Monday, February 2, 2009

adoration chapel blessing

GOOD NEWS!

May adoration chapel na ang bayan natin, na itinayo sa mismong tabi ng ating simbahan sa bayan. Kahapon, Feb. 1, ay naganap ang blessing ng adoration chapel ng Jalajala na pinangunahan ni Most Rev. Gabriel Reyes, obispo ng Dioses ng Antipolo. Siya din ang nagmisa, assisted by our parish priest, Rev. Father Noeh Elnar.

Para saan ang adoration chapel?

Sabi nga ni Bishop Reyes, maging si Hesus ay nagpupunta sa isang tahimik na lugar upang makapagdasal ng mataimtim. Ito ang pangunahing layunin ng adoration chapel, para may isang lugar tayong pwedeng puntahan upang makapagdasal. Ayon pa rin kay Bishop Reyes, pwede rin naman nating gawin ito sa loob ng ating tahanan, sa loob ng ating silid subalit para sa ilan sa ating nagnanais na magkaron pa rin ng isang lugar na tahimik, pwede tayong magpunta sa adoration chapel. Dito rin tayo makakahanap ng "inner peace and serenity", ayon kay Father Elnar.



Bagama't tapos na ang adoration chapel, unfortunately, ay hindi pa tapos ang pagbabayad sa mga materyales na ginamit dito, na pinapasalamatan naman ni Father Elnar sila Randy at Grace de Guzman na nagpautang muna ng mga materyales. Pinapasalamatan din niya ang mga pamilya at mga indibidwal na nagbigay ng tulong pinansyal na ginamit sa pagpapagawa. Isa na rito si Architect Jun delos Santos na nagbigay ng kanyang serbisyo ng libre, ang design at pamamahala sa pagpapagawa ng adoration chapel. malaki din ang naitulong ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ng ating alkalde, mayor Pillas at sa mga barangay captain at kanilang mga kasamahan.



Kaya kung nais nyong tumulong sa ating simbahan, makipag-ugnayan lang sa ating parokya.


***

Kasabay ng blessing ng adoration chapel ay ang blessing din ng bagong ambulansya ng Jalajala.


Tunghayan dito ang mga litrato : JJ FLICKR

3 comments:

Anonymous said...

WOW!!! ang suxial suxial nman ng adoration chapel!! syang di ako nkauwe last weekend..di ako nakasaksi sa blessing.,,sa 2nd wik of dis month p ko mkkdlaw..haaayyy..

suxial den nman ng bagong ambulanxa..alala ko dati--college days kme..school bus nmen un lumang ambulansya pag lumuluwas kme to manila..hahahahah ;D


--beyonce--

paolo said...

beyonce, sayang nga di ka nakapunta. daan ka na lang sa adoration chapel pag-uwi mo... baka magkita tayo dun, baka lang hehe

Anonymous said...

ahaha..cge see u!!!
den mgpkila2 kn sken ha..
kumag!!! hehehehe :P


-beyonce-