Wednesday, August 24, 2011

jalajala wikipedia history

Nabasa nyo na ba ang bagong Wikipedia page ng Jalajala? May nadagdag na bagong impormasyon tungkol sa bayan natin. Tungkol ito sa invasion and liberation ng Jalajala nung panahon ng hentai Hapon, January to August 1945 to be exact.

Ngunit, subalit, datapwa't, hindi talaga tungkol dun ang post na ito. Ito ay tungkol sa pag-unlad ng Wikipedia page ng Jalajala. Ang magandang resulta ng pag-unlad ng page na ito ay nadadagdagan ang nakasulat na kasaysayan ng ating bayan.

Ngunit, subalit, datapwa't, hindi pa rin talaga tungkol dun ang post na ito. Ito ay tungkol sa... (wait for it)... pagpupuri sa aming mga bumubuo ng blog na ito (dyaraaaannnn!).

Lingid siguro sa kaalaman ng karamihan, may naidagdag naman kami kahit papano sa Wikipedia page ng Jalajala. Ito ang kauna-unahang Wiki page ng Jalajala (CLICK HERE). Naglalaman lang iyon ng pangalan ng mga barangay, populasyon ng bayan, at ang ating pagiging 5th class municipality.

Dahil masipag pa kaming mag-research nuon, nakabuo kami ng ilang historical facts about Jalajala at nai-post natin dito sa blog na ito (CLICK HERE) nuong Feb. 25, 2008. Naisipan naming i-edit ang Wiki page ng JJ at ilagay ang history na aming nabungkal. Ito yung itsura ng Wiki page after naming ma-edit (CLICK HERE) nuong May 25, 2008. Nakasama na ang pinagmulan ng pangalang "Jalajala" at ilang mahahalagang araw sa kasaysayan ng bayan.

Nuong Dec. 9, 2009, may nag-edit ng Wiki page natin na taga Makati, using the I.P. address na 203.87.181.166 (CLICK HERE). Dinagdag nila ang history ng Jalajala nuong time ni Gironiere na atin na ding natalakay nuong July 17, 2007 dito sa blog na ito (CLICK HERE).

Tas ngayon nga. May nagdagdag ng history natin nung time ng Hapon. Siya ay taga Makati din, using the IP address na 112.198.79.2. Ano kaya ang susunod na mailalagay na history natin?



-==..jj..==-


Incidentally, mapapansin sa wikipedia page history na ito na mula sa pagiging 5th class municipality ng Jalajala nuong 2008, naging 4th class municipality na. Although sa pagkakaalam ko, tayo ay ganap ng 3rd class municipality. Umuunlad ang bayan natin at hindi lang ang Wiki page. Yey!

Monday, May 30, 2011

ang tagal kong nawala...

Nakidnap kasi ako ng aliens...

Pero matagal man akong nawala dito, magkakasama naman tayo dito -> (http://www.facebook.com/jalajala.rizal)