Sunday, January 20, 2008

pulitika at ang natutulog na konsihal

Kahit pa girls-watching lang ang libangan ko, kahit papano naman ay nakakapagpakinig din ako ng mga usapang pulitikal lalo na sa local level. Aware din ako sa mga usapang eleksyon. Ang napapansin ko lang, sa mga campaign speeches man o sa mga debatehan tungkol sa lokal na pulitika, hindi mawawala ang sinasabing hindi makagawa ng magagandang proyekto ang alkaldeng nakaupo dahil kalaban nya sa partido ang bise-alkalde o ang mga kunsihal. Simulat-sapol, naririnig na natin yang issue na yan. Naririnig ko na yan simula pa nung nagkaisip ako, and that was two years ago…


Errrrr--- eniwey, totoo naman yan. Madaming magagandang proyekto ang di natutuloy dahil sa pamumulitika ng mga kalaban sa partido. Hindi lang naman sa Jalajala nangyayari yan, maging sa ibang bayan din. That’s a fact of life kasi. Karaniwan, pag-uusapan yan ng lokal na konseho sa session hall nila. Pagdedebatehan nila ang pros and cons ng proyekto. Ang iba ay legitimate ang rason ng pagtutol nila sa proyekto, ang iba naman ay namumulitika lang o kaya ay nagnanais maka-kickback at magkapera. Ang ibang konsihal naman ay nakatulog lang dahil walang alam. Tutol si Bise sa proyekto kasi ganito, kasi ganun. Tutol si Kunsihal kasi ganire. Pag-uusapan nila yan sa loob ng session hall. Paglabas ng munisipyo, kanya-kanya ng kwento yan sa mga taong nais makinig sila, na kesyo ganito yung proyekto, kasi ganuon. Ikukwento naman ng nakapakinig sa baryo nila at alam natin na sa ganitong proseso, maraming detalye ang nawawala o nababago. Hanggang ang issue na ay tutol si Bise kasi ang proyektong nabanggit ay mga aliens from Mars lang ang makikinabang.


Sa akin lang naman, madali lang ang solusyon dito. Sa mga meetings, may isang taong nakatalaga para i-record ang mga pinag-uusapan sa meeting di ba? Ito yung tinatawag na “minutes of the meeting”. Mare-record dun ang dahilan ng isang taong tumututol sa proyekto, mare-record din dun kung maganda nga ba ang proyekto ayon sa taong may pakana ng project na yun. Pagkatapos ng isang session, papirmahin ang lahat ng kasali sa session sa minutes of the meeting para naka-record talaga officially kung ano ang stand nila sa issue.


Then sa bawat barangay, perhaps sa barangay hall, maglalagay sila ng information board kung saan ikakabit ang minuto ng meeting para mabasa mismo ng mga taong concerned sa issue o sa proyekto. Pwede namang gawin yan dahil public records ang dokumentong iyon kaya tama lang na mabasa ng publiko. Sa ganitong paraan, taong bayan na mismo ang makakaalam kung tama nga ba ang pagtutol ng opisyal na iyon o namumulitika lamang sya. Siguro naman, kahit kakampi mo sa partido ang opisyal na iyon at napansin mong namumulitika lamang sya, hindi mo rin magugustuhan ang ginagawa nya at sa susunod na eleksyon, alam mo na ang gagawin mo. Malalaman mo din kung sino sino ba sa mga lokal na opisyal ang may alam o sino ang natutulog lang. Matatakot ding mamulitika lamang ang mga opisiyal dahil alam nilang sa susunod na eleksyon ay mahihirapan na silang manalo.


Hindi ako nagmamarunong-marunungan. Maaaring wala ding bisa ang naiisip kong ito subalit kung common sense ang paiiralin, at ang tunay na kagustuhang makatulong sa bayan, sa palagay ko naman ay tama din ang sinasabi ko dito.


Pero ito ay sa akin lang naman.

9 comments:

Anonymous said...

ayokong mag comment about politics kasi it opens up pandora's box...

but i think a very good person to be in politics is one with malakas na paninindigan, tunay na hangarin na makatulong sa kapwa at bukas na pag-iisip. kung anumang pwesto meron sila.

if one doesnt have any of these is in it for the money, power and/or both.

paolo said...

would you say Reyna, na may naging ganitong leader na sa JJ? hehehe don't say bad words :P

Anonymous said...

Pao, hindi ka bisaya ano? pero kc dapat ata KonsEhal hindi KonsIhal :P

paolo said...

councilor is pronounced as "konsilor" di ba? kaya dapat "konsihal"--- errrrrrrrr...

Anonymous said...

pwede nga iyang iminungkahi mo pero marami pa rin sa mga taga jala-jala ang hindi marunong umunawa sa mga issues at mas nanaisin pa nilang makinig sa sinasabi ng mga lider lider nila.

paolo said...

well, it could be a start of real changes. mga tunay na pagbabago ba. yesss, parang narinig ko na ata yun a hehe

Anonymous said...

i know a former mayor, he's now a realtor.. he lamented once to me how he wasted all those days of being a public servant, that he should have been well a realtor.. he's reason was well its were the money is.. cant beat that reason hahaha

paolo said...

hindi kaya, madaming pera sa gobyerno kung alam mo lang kung papano makakakurakot. we have our past and present president as example...

Anonymous said...

i want to be a councilor.. you get to sit around doing "almost" nothing harharhar