Wednesday, November 7, 2007

smps ulit



Napadaan ako sa St. Michael Parochial School kahapon ng hapon nung uwian na ng mga istudyante. Ang sasaya nila habang pauwi, parang excited na excited at uwian na. May mga naghihilahan pa na sa aking pakiwari ay pinipilit sumama yung isang batang babae, na wag munang umuwi at sumama muna sa kung saan. Yung isa binatilyo naman, parang nahihiya habang kinakausap yung isang babae. Crush nya siguro at nagkakandautal-utal sa pagsasalita. Iniiwasan pang pumiyok.

Parang kami nuong sa St. Michael pa kami nag-aaral. Parang kami pero sa isang banda, hindi rin at malaki na rin ang pinagbago, ng school at ng mga nag-aaral duon. Ganuon naman ata ang buhay, maraming pagbabago pero may mga maliliit na bagay na hindi na mawawala sa atin.

Parang ang mismong school. Marami ng nabago sa loob, bago na ang pintura pero ang pinakang-istraktura niya ay yun pa din. Ang mataas na kisame, ang mga classrooms, ang hagdan, ang mga pader na naging saksi sa buhay-istudyante ng mga nag-aral dun. Ang pader na pinagsulatan ng mga pangalan ng mga crush, belok love (put name here), ng mga sagot sa exam na parang tunay na maliliit na hieroglyphics para di mabuking ng teacher. Ilang pahid man ng pintura ang itapal sa pader na ito, hindi nito mabubura ang mga kasaysayang kanyang nasaksihan. Sabi nga, if only walls can talk, marami na siyang maikukwento sa atin.

Sa mga mag-aaral ng SMPS, nag-iba man ang mga ito, iisa pa rin naman ang mga katangiang ating makikita duon. Ang mga makukulit at pasaway nating mga ka-batch, panigurado ay may katapat din sila sa mga bagong batch. Ang mga crush ng school natin, meron din sila. Kung meron tayong mga kaklase na anak ni Rizal, meron din sila, baka nga mas matatalino pa. Nagkakaiba na lang siguro yan sa perception, kung aling batch ang pinakamasaya, pinakamakulit, pinakamadami ang mga gwaping at chikababes, kung aling batch ang pinaka-successful. Dahil para sa akin, batch naming ang pinakamakulit at pinaka-cute hehehe walang aangal.

Nawala man si Mrs. Medina, nawala man ang mga teachers natin duon, may mga kapalit naman sila ngayon. Meron pa ding mga terror teachers sa SMPS, meron pa ding mga teachers na magaganda, meron pa ding magagaling na teachers at mga teachers na parang napadaan lang at nabigyan na ng trabaho duon. Hindi naman mawawala yan. Kaya nga sabi ko nuon, marami ang nakaka-relate sa kantang High School Life dahil magkakaiba man ang pangalan ng school, ng mga tao, ng lugar, ang buhay ng high school ay iisa lang.

“…every memory kayganda”, di ba?

7 comments:

Anonymous said...

nakakaiyak ang 4th year graduation kasi madami kang mami miss sa high skul life.

unfortunately sa batch ko eh hindi ganyan, mga naka ngisi pa nga habang kumanta ng graduation song, prang wla lang ehehe

paolo said...

aladybug, ibig mong sabihin mas ok ang batch ny kasi astig? :P

wala, mas ok batch namin hehe

Anonymous said...

Basta ang alam ko nun graduation day namin. Deadmahan sa kaklase.. feeling nga ata namin kming magkakaibigan lang gumaradweyt. the best part is yun.. gabi ng graduation.. andun kmi sa bandang dunggot.. ktapat ng bahay nila noli. Di ko sure ano gngawa ng barkada sa likod bahay.. na-istorbo tuloy yun mga alagang manok ni ate sayo. Basta ang alam ko prang di kmi magkakilala nun mga oras na yun, (busy eh.) hahahha..

Anonymous said...

buti n lang wala amats c Noli nun baka tayo naman ang mabulabog nya :P

DJ'MERF

Anonymous said...

i shouldn't gone to our prom night, it was soo boring.. my parent made me wear this brown flowery hawain shirt and my one size too small leather shoe was killing me uugh..
the moral of the story is.. never let your dad buy or pick you the shoes and shirt you will wear, feels like im in the 70's back then.. so you kids now you know, i've learn it the hard way huhuhu

Anonymous said...

oo masarap alalahanin maga nakaraan sa SMPS...kamusta na nga pla sa mga batch 91 lalo n sa bakal boys mejo kulang na dahil yumao na 2 huhuhuhuhu.... di sila matigastulad ng bakal,, rambulin lang letra ayun sila mahilig hiihihihihihih... peace !!!!!

paolo said...

uhhh sino sino ga itong mga bakal boys na ire?