Pre, nakauwi ka ba ng Jalajala nung Mahal na Araw?
Oo nga e, bitin nga yung holiday. Dapat two weeks ang Holy Week, dagdagan natin ng “s”. Sarap din kasi sa Jalajala, laid back, recharged ka talaga. Lalo na nung mga bata pa tayo, di ba? Kapag Mahal na Araw na, ibig sabihin, simula na ng summer vacation. Mag-uuwian na rin sa bayan yung mga magagandang taga Maynila, rawrrrr… Dumadami ang tao sa Jalajala, tas hanggang Fiesta na sila sa atin. Aakyat pa nga tayo ng Santong Lugar nuon para makasilay, tas pag-uwi, pahinga lang ng saglit ta basketball naman maghapon. Pagdating ng gabi, prusisyon naman para makasilay ulit. Nitong huling Holy Week, dami pa ding chikababes, di ko na nga lang mga kilala. New generations hehehe…
Pero natatandaan ko nun, may mga bagay akong ayaw tuwing Holy Week. Di ba bakasyon yun, madami kang nakakasama kaso KJ ang mga oldies. Bawal daw magsaya, bawal maingay. Patay daw ang Diyos. Dapat daw magluksa. My golly, inang, panahon pa ni kopong kopong yung kaugalian nyong yun. Pero sympre, sila ang nasusunod. Yung bawal maligo sa Holy Friday, ayos lang yun. N/A. Not applicable sa akin hehehe
Isipin mo din pre, kahit ngayong malalaki na tayo, masasabi mo bang sinisiryoso mo ang tunay na essence ng Holy Week? Na namatay si Jesus para masagip tayo, para mapatawad tayo sa mga kasalanan natin, para magpatawad tayo sa mga nagkasala sa atin, tulad ng pagpapatawad sa ating mga pagkakasala sa iba. Siguro kapag nagsisimba lang, maiisip natin yun pero the whole holiday vacation?
Ang masarap din, yung ipapako din natin sa krus yung mga taong nagkasala sa atin hehehe Nine-inch-nail sa mga kamay at paa nila. May mga tao kasing nagkasala sa atin na mahirap patawarin, mahirap sabihin na pinapatawad na kita at kalimutan na natin.
“Hindi pwede, eto ang pako sa yo. Tanga ka kasi eh, alam mo ng
Okay
Maipapako mo ba sa krus ang mga taong may kasalanan sa iyo kung ikaw mismo ay nakapako din sa krus at nagdurugo ang mga kamay?
Oo nga, mas mainam na nga yung “I’m sorry” at “I forgive you”.
“He who has no stone cast the first sin.”
Errrrr… parang baligtad ata.
2 comments:
mahirap daw makalimot. sabi nga one might forgive but one dont easily forget.
unfortunately, karamihan sa ngayon ay nakakalimot na sa tradisyon. para sa kanila, isa itong makalumang kaugalian. but these old traditions define who we, filipinos, are. hindi lang taga jalajala. samahan man natin ng makabagong paraan, sana wag mawala ang mga tradisyon na galing pa sa ating mga ninuno.
on a different note, i like the easter egg hunt aside from the night date after a basketball game. hehehe.
kung hindi nakakasama sa ibang tao, sa kalusugan at sa kapaligiran ang mga tradisyong ito, dapat nga eh wag mawala.
Post a Comment