Sunday, April 27, 2008

memories of a lake

Sa dagat ako natutong lumangoy, sa Laguna de Bay in particular. Natatandaan ko pa, nasa isang fish pond kami nun sa laot. Hindi pa ako marunong lumangoy nun at kumakapit lang ako sa mga kawayan. One time, paglipat ko from one kawayan to another, di ko natantya ang layo. Kapos ang pagtulak ko sa sarili. Hindi ko aabutin ang tinatarget kong kawayan destination.

Biglang flashback sa akin ang itsura ng mga taong nalulunod. Yung bloated sila, kulay green at parang kinain na ng mga isda. Yucky, ayaw kong maging ganun kung malulunod ako. Biggest fear ko pa naman ang malunod. Sa tingin ko nga, in my past life, sa Titanic ako namatay at nalunod. Jack... Rose... (errrr-- let's save that for another story).

Ayun nga, hindi ko aabutin ang kawayan. Malulunod ata ako. Survival instinct, ginalaw ko ang mga kamay ko, pinadyak ang mga paa. Lumalangoy ako! I'm swimming! I'm swimming! Ganun lang pala. From that day on, pwede na akong sumagip ng isang magandang chikas na nalulunod dahil marunong na akong lumangoy. Mouth-to-mouth resucitation na lang pag-aaralan ko pero madali na yun, marunong naman akong kumiss (uhmmm-- tanga, iba yun.) (e basta, wag ka makialam, ako nagsusulat) (teka, sino ba kausap ko?)...

Natatandaan ko din nun, lagi kami sa pantalan at sa baybaying dagat nung bata pa ako. Syempre, jume-jerk sa crush kong taga-Dunggot. Masarap tumambay sa may dagat, fresh ang hangin (maliban na lang sa amoy tae ng kalabaw minsan), maganda ang sunset, maganda ang crush ko. Nagpapalipad din kami nun ng saranggola at naglalaro ng habulan. Oo, isip bata pa ako nun kaya siguro di ako pinansin ng crush ko. Bitch.

Subalit mas maganda ang baybaying dagat sa may baryo, simula sa Punta hanggang Bagumbong. Mas malinis para sa akin, buhangin pa ang ilalim. Natatandaan ko pa nun na nangunguha kami ng tulya habang naliligo sa Pagkalinawan. Pag-uwi, namumula ang mga mata, kulubot at sugat-sugat ang mga daliri pero may ulam namang tulya.

O e ano naman ngayon? Anong konek ng istorya ko?

Well, ayon sa report ng LLDA, malapit ng mamatay ang dagat natin.

LAGUNA de bay dying. Fishkills, growing number of dengue cases, illegal reclamation of shoreland areas, forest denudation, siltation, heap of dumps, heavy metal traces of fish are the contributors to the current state of the Laguna de Bay.

Facing the big task to somewhat revive a once pristine lake, Laguna Lake Development Authority General Manager Edgardo C. Manda formed a coalition to “rescue” the large body of water and create a pivot point to end disregard to the environment.

Darating ang panahon na ang kinuwento ko sa inyo ay hindi na mararanasan ng mga susunod na henerasyon (that is, kung interesado pa rin silang gawin ang mga kinuwento ko. Wala kasing Friendster sa dagat hehe).


Dumaan kanina sa bayan natin ang tinatayang 1,000 cyclists from different cycling associations from key cities of Metro Manila, Bulacan, Bataan, Rizal and Laguna. Parte sila ng "Save The Laguna Lake Bike Caravan". Nagsimula ang caravan kahapon sa Taguig, umikot sa mga bayan sa Laguna at kanina nga, dumaan sa Jalajala ang mga cyclists papuntang Taytay, ang huling hinto ng caravan.

Sana nga lang, ang programang ito na sagipin ang lawa natin ay hindi maging isang ningas-cogon.

Ay eto pa, naalala ko. Mahilig nga pala kaming maghulog ng barya sa jukebox sa may pantalan. Ang kantang lagi naming pinapakinggan, "tears on my pillow, pain in my heart, caused ba youuuuu huhuhu..."

Syempre, dedicated sa chikabaes from Talim Island na nakilala namin. Sa pantalan namin sila huling nakita, isang hapong papalubog na ang araw.

No comments: