Friday, March 28, 2008

patawad sa holy weeks


Pre, nakauwi ka ba ng Jalajala nung Mahal na Araw?

Oo nga e, bitin nga yung holiday. Dapat two weeks ang Holy Week, dagdagan natin ng “s”. Sarap din kasi sa Jalajala, laid back, recharged ka talaga. Lalo na nung mga bata pa tayo, di ba? Kapag Mahal na Araw na, ibig sabihin, simula na ng summer vacation. Mag-uuwian na rin sa bayan yung mga magagandang taga Maynila, rawrrrr… Dumadami ang tao sa Jalajala, tas hanggang Fiesta na sila sa atin. Aakyat pa nga tayo ng Santong Lugar nuon para makasilay, tas pag-uwi, pahinga lang ng saglit ta basketball naman maghapon. Pagdating ng gabi, prusisyon naman para makasilay ulit. Nitong huling Holy Week, dami pa ding chikababes, di ko na nga lang mga kilala. New generations hehehe…

Pero natatandaan ko nun, may mga bagay akong ayaw tuwing Holy Week. Di ba bakasyon yun, madami kang nakakasama kaso KJ ang mga oldies. Bawal daw magsaya, bawal maingay. Patay daw ang Diyos. Dapat daw magluksa. My golly, inang, panahon pa ni kopong kopong yung kaugalian nyong yun. Pero sympre, sila ang nasusunod. Yung bawal maligo sa Holy Friday, ayos lang yun. N/A. Not applicable sa akin hehehe

Isipin mo din pre, kahit ngayong malalaki na tayo, masasabi mo bang sinisiryoso mo ang tunay na essence ng Holy Week? Na namatay si Jesus para masagip tayo, para mapatawad tayo sa mga kasalanan natin, para magpatawad tayo sa mga nagkasala sa atin, tulad ng pagpapatawad sa ating mga pagkakasala sa iba. Siguro kapag nagsisimba lang, maiisip natin yun pero the whole holiday vacation? Aba eh. bakasyon lang talaga. Sarap eh.

Ang masarap din, yung ipapako din natin sa krus yung mga taong nagkasala sa atin hehehe Nine-inch-nail sa mga kamay at paa nila. May mga tao kasing nagkasala sa atin na mahirap patawarin, mahirap sabihin na pinapatawad na kita at kalimutan na natin.

“Hindi pwede, eto ang pako sa yo. Tanga ka kasi eh, alam mo ng mali ang ginawa mo, ginawa mo pa rin. Magdusa ka sa krus mo. Sasamahan ko pa ng koronang tinik, yaaaahhh!!!”

Okay sana yun no? Pero isipin mo din pre, wala ka din bang kasalanan sa iba? May mga taong mas matindi ang kasalanan sa iyo, oo, pero may mga nasaktan ka ding tao. At sa kanila, gaano man kaliit ang kasalanan mong iyon, nasaktan pa din sila at may hawak din silang pako na handang ibaon sa mga kamay at paa mo. Kahit pakong bakya.

Maipapako mo ba sa krus ang mga taong may kasalanan sa iyo kung ikaw mismo ay nakapako din sa krus at nagdurugo ang mga kamay?

Oo nga, mas mainam na nga yung “I’m sorry” at “I forgive you”.

“He who has no stone cast the first sin.”

Errrrr… parang baligtad ata.

Monday, March 17, 2008

taga jalajala sa youtube



"zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...."

Kuya Jeran, nakatulog.

shhhhhh...

Thursday, March 13, 2008

francisco gellido, world boxing champion

June 18, 1923, Polo Grounds in New York. Sa harap ng 20,000 boxing fans, kalaban ni Filipino boxer Francisco Gellido ang isang dating kampyon na nagngangalang Jimmy Wilde para sa bakanteng World Flyweight Championship. Isang baguhang boksingero laban sa isang dating kampyon. Mainit ang laban ng dalawang boksingero. Fourth round, napabagsak ni Gellido si Wilde pero matibay ang dating kampyon at muli itong nakatayo. Pagdating ng round 5, muling bumagsak si Wilde pero hindi pa dun nagtapos ang laban. Round 7, habang isinisigaw ng mga tagahanga ang kanyang pangalan, isang kanang suntok ang binitawan ni Gellido sa katunggali na dumapo sa panga nito. Mula round 1, iba’t ibang suntok ang natikman ni Wilde mula kay Gellido subalit sa tagpong iyon sa round 7, busog na sa suntok ang dating kampyon. Goodnight Wilde, sweet dreams. Itinanghal na world flyweight champion si Francisco Gellido at hindi na nito binitawan ang korona hanggang sa kanyang kamatayan. Hindi na rin muling nakapag-boksing si Wilde.

