Wednesday, February 18, 2009

ang bagong mukha


ITO NA ang bagong mukha ng bayan natin. Kupo, bangganda aba, walanting.

Kung ikaw ay manggagaling sa Maynila, ito ang bubungad sa iyo bago pumasok ng bayan, ang bagong munisipyo ng Jalajala, Rizal (pero hindi pa naman lumilipat ang mga opisina dito, malapit na, kaya Kuya Francis, wag kang atat hehe). Ito ang simbolo ng sinasabi nilang pagbabago at simula ng pag-unlad. Malapit ito sa Ynares Provincial Hospital na patuloy na isinasaayos para sa mga nangangailangan ng pagkalinga. At kasalukuyan ng ginagawa ang public highschool ng Jalajala. May plano na rin sa gagawing isang "recreational park" na handog ng bansang France sa atin, "merci, monsieur".

Kung ano man ang paniniwala mo at "political affiliation", hindi mo maikakailang ang bagong munisipyong ito ay dapat nating ipagmalaki. Natatandaan ko kasi dati nung makita ng mga kaibigan kong taga-Pasig ang lumang munisipyo, natatawa lang sila dahil mas malaki pa daw ang barangay hall sa Pasig. "Bwiset, monsieur".

Ngunit, subalit, datapwat, anong gagawin dito sa lumang munisipyo?



Sana naman ay wag pabayaan ang lumang munisipyo, gaya ng nangyari sa lumang munisipyo ng Pililla. Marami na kasing istoryang naganap sa munisipyo gaya na nga nung naikwento sa atin nuon ni Criselda Catyaliss. Isa pa, marami na rin akong di malilimutang personal experiences sa lugar na iyon, gaya ng pagpapa-cute sa mga crush, panonood ng sayawan, amateur at liga.

Dapat lang na mabuhay tayo sa "ngayon", harapin ang "kinabukasan" subalit wag kalilimutan ang "nakaraan". Dahil sabi nga nila, "ang di lumingon sa pinanggalingan..."

...malalim kung matinik

...ay walang nilaga

...may stiffneck

...sa simbahan pa din ang tuloy

...ay kukuhanin sa santong paspasan

Tuesday, February 17, 2009

"five questions" with alexis perez gutierrez

"May isang ilog kang nakita, tipikal na ilog, mukhang masarap lumangoy sa kanyang mapang-anyayang tubig. Nilubog mo ang isa mong paa, napaibig ka na agad sa kanya. Subalit sa iyong paglusong, muntik ka ng malunod dahil ito pala ay malalim, malalim para sa isang tipikal na ilog."

SI ALEXIS ay katulad ng ilog na ito. Sa una mo siyang makikilala, isa siyang tipikal na teenager; mahilig sa music, mmadaming kaibigan, mahilig sa internet at sa DOTA online game. Madaling mapapaibig sa kanya ang isang nilalang, subalit hanggang nakikilala mo siya ng mabuti, habang lumulubog ang paa mo sa kanyang mundo, malalalaman mong isa siyang malalim na tao. Madaming nalalaman at iniisip, iba ang pananaw sa mundo at sa kanyang paligid.

Five Questions:

1) anong gusto at ayaw mo sa jalajala?
gusto ko sa jalajala? Virgin pa kahit papano. >:) i mean, andun pa din yung ganda ng nature. :)

2) ano ang most memorable experience mo na nangyari sa jalajala?
lahat. kasi sa jalajala ako lumaki. lahat ng nangyari saken dun mahalaga, maganda man o hindi.

3) papano mo ide-describe ang sarili mo?
ako? simple. walang masyadong espesyal sa pagkatao ko. haha.

4) anong ugali mo ang sa palagay mo ay hindi alam ng karamihan sa nakakakilala sa iyo?
sobrang lambing. hahaha.

5) kung papipiliin ka ng isa lang, ano gusto mo, yumaman o sumikat?
sumikat syempre. :)


Si Alexis ay isang taga Jalajala na ipinanganak nuong May 25, 1989 at karaniwang nag-aaral sa FEU East Asia College.

