Saturday, September 15, 2007

St. Michael, the Archangel

PARA SA mga taga Jalajala (at sa katabing Malaya, Pililla Rizal) malaki ang debosyon natin kay San Miguel Arkanghel. Si San Miguel kasi ang patron ng bayan at oo, malapit na naman ang piyesta.

Sa ginawa kong survey dito sa blog nuong nakaraang buwan, 44% ng boto ang nagsasabing mas gusto nila ang dating piyesta ng May 8 kesa sa ngayong September 29. Bakasyon kasi ang Mayo, maraming tao sa bayan, mga taga Maynilang nagbabakasyon, mga taga Jalajalang wala sa bayan kapag pasukan. Natural na mas masayang mag-celebrate sa May 8 dahil madaming tao kapag may amateur singing contests sa gabi. Mas masarap magpa-cute. Ngunit alam ba natin kung bakit dalawa ang petsa ng piyesta ni San Miguel?

Ayon sa Roman Calendar of the Saints at sa Lutheran Calendar of the Saints, ang September 29 ang feast day ni St. Maichael, na kung tawagin dati ang araw na ito ay “Michaelmas”. Ang araw na ito ang kinikilala ng mga katoliko bilang araw ni San Miguel.

Eh ano ang May 8?

Ayon sa tala ng Roman Breviary, nuong taong 494 AD (may nagsasabi din namang 530-40 AD), nagpakita daw si St. Michael sa bundok ng Monte Gargano sa Apulia, Italy. Sinasabing nagapi ng mga Lombards of Sipontum (Manfredonia) ang mga kalaban nitong Greek Neapolitans nuong May 8, 663 AD sa tulong ni St. Michael na patron of war nila. Para ipagbunyi ang pagkakapanalo, ginawang speacial feast ng simabahan ng Sipontum ang araw na iyon in honor of St. Michael the Archangel. Kumalat naman ang feast na ito sa buong Latin Church and is now called (since the time of Pope Pius V) "Apparitio S. Michaelis".

Si St. Michael ang arkanghel na binanggit sa Bibliya (King James Version), sa Book of Revelation 12:7 “And there was war in heaven: Michael and his angels fought against the dragon; and the dragon fought and his angels”. Siya ang tinuturing na field commander of the Army of God. May sariling prayer para sa ating patron.
Saint Michael the Archangel,
defend us in battle.
Be our protection
against the wickedness and snares of the devil.
May God rebuke him, we humbly pray;
and do thou, O Prince of the Heavenly Host —
by the Divine Power of God —
cast into hell Satan and all the evil
spirits who roam throughout the world seeking the ruin of souls.
Amen.

Ayon naman sa paniniwala ng mga Mormon (The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints), nabuhay bilang tao si San Miguel sa pangalang Adam, ang kauna-unahang lalaki sa mundo. Ang meaning ng pangalang “Michael” ay “Who is like God” at ng gawin ng Diyos si Adam, ginawa Niya ito in the image of the Father.

Iba din naman sa Jehova’s Witnesses. Naniniwala sila na si St. Michael at si Jesus Christ ay iisa. Dalawang passage sa Bible ang basehan ngpaniniwala nilang ito. Una, ayon daw sa Bibliya, iisa lang ang Archangel, being the chief angel. Mababasa sa 1 Thessalonians 4:16 ang nakasulat na "The Lord himself will descend from heaven with a commanding call, with an archangel's voice..." Ibig sabihin ay ang Lord (Jesus) ay bababa mula sa langit na may boses ng arkanghel. Ang pangalawang basehan nila ay ayon sa Bible, papangunahan ni St. Michael ang isang malaking hukbo na lalaban kay Satanas. Nabanggit din ni Jesus na papangunahan nya ang isang malaking hukbo pero wala naman daw nabanggit sa Bibliya na may dalawang magkaibang hukbo ng langit na susunod sa dalawang lider.

Kilala din sa Islam si St. Michael. Sa Qur’an, ang pangalan niya ay “Mikhal” pero isang beses lang siyang nabanggit sa “bible” na ito ng mga Muslims, sa Sura 2:98 - Baiḍawi relates that on one occasion Omar went into a Jewish school and inquired concerning Gabriel. The pupils said he was their enemy, but that Michael was a good angel, bringing peace and plenty.

Ayon naman sa paniniwala ng mga kaibigan ko, binibigyan sila ng lakas ng loob ni San Miguel sa tuwing manliligaw sila sa magandang babaeng kanilang minimithi.

Pero ah-ah, gin na ata iyong aba.

16 comments:

Anonymous said...

san mo nakuha ang mga information mo dito?

Anonymous said...

matagal na ako nagtataka kung ano yung sineselebrate ntin kapag may 8. ngayon alam ko na kung ano. akala ko kasi piyestang bayan yun.

Anonymous said...

One fiesta "policy" was imposed nung ang kura paroko natin si Father Louie Atanacio. If im not mistaken he said that biblically speaking our fiesta is on Sept 29. Msya nmn yun old tradition di ba, mini fiesta sa Sept 29 at mega fiesta sa May 8. Masaya lang but we must follow what they say is right haaiii

paolo said...

anonymous,san pa, sa internet lang hehe

secret rapture... uhhh... okay.

ging, hinanap ko nga rin talaga kung ano yung may 8 celebration hehe

aladybug,sayang di kita natanong kung sino yun priest natin na nagpabago ng fiesta celeb, ilalagay ko sana yun. asan kita nung kailangan kitaaaa :P ur right,pwede naman din talaga un dating set up dahil may kaugnayan din naman kay san miguel ang May 8...

