Monday, April 14, 2008

no kubeta (sa jalajala), an i-witness documentary

Kadalasan, masarap ang pakiramdam kapag nati-TV, kahit saglit lang makita ng mga kakilala mo ang iyong karakas sa TV, masaya ka na. Kahit pa nga ang bayan mo, kapag na-TV, masarap ang pakiramdam. Proud ba.

Maliban na lamang kung ang paksa ay gaya nito.




pasintabi po sa mga kumakain...

Ayon sa I-Witness documentary ni Sandra Aguinaldo, wala raw kubeta sa lugar na ito sa Jalajala. Hindi ko alam kung saan talaga sa bayan natin ang kuha sa dokyumentaryo, pero kung babasahin ang report na ito mula sa Inquirer.net at sa pinoypress.net tungkol sa dokyu ng I-Witness, tipo bang sinasabi nila na sa buong Jalajala, karamihan ay walang palikuran.

Ekskyus meeeeeeeeeeeeeee… like DUH! Wala raw comfort room sa town natin? Hindi kaya, meron po, no? Nakakahiya the report to my friends…

Hindi natin maikakaila na ilan nga sa mga kababayan natin ay wala talagang kubeta. Pero para isipin na karamihan ay walang C.R., hindi naman ata tama yun. Madali kasing paniwalaan iyon ng mga taong hindi pa nakakapunta sa bayan natin, mas lalo na yung di pa naririnig ang lugar natin. Iisipin talaga nila na malayo tayo sa sibilisasyon.

Pero, subalit, datapwat, may mga katanungan tayong dapat itanong, at sana ay masagot. Unang-una na ang sino ba ang mayor nyo? Sino ba ang mga dating mayor nyo at hanggang ngayon ay may mga lugar pa ding walang kubeta.

Madaling sisihin ang pamahalaan natin, lokal man o nasyonal. Hindi nga ba’t tungkulin nilang pagandahin ang buhay ng kanyang mga nasasakupan? Lalo na iyong mga basic necessities gaya ng malinis na inuming tubig, katahimikan, maayos na kapaligiran, at iyon na nga, palikuran para sa mga nangangailangan.

Pero para sa isang pangangailangan na kayang-kaya naman nating gawan ng paraan, bakit pa natin iaasa sa iba, bakit pa natin idudulog sa mayor? Hindi ba natin kayang gumawa ng sariling kubeta, kahit iyong hinukay lamang? Kahit naman walang toilet seat, basta may isang lugar lamang na tinutuwaran kapag nadudumi ay ayos na. Para lamang hindi nakakalat ang iyong sama ng loob na maaaring maapakan mo, kainin ng alaga mong aso, o kaya ay maamoy ng iyong kapitbahay. Sabi ng katabi ko, mainam na rin daw iyon dahil pataba sa lupa ang ebs ng tao. Ewwwww… kahit pa. Kakainin mo ba ang pechay na pinataba ng tae ko?

Sa akin lang naman, hindi dahilan ang kahirapan para sabihing sa bukid na lang tatae, sa damuhan, sa gubat, o gaya nung napanood natin sa dokyu, sa tabi ng isang poste.


5 comments:

Anonymous said...

sa bukid walang papel, ikiskis mo s pilapil (hoy excuse me dala dala naman tabo no!)

nkktawa naman i2, interview p after jumebaks, "ano pakiramdam nyo sir" haha

TIRADOR NG KANIN LAMIG

paolo said...

nawala daw ang sama ng kanyang loob... o sama na nasa loob ng tiyan hehe

Anonymous said...

its good to know na well known na ang jj kya lang di maganda ung topic,anyway lets accept the fact na meron pa rin wla mga toilet sa mga baryo ng jj,but i think its no big deal to show it to the world my god,its so nakakhiya,i think from the scene that i saw maybe its from punta or along that way papuntang lubo ung lugar,no offensement sa mga taga punta dahil ako mismo ay taga dun,pero may c.r kmi no?sa mga kabbaryo ko kung wla pa pls you make ur own kubeta,kung di talaga kya sige magdonate ako ng toilet bowl promise..

Anonymous said...

di ba taga punta ang mayor nyo? wala ba siyang pakialam sa mga kabaryo nya o wala siyang alam?

paolo said...

dan levy, gaya nga ng sabi ko at ni anonymous dito, pede naman mag"make your own kubeta". besides, di naman lahat ng bagay ay dapat iaasa sa nanunungkulan. ask not what your country can do for you, but ask what you can do for your country, sabi nga ng tiyo JFK ko.

anonymous, yep, nakakahiya nga ang reality. madali lang nman magkakubeta kung gugustuhin erp maganda yang idea mo na mag-donate sa mga nangangailangan. Yun nga lang, sana iniwan mo dito yun name mo hehe