Languyin ang kanyang mundo, click ka sa kalokohan nya dito:

Sunday, February 15, 2009

dapit-hapon sa jalajala

MAGANDA ANG bayan natin, lalo na kung alam mo kung saan ka pupwesto para sa isang kamangha-manghang tanawin. Itong kuhang ito, alam nyo ba kung saang lugar sa bayan? Sirit?

Nitong nakaraang linggo, sinamahan ako ng isang taga SMPS sa lugar na ito. Una kaming nagpunta sa may pantalan sa J.P. Rizal St. sa gitnang bayan. Maganda sa lugar na iyon at naghintay kami ng papalapit na takip-silim. Subalit iminungkahi ng kasama ko na mas maganda nga daw sa lugar na ito dahil may mga bangka pang makukuhanan. Dali-dali kaming naglakad papunta sa lugar na ito at tama nga siya, maganda nga ang lugar, medyo tago kaya marahil ay maraming di nakakaalam sa tambayang ito.

Simula ng nahilig ako sa photography, nag-iba na ang paraan ng pagtingin ko sa mundo at sa paligid. Lagi kong hinahanap ang magandang parte ng kahit na anong bagay, tanawin at tao na maaari kong litratuhan. Dahil dito, mas lalo kong naisip na tunay ngang maganda ang bayan natin ng Jalajala, tunay na tagong paraiso ng Rizal.

Alam kong marami pang magagandang tanawin sa Jalajala, isa lamang ito. Balang araw, makukuhanan kong lahat iyon.

At kung nais nyong malaman kung saan ito, eh sorry na lang. Kailangang hanapin nyo mismo. Explore Jalajala, ika nga. Pero maggawa muna ng inyong mga assignments bago gumala.

Monday, February 2, 2009

adoration chapel blessing

GOOD NEWS!

May adoration chapel na ang bayan natin, na itinayo sa mismong tabi ng ating simbahan sa bayan. Kahapon, Feb. 1, ay naganap ang blessing ng adoration chapel ng Jalajala na pinangunahan ni Most Rev. Gabriel Reyes, obispo ng Dioses ng Antipolo. Siya din ang nagmisa, assisted by our parish priest, Rev. Father Noeh Elnar.

Para saan ang adoration chapel?

Sabi nga ni Bishop Reyes, maging si Hesus ay nagpupunta sa isang tahimik na lugar upang makapagdasal ng mataimtim. Ito ang pangunahing layunin ng adoration chapel, para may isang lugar tayong pwedeng puntahan upang makapagdasal. Ayon pa rin kay Bishop Reyes, pwede rin naman nating gawin ito sa loob ng ating tahanan, sa loob ng ating silid subalit para sa ilan sa ating nagnanais na magkaron pa rin ng isang lugar na tahimik, pwede tayong magpunta sa adoration chapel. Dito rin tayo makakahanap ng "inner peace and serenity", ayon kay Father Elnar.



Bagama't tapos na ang adoration chapel, unfortunately, ay hindi pa tapos ang pagbabayad sa mga materyales na ginamit dito, na pinapasalamatan naman ni Father Elnar sila Randy at Grace de Guzman na nagpautang muna ng mga materyales. Pinapasalamatan din niya ang mga pamilya at mga indibidwal na nagbigay ng tulong pinansyal na ginamit sa pagpapagawa. Isa na rito si Architect Jun delos Santos na nagbigay ng kanyang serbisyo ng libre, ang design at pamamahala sa pagpapagawa ng adoration chapel. malaki din ang naitulong ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ng ating alkalde, mayor Pillas at sa mga barangay captain at kanilang mga kasamahan.



Kaya kung nais nyong tumulong sa ating simbahan, makipag-ugnayan lang sa ating parokya.


***

Kasabay ng blessing ng adoration chapel ay ang blessing din ng bagong ambulansya ng Jalajala.


Tunghayan dito ang mga litrato : JJ FLICKR