Wednesday, December 19, 2007

sitio jalajala, pila laguna

Sitio Jalajala, Pila Laguna

Tama ang nabasa nyo, sitio Jalajala. Kung hindi sa ilang pangyayari nuon, sana ay isa lamang sitio ng Pila ang bayan natin. Para sa mga di nakakaalam, ang Pila ay isang bayan sa probinsya ng Laguna, malapit sa Jalajala, Rizal.

Ayon sa website na Bayang Pinagpala, nuong 16th century, ang bayan natin ay parte lamang ng bayan ng Pila, ayon na rin sa nakasaad sa mga librong The Philippine Islands na isinulat ni John Foreman at A History of the Inarticulate: Local History, Prostitution and Other Views from the Bottom na isinulat naman ni Luis Camara Dery.

Nagsimula ang kwento sa bayan ng Los Banos, Laguna. Maging nuon pa man, ang Los Banos (o the baths, kung saan galing ang word nating banyo) ay kilala sa mga hot springs na nanggagaling sa bundok ng Makiling kung saan may isang bulkan. Lumalabas sa mga bukal na ito ang mineral water na nakapagpapagaling sa ilang karamdaman gaya ng rayuma at iba pang sakit. Dahil dito, maraming tao ang nagpupunta dito para maligo, mga natives at mga kastila. Subalit walang maayos na matuluyan ang mga nagpupunta dito, walang maayos na paliguan at wala namang ginagawa ang gobyernong Kastila. Ninais ng mga Franciscan priests na magtayo ng hospital at simbahan sa lugar na iyon subalit kulang sila ng pera para sa proyektong iyon. Sa wakas, nuong 1604, nagpatayo ang gobyerno ng hospital na yari sa kawayan, ng simbahan at kumbento, ayon na rin sa pag-uutos ni Governor General Pedro Bravo de Acuña. The hospital was dedicated to Our Lady of the Waters.

Ibinigay ang pangangalaga ng hospital at ng simbahan kay Fray Diego de Santa Maria. Pagkatayo ng hospital, ang pondo para sa pagpapatuloy nito ay nanggagaling lamang sa mga bigay-bigay ng mga pasyenteng nagpupunta dito. Pagkain ang pinakaproblema ng hospital at kahit pa man nag-donate ang ilang tao ng lupa nila kung saan pwedeng magtanim na pagkukuhanan ng pagkain para sa mga pasyente ng hospital, kulang pa din iyon. Humingi ng permiso ang mga pari na nangangalaga ng hospital sa Los Banos sa mga taong taga Pila kung pwede silang mag-alaga ng mga baka sa isang bakanteng lupain nila na kung tawagin ay Jalajala. Pumayag naman ang mga taga Pila at isang rancho ang itinayo sa sito Jalajala na tinawag na Estancia de Jalajala. Nagtanim din sila ng mga niyog, at mga gulay.

Nuong 1640, opisyal na ginawang isang bayan ang Los Banos. Umunlad na kasi ang lugar na iyon dahil nakilala na ang mga hot springs na nakapagpapagaling. Maraming mga banyaga at mayayaman ang nagpunta duon. Isinailalim na ang pamamalakad nito sa gobyernong Kastila. Sa Jalajala naman, nagtayo dito ng isang malaking bahay at nagpaupa ng lupa ang gobyerno sa mga tao para manirahan. Nakilala na rin kasi ang Jalajala dahil dito dumadaan ang mga taong nagpupunta ng Los Banos para magpagaling. Isinailalim na rin sa isang administartor ang pamalalakad sa rancho ng Jalajala. Nagprotesta ang mga taga Pila dahi unti-unti na silang nawawalan ng control sa sitio nila at panandalian namang bumalik sa kanila ang pamamalakad sa sitio Jalajala dahil nagsampa ng kaso ang administrator sa korte. Dahil sa mahabang proseso, napasailalim ang pamamahala sa lupa ng Jalajala sa iba-ibang tao hanggang ang huling namahala ay kinanya na ang lupain bilang sariling pagmamay-ari.

Hanggang sa mapunta nga ang pagmamay-ari ng Jalajala kay Paul P. de la Gironniere, isang Pranses, ayon na rin sa una kong naikwento sa inyo DITO. Napalipat naman ang pagmamay-ari ng Jalajala sa kaibigan ni Paul na isa ding Pranses. Nang mamatay ang kaibigang ito ni Paul, napalipat ang pagmamay-ari sa pangatlong Pranses, kay M. Jules Daillard. Nang mamatay si Daillard, napunta ang lupa sa pagmamay-ari sa isang English bank kung saan binili ng mga Franciscan friars ang lupa sa halagang P50,000.00 nuong 1897. Ibinenta naman ng mga pari sa isang kumpanyang Belgian nuong 1900.

Minana ko naman sa mga ninuno kong Belgian ang Jalajala kaya ito ay pagmamay-ari ko na ngayon.

Nyaaaahhhh!

7 comments:

Anonymous said...

totoo bang walang titulo ang mga lupa sa Jalajala ngayon? sabi d2 blog iisang tao lang ang may ari ng jalajala, paano kung isang araw e bawiin nya ang lupa.

Pao, nice blog entry! merry xmas!

paolo said...

hindi ko rin alam kung mababawi nga ang mga lupa. may mga nababalitaan akong inaayos na ng lokal na pamahalaan ang tungkol sa pagkakaroon ng titulo ang mga lupa natin. kapag may nalaman na akong kongkreto, sasabihin ko sa iyo.

merry xmas too :)

Anonymous said...

ayos na ayos ang sinulat mo na ito sana nung nag-aaral pa ako sa st. maichael may katulad ng ganitong website kasi natatandaan ko na project namin ang history ng jala-jala kaso wala kami makuhanan. buti nakakapagsulat ka ng history ng jalajala kahit pakonti-konti. utang sa yo ito ng mga taga jala-jala, sana kilalanin ka. remy

paul h roquia said...

... parang ang PAKIL ata ang malapit sa Jalajala. sobrang layo pa ang Pila dun. parang nalito tuloy ako.

paolo said...

remy, oo nga, wala pa kasing internet nun, jurassic pa. kilalanin? wag na lang hehe okay na ko ng ganito.

razazo, mas malapit nga ang pakil pero siguro pagmamay-ari ng pila yun jalajala dati ayun na rin sa mga records na nakalap nung website na nakita ko.

Anonymous said...

napakaganda ng inyong ginagawa tungkol sa mga tao, tradisyon, kaugalian ng Jala-jala. Mabuti at nakikita ang inyong pinaghihirapan. Ipagpatuloy nyo lang ang mga ito at sana rin ay mabigyan pansin ang mga gawaing pangsimbahan

paolo said...

salamat po, salamat (bow)