Anonymous said...

aladybug, hindi siguro biblically speaking yun sinabi, wala naman kasi sa biblia yun fiesta ng sept.29, saka sa biblia yun mga angel ay hindi sinasamba dahil kapwa natin sila alipin ng Panginoon, alam nyo ba na ayaw ng mga anghel na sumamba tayo sa kanila? basa: Apocalipsis 22:8-9

At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.

Apocalipsis 22:8-9
Ang Biblia

kita nyo ayaw ng anghel, parehas lang tayong lingkod ng Dios dapat sa Dios tayo sumamba hindi sa anghel .

kaya hindi rin tayo dapat magpray sa kanya dapat kung magdadasal tayo sa diretso na sa Dios.

basa:Filipos 4:6

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.

Mga Taga-Filipos 4:6
Ang Biblia

kaya kung mananalangin tayo diretso na sa Dios .

Vicks

Anonymous said...

Vicks, thanks sa comment. naliliwanagan kami hehe. ask ko lang if okey lang mg celebrate ng fiesta?

paolo said...

tama nga, hindi sabi sa bibliya. eto po:

"Ayon sa Roman Calendar of the Saints at sa Lutheran Calendar of the Saints, ang September 29 ang feast day ni St. Maichael..."

pero tingin ko naman ay di natin sila sinasamba, more like nagbibigay galang just like gumagalang sa mas nakakatanda. pero admittedly, meron pa din o marami din ang nagkakamali sa mga katoliks na parang sinasamba na nga nila.

whenever i pray, diretso na nga rin ako, just like what i said sa Lapsapan blog : http://lapsapan.blogspot.com/

paolo said...

aladybug, tinatanong mo ba kay vicks kung dapat mag celebrate ng fiesta kasi parang sinasamba ang saints o dapat ba magcelebrate o hindi kasi walang panghanda ang mga tao? errr---

Anonymous said...

with all these hupla about our fiesta lets change our archangel to the morning star, the light-bearer.. hekhekhek..

Anonymous said...

paolo, marami ngang nagsasabi na hindi naman sinasamba ginagalang lang sa mas nakakatanda parang yun magulang ginagalang, ok sige tama naman yun ginagalang natin yun nakakatanda o yun magulang iginagalang parang yun larawan nila ginagalang natin.
pero yun bang picture o larawan ng magulang natin ay nilalagyan ba natin ng kandila? nilaglagyan ba natin ng bulaklak yun larawan ng ating mga magulang? pinag puprusisyon ba natin yun larawan ng atin mga magulang,nagdadasal ba tayo at lumuluhod sa larawan ng atin mga magulang , eh di hinde, ibig sabihin hindi na paggalang yun pagsamba nayun at ayaw ng Dios nun ayon sa biblia.

"Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ko.Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin;

Deuteronomio 5:7-9
Ang Biblia




vicks

Anonymous said...

Aladybug,the word fiesta itself hindi naman masama yun,isa sa ibig sabihin kasi nyan pagpapasalamat, kaya diba yun mga catholic eh nagfifiesta dahil pasalamat daw yun sa kanilang patron, halimbawa sa san miguel sa jj, san isidro sa tanay, fiesta ni san juan, etc. nagpapasalamat daw sila sa kanilang patron sa pagbibigay ng masaganang ani, matiwasay na buhay, yun ang dahil ng pagcecelibrate nila ng fiesta,
kaya lang, ang problema nagkamali sila ng pinasalamatan dapat hindi sila sa patron nila nagpapasalamat dapat sa Dios,dahil ang Dios ang nagbibigay sa atin ng mga bagay na atin kailangan, diba nga sa panalangin na Ama namin,
dito nagbigay na halimbawa nito si Jesukristo
"Magsidalangin nga kayo ng ganito:
Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.
Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.

Mateo 6:9-13
Ang Biblia

Kanino nya tayo pinadadalangin sa Dios Ama, alam kasi nya na siya ang magbibigay sa atin. Kaya kung may masaganang ani hindi dahil yun sa patrol dahil yun sa Dios.

pero karinig ka na ba sa kanila ng Fiesta ng Dios O pasalamat sa Dios, sa tingin nyo ano ang mararamdam ng Dios pagkatapos na magbigay siya ng masaganang ani eh sa iba ka nagpapasalamat.

Hindi kaya magselos ang Dios

Thou shalt not bow down thyself unto them, nor serve them: for I the LORD thy God am a jealous God, visiting the iniquity of the fathers upon the children unto the third and fourth generation of them that hate me ,

Deuteronomy 5:9
King James Version


Vicks

paolo said...

vicks, kapag namatay na mga magulang, nagtitirik tyo ng kandila at nagdadala ng bulaklak sa puntod nilabut that doesnt mean sinasamba natin sila. ginagalang at sign of love lang pero tama ka, some people take it too far, up to the point na sinasamba na nga nila at mali naman yun.

sang-ayon din ako sayo tungkol sa piyesta kaya di ako naniniwala na kapag di tayo nagpipiyesta ay magagalit daw ang patron natin at padadalan tayo ng mga sakuna at kalamidad. oo, masaya ang piyesta pero okay din lang naman kung walang magarbong handaan para duon.

Anonymous said...

ano ba paragraph nman mga komento..hahah!!! isa lng masasabe ko kita kits sa saturday!!! wohoooooooo!!!! :))


`ada

paolo said...

ada, painom ka ha hehe

Anonymous said...

cge pao...bka sa biga kme kna anna, sunod ka nlang im juz a txt away...hahah!!! :D

Anonymous said...

This is great info to know.