Thursday, October 18, 2007

magaling ka bang trumabaho?

Nuong isang araw, binisita ang blog na ito ng isang nagpakilalang apo ni Laong-Laan; na sa aking pagkakaalam, ang “Lalong Laan” ay ang isa sa mga ginamit na pen name ni Jose Rizal. Nang aking suriin at pag-aralan ang minungkahi nya, nadagdagan ang aking pag-asa na kahit papano sana ay mabago ang pamumuhay ng ilan sa ating mga kababayan.

Nabanggit niya na marami na raw mga small-scale livelihood projects na naipatupad sa Jalajala. Tama ang sinabi niyang ang isang problema ng mga initiatives na ito ay ang sustainability ng proyekto, kung papano ito mapapalago at mapapatatag. Nung 1990’s, tumulong ang JICA sa bayan natin thu the Integrated Jalajala Rural Development Projects kung saan ang isa sa mga proyekto nila ay ang pagtatayo ng isang makabagong irrigation system sa mga baranggay na ang pangunahing pinagkakakitaan ay ang pagsasaka. Maganda ang proyektong ito dahil buong taon ng makapagtatanim ang mga magsasaka, hindi lang tuwing tag-ulan. Ang kailangan lang nilang gawin ay bayaran ang kunsumo ng kuryentong nagpapatakbo sa water pump ng irigasyon. Magtatayo sila ng isang kooperatiba para mamahala at magpalakad sa irrigation system. Makalipas ng 2-3 taon, habang binabagtas namin ng tatay ko ang mga baryo, nakita namin ang mga magsasaka na nagpuprusisyon, humihingi ng tulong sa santong patron nila para umulan. Anong nangyari sa irigasyon? Hindi nila nabayaran ang lumaking kunsumo ng kuryente kaya pinutulan na sila ng Meralco. Hindi tuloy nakapagpigil ang tatay ko at nasambit na “tingnan mo itong mga taong ito, kung nagbayad lang sila sa Meralco, hindi na nila sana kailangang humingi ng ulan sa Diyos para lang makapagtanim…” Iyan ang binanggit ng apo ni laonglaan na kailangan ng sustainability ng proyekto. A decade later, karamihan ng mga magsasakang ito ay naibenta na ang kanilang mga bukirin at bumili na lamang ng pampasadang jeep, tricycle o kaya ay nag-Saudi, Dubai o Iraq. Sayang.

Pero, datapwa’t, subalit naisip ko din na hindi lang dapat basta-basta magtatayo ng isang livelihood project gaya ng sa nakita ko sa Brgy. Pagkalinawan at Bagumbong. Kailangan ding isaalang-alang kung may market ba sa kung ano mang produktong gagawin ng proyekto. Alam natin ang kabutihan at kasamaan ng Globalization at ang isa sa mga di kanais-nais na epekto nito ay mahihirapan tayong makipagkumpetensya sa mga katulad na produkto ng mga bansang mas maunlad. Mahirap makipag-compete ang isang backyard industry sa Brgy. Palaypalay laban sa isang factory sa Shanghai, China.

Mahirap, pero hindi imposible.

Kailangan lang pag-aralang mabuti ang lahat ng dapat isagawa.

Kaya tama ang sinabi ni apo ni Lalong-laan na malaki ang role na dapat gampanan ng Local Government Unit (LGU). Naalala ko ang sabi ni Jomark na hindi kailangan ng posisyon (sa pamahalaan) para makatulong. Tama naman dahil bawat isa sa atin ay may kakayahang makatulong subalit mas malaki ang maitutulong ng isang taong may kakayahan at kaalaman kung siya ay may posisyon sa pamahalaan. Malaki kasi ang magagawa ng mga lider ng isang LGU sa kanilang mga constituents kung gugustuhin talaga nila at kung pagtutuusan ng pansin. Hindi lang pakikisama ang kailangang gawin ng isang lider kundi bigyan ng direksyon ang bayan kung saan ba ito dapat pumunta.

