Friday, May 30, 2008
Sunday, May 18, 2008
flores de mayo 2008
I'll write more about it when and if i can get more info.
But for now...
Congrats kay Marc John Estrellado (Hermano) at Ma. Carlyn Carpio (Hermana).
Thursday, May 15, 2008
SMPS, revisited too
Ayun, sa St. Michael nga sya mag-aaral at may mga bagong patakaran sa SMPS na aking napag-alaman. Para sa mga incoming persyir, pinaghihiwa-hiwalay nila ang mga honor students galing sa iba't-ibang paaralang elementarya na nais mag-aral sa SMPS. As much as possible, magkakahiwalay sila ng sections para sa unang taon at sa susunod na taon na lang pagsasama-samahin (at least yun ang pagkakaintindi ko). Hindi ko alam kung ano ang rason para dun pero may mga bagay-bagay lang akong naiisip.
Simula kasi nung mag-aral ako sa SMPS, halos pare-pareho kasi ang mga naging kaklase ko hanggang makagraduate. Mas maganda ang naging samahan namin, mas matibay ang pagkakakaibigan dahil magkakasama kaming humarap sa pagsubok ng persyir hanggang portyir. At alam naman natin na ang mga naging kaibigan natin nung highschool ay malamang na maging kaibigan natin por layp dahil sa kakaibang bonding na nagaganap during our highschool life. At sa bagong policy na ito n SMPS, parang mababawasan ng isang taon ang maaari sanang magiging samahan ng mga istudyante nila.
Ewan ko lang, siguro ay nagpapaka sentimental achuchu lang ako, maaaring wala din namang epekto sa mga bata ang ginawang ito ng SMPS pero para sa akin lang, mas mainam sana kung dating gawi pa din ang gagawin ng parochial school.
Bow.
Para sa mga interesado, 12,000 pesosesos sana ang babayarang tuition (and other expenses) ng pamangkin ko subalit nabigyan siya ng full scholarship at halos kalahati lang ang kanyang binayarang miscellaneous fees, including the books.
Magkano nga lang ba ang tuition namin nun?
Saturday, May 3, 2008
website ng jalajala ayon sa wikipedia
Yahoweeeeeeeeeeee!!!
Ako nama'y medyo natutuwa... okay, okay, sobrang natutuwa dahil sa aking natuklasan sa wikipedia kahapon. Ang nakalagay kasi sa link ng website for Jalajala ay ang website na ito. It feels nice that this site is being recognized that way. Check out the picture above and this LINK.
Mababaw lang naman akong tao kaya sa akin lang, e this calls for a celebration. Isang GranMa nga dyan...

Thursday, May 1, 2008
psycho-killer-rapist ng Rizal (revisited)

Natatandaan nyo pa yung binalita ko sa inyong psycho/killer/rapist daw na gumagala sa Jalajala nuon? Apparently, may billboard na rin pala siya (allegedly) along EDSA kasama ng mga sikat na product endorsers hehe
Mukhang ang mga nabasa nyo nuon dito sa blog ay halos kapareho din ng mga sinulat ni Kris Canimo ng Standpoint. At hindi nga lang sa Jalajala nabalita ito kundi hanggang Pasig City at sa iba pang lugar.
Naniniwala ka na ngayon sa balita?
O hindi pa rin?
Buti na lang, mukhang hindi ito nabalitaan o pinaniwalaan ng mga JRU nursing students na kasalukuyang nasa Jalajala ngayon bilang parte ng kanilang community immersion program.
