“Uwi b u JJ? Wat tym?” text ko sa pinsan ko.
“Uu, uwi me 2day. Gabi na me dating jan. Y?” text back nya.
“Hndi n u bboto sa kapitan?”
“Di na. Kapitan lng nman” ang huli niyang text.
“Kapitan lang naman”. Matagal ko ng naririnig ang mga katagang iyan lalo na sa mga taga-Jalajala na sa Maynila nagtitigil. Hassle kasi para sa kanila ang umuwi ng bayan para lang bumoto sa eleksyon ng kapitan ng barangay at sa eleksyon ng SK (Sangguniang Kabataan). Hindi gaya sa eleksyon ng Mayor na talaga namang pambuno aba.
Pero kahapon, napansin ko (at napatunayan sa official statement ng Comelec) na malaki ang voters’ turn-out ngayon kumpara nung huling barangay election nuong 2002. Siguro ay nalaman na din ng mga botante ang kahalagahan ng posisyon ng kapitan. Siguro din ay nais nilang marinig ang kanilang boses kung sino ang nais nilang mamahala sa kanilang sariling barangay. Maaari ding nasabik silang bumoto sa barangay election dahil na-postponed dati yung dapat na election. Buti natuloy na ngayon. O kaya naman ay tunay lang masaya ang mga eleksiyon kaya marami ang bumoto.
Kung tutuusin kasi, malaki ang responsibiladad ng kapitan at ang kanyang kuneho este—kunseho. Ang kapitan ang pinakang-“tatay” ng lahat at kung may hidwaan man at di pagkakaunawaan, sa barangay muna sila lalapit para maayos. Kailangang maging patas lang ang kapitan sa pagsasaayos ng problema kaya ito ang isang kadahilanan kung bakit ayon sa batas, ang barangay election ay kailangang maging “non-partisan” o walang political party na na kinasasaniban ang mga kandidato para kapag nahalal na sila, kaya nilang maging pantay sa lahat. Kumbaga, ang mga kapitan ang “Prosecutor” at “Judge” na rin sa isang hidwaan. Pero syempre, nakatira tayo sa real world kaya ang theory na ito ay di rin nasusunod. Kilala naman natin kung sinong mga kandidato ang kaalyado ng kung sinong pulitiko o kung anong political party.
Matahimik naman ang eleksiyon sa Jalajala kahapon. Maulan lang nung nagbibilangan na sa hapon. Maraming tao sa kalsada pero ramdam mong di ganun ka-tensyon ang paligid kumpara sa mayoral elections. Ang nakita ko lang medyo kakaiba ay nang magpaputok na ng mga kwitis si Tony Calibara sa may gate ng elementary school isang oras matapos magsara ang mga voting precincts. Kandidato kasi siya bilang kagawad at ewan ko kung nagpaputok siya dahil nanalo na siya o nag-trip lang. Ayun, napagsabihan ng mga pulis na nakatalaga duon. Wala namang tensyon, nagtawanan pa nga ang mga taong nakakita.
Dito sa bayan, apat ang kandidao sa pagka-kapitan sa Brgy. 1st District. Dikit ang laban para sa dalawang kandidato at sa huli ay nanalo ang dating kapitan na si Kap. Nanding Belleza. Maganda din ang laban sa Brgy. 2nd District. Dalawang kandidato, dikitan at sa pagkakaalam ko kagabi bago ako matulog, 24 boto lang ang lamang ng nanalong si Kap. Joey Anago. Congrats, ‘pre. Sa Brgy. 3rd District lang nagkatambakan at nanalo si Kap. Ino Miranda. Sana rin nanalo bilang kagawad si idol Pip Licudan. Sigaw ang orig.
Hindi ko pa alam kung sino-sino ang nanalo sa ibang baryo/barangay. Kapag may nasagap ako, sasabihin ko dito.
At dahil kahapon pa natapos ang eleksyon, ang masasabi ko lang ay tigilan na ulit ang pamumulitika at panahon na para mag-labing-labing na ulit ang mga tao. Isang araw lang naman ang eleksyon.
4 comments:
Mabigat din tlga ang responsibilidad ng kapitan dahil sya ang taga panatili ng kaayusan at kapayaan sa barangay. 24 oras yun kaya saludo ako sa mga kapitan at kanyang kunseho, mga simpleng tao na hindi nghahangad ng mataas kapangyarihan kundi ang makapagbigay tulong at malasakit sa kanyang mga kababayan.
Mas prefer kc namin sa Nov 1 na lang umuwi para isahan uwi n rin lang.
POKEMON
kongrats kay kagawad manny "kuntel" marindo! Ü go!go!go! :))
Kapitan Joey Anago, more power!
EXES
Post a Comment