Maliban sa mga infrastructure projects sa bayan natin ngayon, sana ay mabigyan pansin din ang pagkakaroon sana ng trabaho at mga skills para makapagtrabaho ang mga taga Jalajala. Nung isang gabi habang bumibili kami ni Elat ng lugaw sa may hiway, may nakita kaming mga nagbabaraha sa gilid ng daan. Ilang minuto pa, dumaan ang mobile ng pulis at dinampot ang mga nagbabaraha. Narinig ko pang sinabi ni Chief na malapit lang ang lamayan ni Batik, dun pa sila mga nagbabaraha. Dinampot tuloy sila at dinala sa presinto, malamang para paglinisin duon. Kasi naman, kung may trabaho lang sila, sana ay tulog na sila ng mga oras na iyon dahil papasok pa kinabukasan.

Trabaho ang kailangan ng Jalajala ngayon… pero nagugutom na ako.

Sana may Jollibee dito.

12 comments:

Anonymous said...

tamo...jollibee lang katapat nyan.

sa kasawiang palad, sa panahon ngayon, hindi nakikita ng bagong henerasyon ang yaman na makukuha sa lupa. ang mabilisang pagyaman ng pangingibang-bayan ang animo nilang maganda para sa kanilang kinabukasan. dapatwat ito ay totoo sa iba, karamihan ay nasasawing palad lamang. wala ng tagumpay na natamo sa ibang bayan, wala pa ang lupang sana ay magbibigay sa kanila ng matagalang pag unlad.

am i right or am i right? that's right!

ps. pao, pakibili nga ako ng spaghetti with chicken. extra gravy ha.

paolo said...

sa tingin ko, nagkulang din ng suporta ang LGU sa mga magsasaka. kung napaunlad sana nila, nakapagpatayo na sana sila ng jollibee errr----

Anonymous said...

don't blame the LGU writer they are not the only one to be blame we too are sometimes at fault, i'll put it this way..

farmer has two cows, one of them died so farmer demand help from government.. government borrows money from bank to give to the farmer.. farmer then spend it to improve their lives, new tv, got a tricycle, build a new barn (you get the picture).. so when the money was short for the new cow they ask for more help from the government.. government say no cause theres no more money.. farmer get upset and stage a rally saying government doesn't help them etc..

got my point??..

Anonymous said...

kitid ng analysis mo... laliman mo pa... kaw kaya makaranas na maging isang hamak na magsasaka, ewan ko kung anong pakiramdam mo!!!!

Anonymous said...

im guessing you didn't get my point.. im just saying never blame the government for everything that is messed up in our country, as this is the government for the people by the people we too are at fault..
so your a farmer but the way you said "maging isang hamak na magsasaka" is like saying you hated your life for being a farmer, why are you so mad??.. is that because you wanted to be born with a silver spoon in your mouth??.. i hope you wont get too mad, but do you really hate being one??..

Anonymous said...

di ko alam extra pala ang name ko dito sa article na to hehe. thanks pao..

oo pwede talaga tumulong sa bayan kahit walang posisyon (yan kasi gusto ko patunayan)pero mahirap din kasi pag nasa posiyon ka madali kang makalapit sa mga ahensya pra sa mga projects, madali kang humingi ng mga donations from other country, kasi pag private name ginamit mo pwedeng sabhin pang sarili mo lang, maaring makaktulong kahit walang posisyon kaya lang limitado.

wala sigurong dapat sisishin

minana na natin ang ganyang pag uugali . govnt man o magsasaka lahat tayo may mali. lets face it

Anonymous said...

Well, it seems ang naging problema dun sa farmer na ginawang example case study ni 'someone' is that, after maibigay ung pera na intended supposedly for buying a new cow, eh ginamit na pambili ng ibang bagay (na luxury ang term pag asa lower class gaya ng farmer, but is a necessity kung nasa upper strata ka ng ating society).. Ang naging pagkukulang ng govt eh dapat my monitoring na ginawa para masigurado na ung pondo eh gamitin sa intended need ng farmer(i.e., additional cow).

So, the point is, dapat may mutual understanding and common goal ang both parties, such that pareho nila nagamit sa tama ung resources..

