Tuesday, April 1, 2008

gagawing subdivision ang jj?

Mainit na balita at mahalaga para sa iyo.

Simula ngayong April 1, magdadatingan na ang mga naglalakihang trak at buldozer sa may Brgy. Bayugo at sisimulan na ang pagtatayo ng isang malaking subdivision na sasakop sa kalahati ng Bayugo hanggang parte ng Gitnang Bayan.

Napag-alaman ko sa isang very reliable source na naibenta na ng mga de Borja, na sinasabing nagmamay-ari ng Jalajala, ang parteng ito ng lupa sa isang grupo ng Fil-Chinese businessmen at Taiwanese investors. Mapapaalis sa kanilang tinitirahang lupa ang mga taga Jalajala na maaapektuhan.

Sinubukang pigilan ang proyektong ito ng lokal na pamahalaan ng Jalajala subalit wala silang nagawa ng ipagpatibay ang proyekto ng Korte Suprema.

Sa iba pang mahahalagang balita.

April 1 today na mas kilala sa buong mundo bilang April Fool’s Day kung kailan sinasabing wag kayong maniniwala sa mga bali-balita lalo na kung hindi kapani-paniwala. Ang mga naniwala sa mga gawa-gawang balitang ganun ay sinasabing April Fools.

Pero alam nyo ba na sa kalendaryo ni Chuck Norris, pakatapos ng March 31 ay April 2 kaagad? That’s right. Because nobody can fool Chuck Norris.

Corny.

3 comments:

Anonymous said...

Hi! Kamusta po? Tanong lang, anu-ano po ba ung inactive na volcano sa area ng Jala-Jala kung mayroon man? Tapos po, may faultline ba sa lugar na ito? Salamat po at mabuhay po kayo! (",)

paolo said...

niri-research ko pa :)

Anonymous said...

Sir, tanong ko lng kun my mga pinagbibiling lupa s jala jala. email ko po valeroso.jayr@gmail.com kung meron ka information email mo naman. slamat po