MAGANDA ANG bayan natin, lalo na kung alam mo kung saan ka pupwesto para sa isang kamangha-manghang tanawin. Itong kuhang ito, alam nyo ba kung saang lugar sa bayan? Sirit?
Nitong nakaraang linggo, sinamahan ako ng isang taga SMPS sa lugar na ito. Una kaming nagpunta sa may pantalan sa J.P. Rizal St. sa gitnang bayan. Maganda sa lugar na iyon at naghintay kami ng papalapit na takip-silim. Subalit iminungkahi ng kasama ko na mas maganda nga daw sa lugar na ito dahil may mga bangka pang makukuhanan. Dali-dali kaming naglakad papunta sa lugar na ito at tama nga siya, maganda nga ang lugar, medyo tago kaya marahil ay maraming di nakakaalam sa tambayang ito.
Simula ng nahilig ako sa photography, nag-iba na ang paraan ng pagtingin ko sa mundo at sa paligid. Lagi kong hinahanap ang magandang parte ng kahit na anong bagay, tanawin at tao na maaari kong litratuhan. Dahil dito, mas lalo kong naisip na tunay ngang maganda ang bayan natin ng Jalajala, tunay na tagong paraiso ng Rizal.
Alam kong marami pang magagandang tanawin sa Jalajala, isa lamang ito. Balang araw, makukuhanan kong lahat iyon.
At kung nais nyong malaman kung saan ito, eh sorry na lang. Kailangang hanapin nyo mismo. Explore Jalajala, ika nga. Pero maggawa muna ng inyong mga assignments bago gumala.

No comments:
Post a Comment