Sunday, April 27, 2008
memories of a lake
Sa dagat ako natutong lumangoy, sa Laguna de Bay in particular. Natatandaan ko pa, nasa isang fish pond kami nun sa laot. Hindi pa ako marunong lumangoy nun at kumakapit lang ako sa mga kawayan. One time, paglipat ko from one kawayan to another, di ko natantya ang layo. Kapos ang pagtulak ko sa sarili. Hindi ko aabutin ang tinatarget kong kawayan destination.Biglang flashback sa akin ang itsura ng mga taong nalulunod. Yung bloated sila, kulay green at parang kinain na ng mga isda. Yucky, ayaw kong maging ganun kung malulunod ako. Biggest fear ko pa naman ang malunod. Sa tingin ko nga, in my past life, sa Titanic ako namatay at nalunod. Jack... Rose... (errrr-- let's save that for another story).
Ayun nga, hindi ko aabutin ang kawayan. Malulunod ata ako. Survival instinct, ginalaw ko ang mga kamay ko, pinadyak ang mga paa. Lumalangoy ako! I'm swimming! I'm swimming! Ganun lang pala. From that day on, pwede na akong sumagip ng isang magandang chikas na nalulunod dahil marunong na akong lumangoy. Mouth-to-mouth resucitation na lang pag-aaralan ko pero madali na yun, marunong naman akong kumiss (uhmmm-- tanga, iba yun.) (e basta, wag ka makialam, ako nagsusulat) (teka, sino ba kausap ko?)...
Natatandaan ko din nun, lagi kami sa pantalan at sa baybaying dagat nung bata pa ako. Syempre, jume-jerk sa crush kong taga-Dunggot. Masarap tumambay sa may dagat, fresh ang hangin (maliban na lang sa amoy tae ng kalabaw minsan), maganda ang sunset, maganda ang crush ko. Nagpapalipad din kami nun ng saranggola at naglalaro ng habulan. Oo, isip bata pa ako nun kaya siguro di ako pinansin ng crush ko. Bitch.
Subalit mas maganda ang baybaying dagat sa may baryo, simula sa Punta hanggang Bagumbong. Mas malinis para sa akin, buhangin pa ang ilalim. Natatandaan ko pa nun na nangunguha kami ng tulya habang naliligo sa Pagkalinawan. Pag-uwi, namumula ang mga mata, kulubot at sugat-sugat ang mga daliri pero may ulam namang tulya.
O e ano naman ngayon? Anong konek ng istorya ko?
Well, ayon sa report ng LLDA, malapit ng mamatay ang dagat natin.
LAGUNA de bay dying. Fishkills, growing number of dengue cases, illegal reclamation of shoreland areas, forest denudation, siltation, heap of dumps, heavy metal traces of fish are the contributors to the current state of the Laguna de Bay.
Facing the big task to somewhat revive a once pristine lake, Laguna Lake Development Authority General Manager Edgardo C. Manda formed a coalition to “rescue” the large body of water and create a pivot point to end disregard to the environment.
Dumaan kanina sa bayan natin ang tinatayang 1,000 cyclists from different cycling associations from key cities of Metro Manila, Bulacan, Bataan, Rizal and Laguna. Parte sila ng "Save The Laguna Lake Bike Caravan". Nagsimula ang caravan kahapon sa Taguig, umikot sa mga bayan sa Laguna at kanina nga, dumaan sa Jalajala ang mga cyclists papuntang Taytay, ang huling hinto ng caravan.Sana nga lang, ang programang ito na sagipin ang lawa natin ay hindi maging isang ningas-cogon.
Ay eto pa, naalala ko. Mahilig nga pala kaming maghulog ng barya sa jukebox sa may pantalan. Ang kantang lagi naming pinapakinggan, "tears on my pillow, pain in my heart, caused ba youuuuu huhuhu..."
Syempre, dedicated sa chikabaes from Talim Island na nakilala namin. Sa pantalan namin sila huling nakita, isang hapong papalubog na ang araw.
