Thursday, March 13, 2008

francisco gellido, world boxing champion

June 18, 1923, Polo Grounds in New York. Sa harap ng 20,000 boxing fans, kalaban ni Filipino boxer Francisco Gellido ang isang dating kampyon na nagngangalang Jimmy Wilde para sa bakanteng World Flyweight Championship. Isang baguhang boksingero laban sa isang dating kampyon. Mainit ang laban ng dalawang boksingero. Fourth round, napabagsak ni Gellido si Wilde pero matibay ang dating kampyon at muli itong nakatayo. Pagdating ng round 5, muling bumagsak si Wilde pero hindi pa dun nagtapos ang laban. Round 7, habang isinisigaw ng mga tagahanga ang kanyang pangalan, isang kanang suntok ang binitawan ni Gellido sa katunggali na dumapo sa panga nito. Mula round 1, iba’t ibang suntok ang natikman ni Wilde mula kay Gellido subalit sa tagpong iyon sa round 7, busog na sa suntok ang dating kampyon. Goodnight Wilde, sweet dreams. Itinanghal na world flyweight champion si Francisco Gellido at hindi na nito binitawan ang korona hanggang sa kanyang kamatayan. Hindi na rin muling nakapag-boksing si Wilde.

Taong 1994, nakasama sa International Boxing Hall of Fame si Francisco, kasama ang isa pang sikat na Filipino boxer, si Flash Elorde. October of 1961, napunta ang pangalan ni Francisco sa Boxing Hall of Fame ng Ring Magazine.

Ipinanganak si Francisco sa Pilipinas nuong August 1, 1901 sa mag-asawang Rafael at Augustine Gellido. Apat silang magkakapatid. Subalit hindi naging maganda ang kanilang buhay pamilya at naghiwalay ang mag-asawa. Napunta ng Amerika si Rafael at naiwan si Francisco sa pangangalaga ng kanyang ina. Tumulong sa pamilya ang batang Francisco at nung 11 years old na ito, may naging kaibigan siyang isang boksingero at dito nagsimula ang kanyang buhay gamit ang kamao. Nagpunta ng Maynila ang magkaibigan at taong 1919, unang lumaban sa kanyang first professional fight si Francisco. Pagkalipas ng dalawang taon, isa na siyang Philippine Flyweight Champion. Nakilala siya ng isang Amerikanong boxing promoter na nagngangalang Frank Churchill at naging manager ang isang nagngangalang Paquito Villa.

May 1922, nakatanggap ng imbitasyon si Francisco para lumaban sa Amerika. Pagkalipas ng isang buwan, lumaban sa kanyang unang American fight si Gellido at tinalo nya si Abe Attel Goldstein. Nanalo pa siya sa mga sumunod niyang laban at madali siyang nakilala ng mga taong mahilig sa boxing. September 15 1922, kalaban ni Gellido ang American flyweight champion na si Johnny Buff. Pagdating ng round 11, naghihilik na si Buff sa canvas ring habang itinatanghal na kampyon ang batang boksingerong galing Pilipinas.

Samantala, nagtatrabaho naman sa New Jersey si Rafael Gellido. Isang araw, may ipinakitang larawan ang isa nitong katrabaho. Larawan iyon ng boxing champion na si Francisco. Pagkakita ni Rafael, laking gulat nya ng makita niyang kamukhang-kamukha nya ang kampyon. Pinuntahan ni Rafael ang boksingero.

“Your madre- was she name Augustine?” tanong ni Rafael sa sikat na boksingero.

“Si.” sagot naman nito.

“Then look good at me. I am Rafael- your Poppa!”

Biglang sinuntok ng boksingero ang tatay nya dahil iniwan sila nito. Patay ang matanda….

(Joke! Hehehe) Ang totoong nangyari, binigyan ni Francisco ng $500 ang kanyang ama at sinabihang mag-resign na sa trabaho. Marami pang laban ang ipinanalo ni Gellido at pinagbunyi siya ng kanyang mga kababayan nang magbalik sya sa Pilipinas.

July 14, 1925, namatay sa Amerika si Francisco dahil sa tooth infection. Ibinalik ang kanyang labi sa Pilipinas makaraan ng isang buwan at inilibing sa Manila North Cemetery. He was 23 years old. Ang kanyang professional record ay 109 fights kung saan nanalo sya ng 98 na beses, 25 by way of knock-out.

Sino si Francisco Gellido? Mas kilala siya sa pangalang Pancho Villa, sinasabi ng ilan na pinakamagaling na Asian boxer of all time.

May kaugnayan ba siya sa mga Gellido sa Jalajala? Aba ewan, malay ko.


*source : Time Magazine

2 comments:

Anonymous said...

ilaban mo kaya sya kay pacquiao...sinong mananalo?

kokoonti lang ang gellido sa mundo...lalo na sa pilipinas...baka nga may kaugnayan.

malay natin...malay ko din.

paolo said...

sabi ni elat "well i ain't no stupid fighter, i go for flower power.." kaya malamang walang kaugnayan yun sa kanila hehehehe