Ito lang ang masasabi ko : "bidyo to, bidyo, bidyo"
Kung hindi mo alam kung saan sa Jalajala ang lugar na ito, malamang ay hindi ka talaga taga-Jalajala o kaya ay hindi mo pa nalilibot ang buong bayan. Baka nga isipin mo na hindi talaga sa Jalajala ang kuha sa video. Do yourselves a favor and go find this place before progress destroy this enchanting hidden paradise.
Bata pa ako nung huli akong makarating sa parteng ito ng Jalajala. May lupa sa bundok ang tiyo ko malapit dito at tuwing Linggo ng umaga, sumasama ako sa kanya pag-akyat sa bundok. Natatandaan ko pa, may isang puno ng balete sa bundok ng tiyo ko na gusto niyang maalis. Pinapaputol nya ito sa kanyang katiwala duon subalit tumanggi iyon dahil may ispirito daw na nakatira sa puno. Dahil hindi naniniwala ang tiyo ko dun, pinaputol padin niya ang puno.
Ilang taon ang lumipas, namatay sa cancer ang tiyo ko. Kalahati ng kanyang mukha ay nasira dahil sa sakit. Sinasabi ng mga matatanda na ang ispirito daw sa puno ang may kagagawan niyon.
Totoo man iyon o hindi, ang mahalaga ay binabasa mo ang sinusulat ko (nyuk-nyuk-nyuk)...
3 comments:
sa ilalim ng maliit na waterfalls na yan ako kinagat ng linta...buset!
but it was/is a beautiful semi-secret place.
sa sipsipin ito, kapag binaybay ang ilog e makkrating k s susong dalaga, am i ryt?
chismoso
sa bayan ito, malapit sa kubo nila ka denong na mag-uuling.
Post a Comment