Saturday, January 26, 2008

all my bags are packed...

i'm NOT ready to go
(isinulat ni ALADYBUG, isang taga jalajala)

Saturday, kinausap ako ng boss ko na ia-assign daw ako sa ibang bansa dahil kailangan nila ng tao sa project ng company namin dun. Tuesday daw ang flight. Dahil sa marami na syang sinabi dati na hindi naman totoo, umoo lang ako at nag-overtime pa ng Sunday. Hindi na ako nakauwi ng Jalajala.

Monday, binigay na sa akin ang plane ticket. Oo nga, paalis na pala talaga ako kinabukasan. Kinagabihan, agos ang luha dahil samo’t saring emosyon. Iiwan ko lahat ng mahal sa buhay at mga kinagawiang bagay para lamang sa dolyar.

Tuesday, 9:30am naka board na ako sa plane, nakatanaw sa malayo, tulala. Iniisip ko makakabalik pa ba ako ng buhay sa Pilipins. Emot talaga. Konti lng pasahero, me bakante pa ngang upuan sa gitna namin ng katabi kong lalake. At habang take-off, tumulo na naman ang luha ko. Shiet wala pala akong dalang panyo o tissue man lang. Pampahid na lang ang laylayan ng aking sweat shirt na nabili ko pa sa Divisoria. Ramdam ko ang tingin nun katabi ko pero kiber, di pa nya ako kilala, mas matakot sya sa tipos ko! hala ka

Ang madramang tagpong iyong ay kinahiya ko ng muli kaming magkita nun lalake pagkalipas ng ilang buwan. “Ay ikaw yun …” di na nya naituloy pero naka-ngiti sya na parang nakakaloko, natawa na rin lang ako. Kuwentuhan kami ng mga buhay buhay namin sa lugar na yun. Masaya at maayos naman kami pareho, sya pala ay si kuya Adrian at nag tourist lang pero ngayon ay security guard na sa Watsons.

Friday, kagabi lang yun, habang nakasakay sa bus pauwi ng bahay, itong naisulat ko ay ilan lang sa mga nakakatawang alaalang aking binalikan. Tatlong taon na pala ang nakalipas.

Hapi 3 years sa akin!

Sunday, January 20, 2008

pulitika at ang natutulog na konsihal

Kahit pa girls-watching lang ang libangan ko, kahit papano naman ay nakakapagpakinig din ako ng mga usapang pulitikal lalo na sa local level. Aware din ako sa mga usapang eleksyon. Ang napapansin ko lang, sa mga campaign speeches man o sa mga debatehan tungkol sa lokal na pulitika, hindi mawawala ang sinasabing hindi makagawa ng magagandang proyekto ang alkaldeng nakaupo dahil kalaban nya sa partido ang bise-alkalde o ang mga kunsihal. Simulat-sapol, naririnig na natin yang issue na yan. Naririnig ko na yan simula pa nung nagkaisip ako, and that was two years ago…


Errrrr--- eniwey, totoo naman yan. Madaming magagandang proyekto ang di natutuloy dahil sa pamumulitika ng mga kalaban sa partido. Hindi lang naman sa Jalajala nangyayari yan, maging sa ibang bayan din. That’s a fact of life kasi. Karaniwan, pag-uusapan yan ng lokal na konseho sa session hall nila. Pagdedebatehan nila ang pros and cons ng proyekto. Ang iba ay legitimate ang rason ng pagtutol nila sa proyekto, ang iba naman ay namumulitika lang o kaya ay nagnanais maka-kickback at magkapera. Ang ibang konsihal naman ay nakatulog lang dahil walang alam. Tutol si Bise sa proyekto kasi ganito, kasi ganun. Tutol si Kunsihal kasi ganire. Pag-uusapan nila yan sa loob ng session hall. Paglabas ng munisipyo, kanya-kanya ng kwento yan sa mga taong nais makinig sila, na kesyo ganito yung proyekto, kasi ganuon. Ikukwento naman ng nakapakinig sa baryo nila at alam natin na sa ganitong proseso, maraming detalye ang nawawala o nababago. Hanggang ang issue na ay tutol si Bise kasi ang proyektong nabanggit ay mga aliens from Mars lang ang makikinabang.


Sa akin lang naman, madali lang ang solusyon dito. Sa mga meetings, may isang taong nakatalaga para i-record ang mga pinag-uusapan sa meeting di ba? Ito yung tinatawag na “minutes of the meeting”. Mare-record dun ang dahilan ng isang taong tumututol sa proyekto, mare-record din dun kung maganda nga ba ang proyekto ayon sa taong may pakana ng project na yun. Pagkatapos ng isang session, papirmahin ang lahat ng kasali sa session sa minutes of the meeting para naka-record talaga officially kung ano ang stand nila sa issue.


Then sa bawat barangay, perhaps sa barangay hall, maglalagay sila ng information board kung saan ikakabit ang minuto ng meeting para mabasa mismo ng mga taong concerned sa issue o sa proyekto. Pwede namang gawin yan dahil public records ang dokumentong iyon kaya tama lang na mabasa ng publiko. Sa ganitong paraan, taong bayan na mismo ang makakaalam kung tama nga ba ang pagtutol ng opisyal na iyon o namumulitika lamang sya. Siguro naman, kahit kakampi mo sa partido ang opisyal na iyon at napansin mong namumulitika lamang sya, hindi mo rin magugustuhan ang ginagawa nya at sa susunod na eleksyon, alam mo na ang gagawin mo. Malalaman mo din kung sino sino ba sa mga lokal na opisyal ang may alam o sino ang natutulog lang. Matatakot ding mamulitika lamang ang mga opisiyal dahil alam nilang sa susunod na eleksyon ay mahihirapan na silang manalo.