Wednesday, April 16, 2008
"itlog" ni rosemarie sa jalajala
Ang pelikulang “Itlog” ay tungkol sa isang babaeng napilitang magpakasal sa isang mas mayamang matandang lalaki (na ginampanan ni Celso Ad Castillo) na nagmamay-ari ng isang duck farm sa Jalajala para mabayaran ang utang ng pamilya ng babae. Nakasama nila sa duck farm ang isang ex-con na binata na inampon ng matanda at dito napukaw ang damdamin ng dalaga para sa binata. Dumating din sa duck farm ang anak na lalaki ng matanda na gustong kuhanin ang kayamanan ng ama. Dito umikot ang istorya ng pelikula.
Ayon sa film review ng Catholic Initiative for Enlightened Movie Appreciation, ang pelikulang “Itlog” ay umikot sa temang KKK, kalaswaan, kasakiman at karahasan. Ganun pa man, nakilala sa pelikulang ito si Rosemarie Joy bilang hubad na bidang babae. Di nagtagal, nasundan pa ng ibang pelikulang may katulad na tema na kanyang pinagbidahan
Naging regular din siyang nakikita sa mga magazines at tinanghal pang isa sa mga pinakaseksing babae sa Asya.
Malamang ay kilala nyo na si Rosemarie Joy Garcia na mas kilala sa pangalang Diana Zubiri.
Anong kaugnayan ni Diana sa Jalajala?
Dati ko kasi siyang ex-gf na aking hiniwalayan dahil ayoko na sa kanya. True story. Peksman.
*download/view sample video clip of Itlog HERE (for adults only)
Monday, April 14, 2008
no kubeta (sa jalajala), an i-witness documentary
Kadalasan, masarap ang pakiramdam kapag nati-TV, kahit saglit lang makita ng mga kakilala mo ang iyong karakas sa TV, masaya ka na. Kahit pa nga ang bayan mo, kapag na-TV, masarap ang pakiramdam. Proud ba.
Maliban na lamang kung ang paksa ay
pasintabi po sa mga kumakain...
Ayon sa I-Witness documentary ni Sandra Aguinaldo, wala raw kubeta sa lugar na ito sa Jalajala. Hindi ko alam kung saan talaga sa bayan natin ang kuha sa dokyumentaryo, pero kung babasahin ang report na ito mula sa Inquirer.net at sa pinoypress.net tungkol sa dokyu ng I-Witness, tipo bang sinasabi nila na sa buong Jalajala, karamihan ay walang palikuran.
Ekskyus meeeeeeeeeeeeeee… like DUH! Wala raw comfort room sa town natin? Hindi kaya, meron po, no? Nakakahiya the report to my friends…
Hindi natin maikakaila na ilan nga sa mga kababayan natin ay wala talagang kubeta. Pero para isipin na karamihan ay walang C.R., hindi naman ata tama yun. Madali kasing paniwalaan iyon ng mga taong hindi pa nakakapunta sa bayan natin, mas lalo na yung di pa naririnig ang lugar natin. Iisipin talaga nila na malayo tayo sa sibilisasyon.
Pero, subalit, datapwat, may mga katanungan tayong dapat itanong, at
Madaling sisihin ang pamahalaan natin, lokal man o nasyonal. Hindi nga ba’t tungkulin nilang pagandahin ang buhay ng kanyang mga nasasakupan? Lalo na iyong mga basic necessities
Pero para sa isang pangangailangan na kayang-kaya naman nating gawan ng paraan, bakit pa natin iaasa sa iba, bakit pa natin idudulog sa mayor? Hindi ba natin kayang gumawa ng sariling kubeta, kahit iyong hinukay lamang? Kahit naman walang toilet seat, basta may isang lugar lamang na tinutuwaran kapag nadudumi ay ayos na.
Sa akin lang naman, hindi dahilan ang kahirapan para sabihing sa bukid na lang tatae, sa damuhan, sa gubat, o
Tuesday, April 1, 2008
gagawing subdivision ang jj?
Mainit na balita at mahalaga para sa iyo.
Simula ngayong April 1, magdadatingan na ang mga naglalakihang trak at buldozer sa may Brgy. Bayugo at sisimulan na ang pagtatayo ng isang malaking subdivision na sasakop sa kalahati ng Bayugo hanggang parte ng Gitnang Bayan.
