihirap pa kaya pinatanggal nalang, after 2 days natigok na si lolo..



blue

Anonymous said...

mahirap man paniwalaan ang tungkol sa agimat, kayo na bahalang humusga,at sabe nila kung ang isang tao daw ay mag hawak na anting -anting ay di daw umuunlad ang buhay o lagi lang normal, at di ren daw dapat ipinagsasabe o ipagyabang kung meron ka man hawak na agimat. medyo, siguro, ewan.
sana makuha ko bato ni darna hahaha


blue

paolo said...

someone, mumurahin ko na lang sabay sayonachi hahaha

saddam, gamitan mo na rin ng scud missiles nyo :P

vicks, di rin ako naniniwala duon sa patay daw ang Diyos. nabanggit ko lang ang sabi-sabi ng matatanda. baka pwede mo naman ikwento sa amin tungkol jan sa araw ng ng pagkamatay ni Christ.

blue, yun kayang bulitas sa "bleep-bleep" eh anting-anting din? hahaha

Anonymous said...

grabeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!Pao naman walang ganyanan wag mo naman dungisan ang aking isipan yan nalang nga natitirang masikip sa akin dudumihan mo pa, ah di ko alam yong bulitas na sinasabe nila, wala akong alam, pero parang narinig ko na yon, yon daw yung ano para maging ano ah ewan sumasakit ulo ko sayo pao.


kung gusto nyong mautot ah matawa pla pasok kayo sa jalajalarizal.com forum at basahin nyo mga kwento ko tungkol ata sa bulitas hehehe matatawa kayo hehe
Pao basahin mo ren ah


blue

paolo said...

ah oo, yun nga pala yung ano na nilalagay sa ano para pang ano habang nag-aanuhan...

yep, nagbabasa ako sa forum altho di ako makapag post/comment kasi bawal ang di real name hehe tama lang naman yun.

Anonymous said...

k lang yon kuya para sakin nailabas ko kung ano man mga pinagdaan ko at kilala ko sarili ko,okay na kahit walang comment hehe. haaaaaaaaaaaaa ano yung ano hehehe kaw talaga PAO ver naugthy




blue

Anonymous said...

gawa nalang ulit ako ng blog pag di na ako masyadong busy








blue

paolo said...

blue, im disappointed naman sa sinabi mo sa forum.

"kanya kanyang pagalingan sa kabilang chanel, (jalajalarizal.blogspot) at ayoko nang makihalo don"

wag nyo naman akong isali sa gulo at siraan. pwede namang wag magbasa dito kung ayaw. bakit di mawala sa atin ang ganito? wala namang nagpapagalingan dito at nagpapalitan lang ng kuro-kuro.

Anonymous said...

sorry po pao di ko kase na specific na sa blog ni taga bario magulo at nagtatalo talo, sensya na tao lang, e araw diba nakikita mo naman na lage pa ren akong nadito sorry ah (nagkamali lang)

paolo said...

kaya nga i was disappointed nung nabasa ko yun kasi nga halos araw-araw ka ding nandito. anyway, buti na clarify natin yan dahil for sure, di lang ako ang nakabasa nun at baka ganun din ang inisip nila.

salamat for clarifying this :)

Anonymous said...

aahh.. good thing i didn't commented on that remark before the explanation, i was gonna say back stabbing statement but hey moving on..

who knows when jesus really died, there's a saying that history are made by the victor's..

Anonymous said...

salamat pao kaw den pag inaway mo ako ma mi miss mo ako hehehe ....
syempre ma mi miss din kita


blue

paolo said...

someone, you're right. ultimately, di naman mahalaga kung kelan namatay dahil thousands of years ago na yun. mas mahalaga is to know why He died.

Blue, LQ? nyuknyuknyuk hehe

Anonymous said...

LQQQQQQ??? hahaha honest nakakaapekto kase rin sakin, kahit salita lang diba, PAO showbiz ka talaga hehehe pag uwe ko ng pinas regaluhan kita ng isang kahon na bulitas hahha tapos pagipon mo ako ng gatas ng lion ha, gagawin kong bato na nilulunok ni mama rey ah darna pla. hahahah


blue

Anonymous said...

mushy time??.. you two get a room, jeezzz..

anyways, i believe amulet are like some lucky charms only that holds no real power and such.. amuletum(latin) or talisman(arabic) may consist of anything that bring good luck or protect the person from evil spirit, not from bullets or knife.. literally its all in the mind..

paolo said...

blue, ayaw ko ng bulitas. tumutunog ata yun pagdaan ng metal detectors sa malls nyaahhh!!!! tama na, General Patronage itong blog na ito hahaha

someone, the mind is a powerful thing if one knows how to use it. ever heard of prof. xavier? :P

Anonymous said...

hu!jelly jelly

ano bang bulitas ang sinasabe mo? di po metal yon, made of plastic at solid, nakita ko kase sa classmate ko date sa PMI at sya mismo naglalagay non, hinihiwa nya yung laman at ipinapasok nya, then tatahiin yung part ng braso na may hiwa hehhehe kaya ang panget tingnan nakalagay under... normal isa pero sya 3, diba mag design braso nya, parang tatoo. hehehe

paolo said...

hahaha sa braso pala. iba iniisip ko :P

Anonymous said...

