Tuesday, October 16, 2007

anong problema?

Ayon sa ginagawa kong survey dito sa blog (see sidebar), as of 4:00pm today, ang pinakaproblema ngayon sa bayan natin ay… kawalan ng jollibee (NYAAAAAHHHH!!!).

Dos por dos, por santo! Sana naman ay pasaway lang ang 41 na taong bumoto nun. Kasi di pa naman ganun kakailangan ang Jollibee; may Ponsa pa naman, kainan nila Paco, lugawan at KFC (kantong fried chicken) sa hiway.

Dati-rati, naging problema natin ang mga pinagbabawal na gamot at ang mga taong nahilig dito. Naging problema din ang jueteng nuon at korapsyon. Sa tingin ko naman, hindi na ganun katalamak ang mga iyon sa ngayon. Mahirap na kasi ang buhay, wala ng pambili ng bato.

Hindi rin natin ganun kaproblema ang krimen bagama’t nilimas ang bahay ni Dr. Del Bellin nuong sabado ng gabi ng mga magnanakaw. Hindi naman sila nasaktan, nawala lang ang lahat ng kanyang mga alahas. Earlier this year naman, nagkabarilan ang mga pulis pangkalawakan ng Jalajala at mga magnanakaw ng kable ng kuryente sa may highway sa Brgy. 1st District. Overall, tahimik pa rin ang bayan natin.

Para sa akin kasi, ang pinakaprolema natin sa ngayon ay ang kawalan ng trabaho. Ang ilan lang may magandang trabaho sa atin ay yung mga nakapag-aral at yung mga pinalad na makapag-abroad. Ang karamihan ng mga unskilled laborers, nakatambay lang at nagbabaraha lalo na kapag napapadaan ako sa Brgy. 3rd District. Okay pa nga yung mga nagta-tricycle pero alam kong di rin sapat ang kinikita nila sa araw-araw.

May nakapagkwento sa akin na as late as the 80’s, bibihira daw ang mga nakatambay sa bayan. Marami pa kasi nuong mga fish pond at ni-require ng mayor that time na ang mga kukuhaning tao lang sa mga fish pond ay mga taga Jalajala lamang. Ang mga kalalakihan ay nasa laot, nagtatrabaho. Ang mga babae naman, makikitang nagkukumpuni ng mga sirang lambat galing sa mga fish pond. Nakahanay daw ang mga lambat sa kalsada, mula sa may pantalan hanggang sa kabilang dulo ng kalsada.

Sa akin naman paglilibot-libot, nakita ko last year sa may Brgy. Pagkalinawan ang isang small-cottage industry business. Gumagawa sila ng mga Christmas decorations from raw materials. Sila ang gumagawa ng pinakang-katawan ng decoration at dadalin iyon sa ibang bansa. Sa ibang bansa na ifi-finish product ang kanilang mga ginawa. May nakita din akong katulad nito sa may Brgy. Bagumbong, dun sa isang sityo pataas sa bundok dun.

Naiisip ko lang, pwede itong gawin dito sa bayan. Hindi naman kailangan ng masyadong skills para sa mga ganung klase ng cottage indutry. Kung may pera lang ako, pwede akong sumangguni sa Department of Trade and Industry (DTI) para humingi sa kanila ng inforation para dito.

Kamtotinopit, sana maisipan ito ng ating mayor ngayon. Baka may mga kakilala siyang mga kaibigan na pwedeng mag-invest ng ganito sa ating bayan. Hindi naman kailangang malakihang investment o business ang itayo, kahit ilang small-cottage industries lang, malaking tulong na iyon kesa naman maghapong nakatambay at nakatunganga.

Alam ko may mga nagbabasa ditong mga taga munisipyo (binabati ko nga palaang mga taga LCR). Baka naman makausap nyo si Mayor, pwede kayang ma-suggest nyo yun? Hehe…

5 comments:

Anonymous said...

about survey...
likas na may pagkamasayahin ang mga pinoy kaya no doubt na sa pagpipilian dun s survey eh yun ang pipiliin.. kagaya n lng ngayun, nakangiti pa rin tayo kahit na andaming seryosong problema n kinakaharap ng bayan at bansa natin.. Nagagawa natin na tawanan ang pandaraya ni GMA, ang kick back ni Abalos, na ksama si "Mister-ni-Mam" (hindi tayo nadala s Computer Automation na kanyang hinokus pokus kaya ayun humirit pa).. anjan ung s joke-joke bolante na milyon din kinuha sa atin. Ang latest n pde ulit natin tawanan, ang pamimigay ng 500T each s mga pulitiko na ng mabisto eh puro mga nagka amnesia, n hindi matandaan kung sino nagbigay.. Jollibee sa JJ? posible yan.. but i think not in our lifetime, so sa ngayun tawanan lng muna natin yan..

About small-scale initiatives para s livelihood s JJ, madami n rin nman nai introduce s jalajala, ang problema nga lng eh ung sustainability.. Gaya sa aming barangay ng 1980's, dati eh nagprovide ng mga quality breeds ng baka at kambing, then regularly eh may kumukuha ng gatas para iprocess s DTRI s UPLB.. Nung nawala ung program, nawala n din ung mga hayop n paalaga sa kanila, ni hindi man lng na propagate..

Ung s christmas decor, for sure pag nagtuloy tuloy ung pag gain ng peso s stock market mawawalan ulit sila ng pagkakakitaan kung ang target market lng nila eh i export.. That's where the govt (specifically the LGUs) should look into para mapaunlad pa..

I agree na kelangan i mobilize ung mga tambay, turuan sila ng mga skills (mag request ang LGU ng trainors s TESDA, or s mga technical schools para my certificate after)para maging welder, baker, carpenter, pipe fitter, barber, etc.. Then thru fly-now-pay-later eh mapadala sila s ibang bansa.. Or kung my partner-municipality (parang sister city) lng na mai initiate ang LGU dun s ibang progressive countries, then madali ng magpadala ng mga skilled workers natin sa kanila. In return, pde nman natin turuan ung kanilang mga constituents na mangisda at maghalaman the traditional way, tumambay, maglaro ng baraha, billiards, etc..

paolo said...

apo ni jose rizal, may reply ako sa comment mo dito pero humaba na sya. i decided na gawin na ring post entry hehe post ko later

salamat sa in-depth comment

Anonymous said...

i swear, i did not vote half of the servey for jollibee.. really i didn't, im telling ya' it wasn't me at all.. i mean how can i vote that so many with the IP address, it isn't like i use 20 pc or something just to stack up vote right.. beside i haven't log on to this site like hhmmm?? about two days ago.. so there i made my point.. my zues be my witness..

Anonymous said...

kawalan pa din ng jollibee sagot ko...why? kasi kailangan may pera ka bago ka pumunta sa jollibee...kailangan may trabaho ka para may pera ka para mapunta ka sa jollibee...kailangan masipag para may trabaho para may pera para makapunta sa jollibee...kailangan mag-aral at masipag para may trabaho etc etc etc.

see, it all boils down to our need to have jollibee. besides, masaya sa jollibee yehey!

paolo said...

someone, bka nga ikaw lang bumoto sa jbee, gamit ang 40plus PCs errr----

reyna, may punto ka jan marimar hehe