Napag-alaman ko sa isang very reliable source na naibenta na ng mga de Borja, na sinasabing nagmamay-ari ng Jalajala, ang parteng ito ng lupa sa isang grupo ng Fil-Chinese businessmen at Taiwanese investors. Mapapaalis sa kanilang tinitirahang lupa ang mga taga Jalajala na maaapektuhan.
Sinubukang pigilan ang proyektong ito ng lokal na pamahalaan ng Jalajala subalit wala silang nagawa ng ipagpatibay ang proyekto ng Korte Suprema.
Sa iba pang mahahalagang balita.
April 1 today na mas kilala sa buong mundo bilang April Fool’s Day kung kailan sinasabing wag kayong maniniwala sa mga bali-balita lalo na kung hindi kapani-paniwala. Ang mga naniwala sa mga gawa-gawang balitang ganun ay sinasabing April Fools.
Pero alam nyo ba na sa kalendaryo ni Chuck Norris, pakatapos ng March 31 ay April 2 kaagad? That’s right. Because nobody can fool Chuck Norris.
Corny.
Friday, March 28, 2008
patawad sa holy weeks

Pre, nakauwi ka ba ng Jalajala nung Mahal na Araw?
Oo nga e, bitin nga yung holiday. Dapat two weeks ang Holy Week, dagdagan natin ng “s”. Sarap din kasi sa Jalajala, laid back, recharged ka talaga. Lalo na nung mga bata pa tayo, di ba? Kapag Mahal na Araw na, ibig sabihin, simula na ng summer vacation. Mag-uuwian na rin sa bayan yung mga magagandang taga Maynila, rawrrrr… Dumadami ang tao sa Jalajala, tas hanggang Fiesta na sila sa atin. Aakyat pa nga tayo ng Santong Lugar nuon para makasilay, tas pag-uwi, pahinga lang ng saglit ta basketball naman maghapon. Pagdating ng gabi, prusisyon naman para makasilay ulit. Nitong huling Holy Week, dami pa ding chikababes, di ko na nga lang mga kilala. New generations hehehe…
Pero natatandaan ko nun, may mga bagay akong ayaw tuwing Holy Week. Di ba bakasyon yun, madami kang nakakasama kaso KJ ang mga oldies. Bawal daw magsaya, bawal maingay. Patay daw ang Diyos. Dapat daw magluksa. My golly, inang, panahon pa ni kopong kopong yung kaugalian nyong yun. Pero sympre, sila ang nasusunod. Yung bawal maligo sa Holy Friday, ayos lang yun. N/A. Not applicable sa akin hehehe
Isipin mo din pre, kahit ngayong malalaki na tayo, masasabi mo bang sinisiryoso mo ang tunay na essence ng Holy Week? Na namatay si Jesus para masagip tayo, para mapatawad tayo sa mga kasalanan natin, para magpatawad tayo sa mga nagkasala sa atin, tulad ng pagpapatawad sa ating mga pagkakasala sa iba. Siguro kapag nagsisimba lang, maiisip natin yun pero the whole holiday vacation?
Ang masarap din, yung ipapako din natin sa krus yung mga taong nagkasala sa atin hehehe Nine-inch-nail sa mga kamay at paa nila. May mga tao kasing nagkasala sa atin na mahirap patawarin, mahirap sabihin na pinapatawad na kita at kalimutan na natin.
“Hindi pwede, eto ang pako sa yo. Tanga ka kasi eh, alam mo ng
Okay
Maipapako mo ba sa krus ang mga taong may kasalanan sa iyo kung ikaw mismo ay nakapako din sa krus at nagdurugo ang mga kamay?
Oo nga, mas mainam na nga yung “I’m sorry” at “I forgive you”.
“He who has no stone cast the first sin.”
Errrrr… parang baligtad ata.