KAW KASE KAKABASA MO NG AGIMAT KUNG ANO-ANO NA NAIISIP MO HEHEHE SIGE PAG NABALIK AKO SA SCOLTA BIBILI KITA NG 24K AT PILIK MATA NG KAMBENG HEHEHEHHEH

paolo said...

alam ko yun pilik mata ng kambing pero ano yun 24K?

paki-explain na hindi rated-r hehe

paolo said...

ay wag na pala dito. email mo na lang yun explanation at baka may mga batang nakakabasa hehe

Anonymous said...

hahaha bakit sa tingin mo ba e explain ko ren sayo in public heheh okay gawa po sa lasti or goma, so much for this ibahen nanatin topic.. hehehe

Anonymous said...

at madami ren sa abroad na buo ng umalis sa pinas, pag balik wasak at kung sino-sino makikita mong ka date na ibat ibang lahi. ewan ko lang ah kase pag nasa abroad ka, malaya ka o lahat ng bagay ay disisyon mo, di katulad sa pinas may mga magulang kang laging nandyan, kamag-anak o mga kapatid na makakakita sayo at mag aalangan kang gumawa ng di naayon. kung minsan pa may bf/gf ka sa pinas nabalitaan mong may karelasyon na iba syempre masasaktan ka ren at ang sulusyon maghanap ng iba, hangang di mo naman gaanong kilala, nagamit kana, hangad mo lang kaligayahan at dumami na kakahanap mo, hanggang nakasanayan na,yon wala na... usually ang lalaki pag nag abroad binata lagi sinasabe nila....

Anonymous said...

pao di mo ba napansin, nawala ata ako sa sarili ko, kaw kasi eh pinasasakit mo ulo ko, yan napunta na tuloy kay sabel ang comment hehhehe sensya na.

bakit usually ang mga orasyon o mga dasal sa anting -anting ay salitang kastila?

marami ren akong nabasang orasyon pero dasal naman ay puro dasal sa simbahan o mka kristiano

paolo said...

napansin ko nga rin na naiba ang topic hehe mukhang alam na alam mo na ang buhay OFW :P

kapag ibang lengwahe ata kasiyun orasyon, mas kapanipaniwalang pakinggan hehe

Anonymous said...

hahahaah ganun ba! meron naman sigurong totoo meron den nagkataoon lang ewan ko kung alin don

paolo said...

kasi naman ha, isipin mo kung taglish yun oasyon, parang di totoo hehe

"palakasin mo the power of my anting-anting, now na blah blah blah..."

:P

Anonymous said...

oo naman panget ngang pakinggan maganda pa ang pagsigaw ng "DARNA" yung mga medalyon na binebenta sa tabi ng simbahan sa manila ay bubuhayin lang daw sa orasyon at magagamit na, meron daw mabisa sa chicks na agimat yung daw santo nino na may too too

paolo said...

hahahaha di pa ako nakakakita ng Sto. Nno na may *too-too*

Anonymous said...

kahit ako noh, kaya lang mabisa daw sa mga chicks yon hehehe wan ko lang kung totoo, dahil yung kaibigan ko dati meron non, awa ng dios sumalangit nawa, matagal na syang tigok, at madami daw syang GF hu!wala naman akong nakita oo narinig lang hehe e maniniwala pa akong marami syang GF kase sabi nya napakalaki daw nyang magmahal malay ko naman hehheh

Anonymous said...

pao. tutoo ba yung nanganak ng ahas kung totoo man may scientific explanation ka bang alam, baka naman tulad nung nabalita dati ang ang hinala nila may ahas mismo sa kama at biglang lumabas, malay naten kase lam mo naman sa hospital sa ating puro palayan,at di ren naman araw-araw may nanganganak para ma confine, di kaya ganong insedente ren lang .

Anonymous said...

baka pwedeng forward mo ung nakasulat sa medalyon na yan sa email ko.salamat.here my eadd.nmariposque0214@gmail.com

Anonymous said...

bka pwedeng bigyan mo ako ng copy ng mga nakasulat sa medalya na yan.salamat.eadd:nmariposque0214@gmail.com

Anonymous said...

pwede sumingit?.sabi nila anting-anting ay gawa lang ng tao na binigyan ng powers,ung pong kalikasan ay MUTYA tawag dun.hindi ginagwa yung mutya,natured made baga.btw,i belive na mga mutya my powers based on experienced and based on the bible na ginamit ni moises,yung tungkod?bless by God yun.kasu nagkasala si moises .kaya yun..God made this MUTYA as lucky charm baga,kaso kpag ginamit mo sa masamama,may kasabihan na bigay-bawi.,kaya na tegok yung Tadtad..eheh

Perez said...

Hello, I'm doing a talk on the use of corrupt latin in anting-anting and orasyun: http://rspas.anu.edu.au/linguistics/seminars.php

Do you have any more examples of Latin text? Would be very good for my talk! (contact me at pierskelly (at)yahoo.it

See ya!
Perez

Anonymous said...

alam mo may alam ako anting anting talagang mabisa tiwala ka lng sa pinaka makapangyariha sa lahat na may gawa ng langit at lupa sigurado ligtas ka

Anonymous said...

Sabi mo may alam ka na mabisang anting anting. Saan at papaano makukuha iyon. Interesado kasi ako sa mga ganyan. text me sa cp no ko. 09272432393

milyams_criminology said...

mag message kayo sa facebook ko. milyams_criminology@yahoo.com
marami akong alam tungkol jan.

milyams_criminology said...

tuwing bernesanto kame nag iipon at sinosobokan ang mga kakayahan namin.
kung gusto nyong mag tanong sa akin mag sent lang kayo sa facebook ko. pero hinde lahat sasabihin ko sa inyo at pipiliin ko lang ang karapat dapat maka roon ng agimat at oracion bawal itong gamitin sa masama.
mutya lang ang ibibigay ko sa inyong impormasyon kung paano ito kunin, bawal akong mag bigay ng oracion.

manalig tayo sa diyos.
god bless...

Anonymous said...

tested ko ang akin.