As for being a mere farmer (hamak na magsasaka)as pointed out ni anonymous, galing ako sa pamilya na umasa sa pagsasaka para mabuhay.. And never in my life na nadowngrade ako for being such but rather i'm proud to say na nkatapos ako sa college dahil ang mga magulang ko eh mga ulirang magsasaka.. Sabi nga eh "hindi mo kasalanan kung isinilang kang isang mahirap, pero kasalanan mo kung mamamatay ka pa ring isang mahirap"..

As for jomark, anong concrete example na pwedeng gawin as private citizen na in general eh magkakaroon ng significant impacts sa mga kababayan natin, although sabi mo nga eh limited lng ang kayang gawin because wala tayo sa posisyon (and yet gusto mo patunayan kaya mong makatulong). The thing is, kung kaya natin tumulong, we should start now and not on a later stage na maaaring ma interpret na you're doing that for the sake of 'politics'. Otherwise 'yung gusto mo patunayan' will remain a dream, just an idea, a seed that will never bear fruit unless planted at the right season and reason.

PEACE on us, bro!

Pao, keep on writing.. Jalajala should be proud of you.. get away with politics.. you should learn a lesson or two from jalajalatambay, ayun dormant na ung site..

Anonymous said...

pasensya na po tao lang!...sorry dun sa paggamit ko ng hamak na magsasaka (highblood kasi agad), gusto ko lang ilinaw na ginamit ko lang 'yon para lang maantig ang kalooban ng ibang tao na hindi naman siguro ganun ang gawain ng mga magsasaka, "example case study ni 'someone' is that",...kami po ay nabuhay rin sa pagasasaka, kaya't saludo ako sa uring magsasaka at nauunawaan ko ang kanilang problema.... kaya't sang-ayon ako sa sinabi ni "aponilaonglaang", kailangan lang ng proper monitoring sa bawat program na isinasagawa para maging successful and makita rin what we need to improve,.. habang tumatakbo kasi ang programa makikita natin kung anong kakulangan at anong mas karapat-dapat na pamamaraan upang maging matagumpay ang programa o proyekto.

para naman sa sumulat nito "Pao" (kahit di kita kilala), saludo rin ako sa 'yo, Ako'y HANGA eh' (sabi sa batangas),.. kahapon medyo homsick ang tama ko, kasi mis ko na ang pinas at syempre ang jj kaya naisipan kong pasukin ang jjblog (first time ko dito), nalibang ako kasi magaganda ang laman at na-update ako sa present issue lalu na ang pagkamatay ni "Batik",... i'm sure na daily kong tutunghayan ang mga artikulo dito....ipagpatuloy mo lang ang layunin mo sa pagsulat at umasa ka na maraming susuporta sa 'yo at marami kang gigisingin na mamamayan mula sa mahimbing na pagkakatulog sa kasalukuyan sistema ng lipunan....mabuhay ka!

For someone you don't like... RELAX lang, wala tayong dapat pagtalunan at may kalayaan tayong ipahayag ang ating mga opinyon. Di bale, kapag nagkakilala tayo i'm magkakasundo tayo...

Anonymous said...

jezz.. dont say "relax" when you started and wrote something foolish, you could atleast say sorry.. piece of advice, never reply/write when your emotion get the best of you.. it just degrade your self..

note: im talking of the general public when i use the farmer, because we're an agriculture town and province..

Anonymous said...

Hoy! bading ka talaga.... nagpapaliwanag na nga kung ano pang sinasabi mo...@@@@@@@@$$$$$$%%%%!!!****mo... kala ko ba para sa opinyon ng lahat ang layunin nito? bakit mukhang gusto mong patunayan na ikaw talaga ang tama.... oo sige na tama ang sinabi mo, baka iyan pa ikamatay mo... kunsensya ko pa, kilala pa naman kita...bading!

paolo said...

anonymous, free naman mag express ng opinyon pero kahit ikaw cguro, alam mong medyo mali yung intro mo na "kitid ng analysis mo... laliman mo pa... " kasi masyado antagonistic ang dating kaya you cant blame Someone na magreact ng ganun.

tsaka yung name calling... uhmmmm...

Anonymous said...

hahaha oh my! oh my!.. temper temper.. that "bading" name calling is sooo lame.. hahaha hhaayyyy..