Wednesday, April 16, 2008

"itlog" ni rosemarie sa jalajala

Unang nakilala si Rosemarie Joy Garcia sa isang pelikulang may pamagat na “Itlog” na kinuhanan sa Jalajala Rizal nuong 2002. Mag-aapply sana siyang entertainer sa Japan subalit namataan siya ng Seiko Films at kinuhang artista.

Ang pelikulang “Itlog” ay tungkol sa isang babaeng napilitang magpakasal sa isang mas mayamang matandang lalaki (na ginampanan ni Celso Ad Castillo) na nagmamay-ari ng isang duck farm sa Jalajala para mabayaran ang utang ng pamilya ng babae. Nakasama nila sa duck farm ang isang ex-con na binata na inampon ng matanda at dito napukaw ang damdamin ng dalaga para sa binata. Dumating din sa duck farm ang anak na lalaki ng matanda na gustong kuhanin ang kayamanan ng ama. Dito umikot ang istorya ng pelikula.

Ayon sa film review ng Catholic Initiative for Enlightened Movie Appreciation, ang pelikulang “Itlog” ay umikot sa temang KKK, kalaswaan, kasakiman at karahasan. Ganun pa man, nakilala sa pelikulang ito si Rosemarie Joy bilang hubad na bidang babae. Di nagtagal, nasundan pa ng ibang pelikulang may katulad na tema na kanyang pinagbidahan gaya ng “Bakat”, “Kasiping” at iba pa. Mas naging sikat pa si Rosemarie Joy ng makuha siyang talent ng GMA-7 Network kung saan lumabas siya sa Bubble Gang, Engkantadia, at nasundan pa ng iba pang sikat na shows.

Naging regular din siyang nakikita sa mga magazines at tinanghal pang isa sa mga pinakaseksing babae sa Asya.

Malamang ay kilala nyo na si Rosemarie Joy Garcia na mas kilala sa pangalang Diana Zubiri.

Anong kaugnayan ni Diana sa Jalajala?

Dati ko kasi siyang ex-gf na aking hiniwalayan dahil ayoko na sa kanya. True story. Peksman.



*download/view sample video clip of Itlog HERE (for adults only)

6 comments:

Anonymous said...

weehh?!? di nga?! iklog mo! hhehehhe :P

paolo said...

hindi nga nyuk nyuk nyuk

Anonymous said...

ang tanong:

sino from the Catholic Initiative for Enlightened Movie Appreciation ang nanood ng movie na ito? since panay pari, madre, masgr., reverend and "morally righteous" ang members?

did they finish watching the whole movie? kayo ha!?!

Anonymous said...

ANNGG KAAPAALLL!! darnit,mapatagalog tuloy ako...

paolo said...

reyna, malamang pinanood nila ng buo. and after watching the film, kapag may naramdaman silang kakaiba in certain parts of their bodies, tsaka nila ira-rate na hindi dapat panoorin ng kanilang flock. uhhhh... errr---

someone, yeah, ang kapal nya para maghabol pa din hanggang ngayon. ekskyus me...

Anonymous said...

kala ko totoo