Hindi ako nagmamarunong-marunungan. Maaaring wala ding bisa ang naiisip kong ito subalit kung common sense ang paiiralin, at ang tunay na kagustuhang makatulong sa bayan, sa palagay ko naman ay tama din ang sinasabi ko dito.


Pero ito ay sa akin lang naman.

Thursday, January 17, 2008

pulis na matulis (na hindi pala)

Kapag tinatanong ako ng mga taga ibang lugar na kakilala ko kung taga saan ako, sasabihin kong taga Jala-jala ako, na malamang sa hindi ay hindi nila alam kung saan. Magtatanong sila kung saan iyon, o kaya ay ipapaulit ang pangalan na medyo matatawa pa kasi nakakatawang pakinggan ang pangalang Jala-jala at ang iba ay tatango na lang na kunwari ay alam nila. Okay lang sa akin iyon. Kahit pa sabihing liblib na lugar ang bayan ko, kahit pa malayo daw sa sibilisasyon, I don’t care. Because that’s the way (aha-aha) I like it (aha, aha). That’s the way (aha-aha) I like it (aha-aha).

Kaya nung mabalitaan ko na may minolestiyang tao sa Jala-jala, nabagabag ako. Mapayapang lugar kasi ang Jala-jala, hindi isang Utopian society, pero tahimik siya. Oo, may pulis sa bayan pero anong iisipin mo kung ang hepe ng pulis ang nangmolestya? Ng nakakulong na tao. Ng lalaking nakakulong.

Ayon sa balita, natanggal sa pwesto si Senior Inspector Ian Rico Reyes bilang police chief ng Jala-jala nuong January 7, 2008 dahil minolestiya nya ng paulit-ilit DI UMANO ang isang di pinangalanang bilanggong lalaki na nakapiit sa municipal jail. Ayon kay Calabarzon police director Chief Superintendent Ricardo Padilla, inalis sa pwesto si Reyes para hindi niya maimpluwensyahan ang imbestigasyon na isinasagawa ni Superintendent Ronaldo Mendoza, head of the investigation and detection management branch of the Rizal police.

Pinabulaanan naman ni Senior Inspector Reyes ang akusasyon sa kanya at sinabi niyang gawa-gawa lamang ito ng bilanggo para maghiganti sa kanya. Sinabi din ni Reyes na pinuwersa lamang ang mga witness laban sa kanya na pumirma sa complaint. Ngunit 15 sa 21 pulis na naka-assign sa Jalajala ang pumirma din ng isang statement na nagsasabing hindi pwersado ang mga witness.

Ayon naman sa pahayag ni PO2 Monico Mojado Jr, pulis na naka-assign sa Jala-jala, may isa pang insidente ng pang-aabuso ang ginawa ng dating hepe nyang si Reyes. Ayon kay Mojado, nuong Pebrero ng nakaraang taon, may nahuli silang ilang kalalakihan na nagnanakaw ng kable ng kuryente. Inutusan di umano ni Inspector Reyes na maghubad at mag-masturbate sa harap niya ang mga magnanakaw. Nangyari daw ang insidenteng ito sa loob ng opisina ni Reyes. Ayon kay Mojado, iniisip niya nuon na paraan lang iyon ng hepe para parusahan ang mga magnanakaw.

Pinalitan si Senior Inspector Reyes sa pwesto pansamantala ni Inspector Manuel Magat, na dating deputy chief sa Tanay, Rizal. Pansamantalang nasa “floating status” si Reyes habang isinasagawa ang imbestigasyon subalit nito lamang January 12, napaulat na na-assign si Reyes sa Binangonan, Rizal bilang deputy chief ng bayan.

Innocent until proven guilty daw pero kung totoo man ang mga paratang laban kay Inspector Reyes, ito lang ang masasabi ko : “Goodluck Binangonan”

BLEH!

Tuesday, January 8, 2008

alam mo ba?

Huy, may alam ka ba? Wala? Hala, eh tumabi ka nga dyan, kakalat-kalat ka lang.

Alam mo ba, pre, na ang unang simbahan at kumbento sa Jalajala was inaugurated on October 1, 1678?

Alam mo ba kung ano ang tagalog sa”inaugurated”?

Alam mo ba na ang unang santong patron ng Jalajala ay si San Pascual Baylon?

Kilala mo ba si San Pascual Baylon? (click HERE)

Alam mo ba na ang kauna-unahang pari na nagmisa sa Jalajala ay isang Franciscan na nagngangalang Fray Lucas Sarro?

Kilala mo ba sya?

Alam mo ba ang mga bagay na nabasa mo? Ha? Ha? Alam mo ba?

Ako, hindi ko alam. Nabasa ko lang sa internet nung naghahanap ako ng scandal clips nyuk-nyuk-nyuk…

Tuesday, January 1, 2008

2008

HAPPY NEW YEAR!!!

Magbago ka na!