Taong 1994, nakasama sa International Boxing Hall of Fame si Francisco, kasama ang isa pang sikat na Filipino boxer, si Flash Elorde. October of 1961, napunta ang pangalan ni Francisco sa Boxing Hall of Fame ng Ring Magazine.

Ipinanganak si Francisco sa Pilipinas nuong August 1, 1901 sa mag-asawang Rafael at Augustine Gellido. Apat silang magkakapatid. Subalit hindi naging maganda ang kanilang buhay pamilya at naghiwalay ang mag-asawa. Napunta ng Amerika si Rafael at naiwan si Francisco sa pangangalaga ng kanyang ina. Tumulong sa pamilya ang batang Francisco at nung 11 years old na ito, may naging kaibigan siyang isang boksingero at dito nagsimula ang kanyang buhay gamit ang kamao. Nagpunta ng Maynila ang magkaibigan at taong 1919, unang lumaban sa kanyang first professional fight si Francisco. Pagkalipas ng dalawang taon, isa na siyang Philippine Flyweight Champion. Nakilala siya ng isang Amerikanong boxing promoter na nagngangalang Frank Churchill at naging manager ang isang nagngangalang Paquito Villa.

May 1922, nakatanggap ng imbitasyon si Francisco para lumaban sa Amerika. Pagkalipas ng isang buwan, lumaban sa kanyang unang American fight si Gellido at tinalo nya si Abe Attel Goldstein. Nanalo pa siya sa mga sumunod niyang laban at madali siyang nakilala ng mga taong mahilig sa boxing. September 15 1922, kalaban ni Gellido ang American flyweight champion na si Johnny Buff. Pagdating ng round 11, naghihilik na si Buff sa canvas ring habang itinatanghal na kampyon ang batang boksingerong galing Pilipinas.

Samantala, nagtatrabaho naman sa New Jersey si Rafael Gellido. Isang araw, may ipinakitang larawan ang isa nitong katrabaho. Larawan iyon ng boxing champion na si Francisco. Pagkakita ni Rafael, laking gulat nya ng makita niyang kamukhang-kamukha nya ang kampyon. Pinuntahan ni Rafael ang boksingero.

“Your madre- was she name Augustine?” tanong ni Rafael sa sikat na boksingero.

“Si.” sagot naman nito.

“Then look good at me. I am Rafael- your Poppa!”

Biglang sinuntok ng boksingero ang tatay nya dahil iniwan sila nito. Patay ang matanda….

(Joke! Hehehe) Ang totoong nangyari, binigyan ni Francisco ng $500 ang kanyang ama at sinabihang mag-resign na sa trabaho. Marami pang laban ang ipinanalo ni Gellido at pinagbunyi siya ng kanyang mga kababayan nang magbalik sya sa Pilipinas.

July 14, 1925, namatay sa Amerika si Francisco dahil sa tooth infection. Ibinalik ang kanyang labi sa Pilipinas makaraan ng isang buwan at inilibing sa Manila North Cemetery. He was 23 years old. Ang kanyang professional record ay 109 fights kung saan nanalo sya ng 98 na beses, 25 by way of knock-out.

Sino si Francisco Gellido? Mas kilala siya sa pangalang Pancho Villa, sinasabi ng ilan na pinakamagaling na Asian boxer of all time.

May kaugnayan ba siya sa mga Gellido sa Jalajala? Aba ewan, malay ko.


*source : Time Magazine

Tuesday, March 11, 2008

tagong paraiso



Ito lang ang masasabi ko : "bidyo to, bidyo, bidyo"

Kung hindi mo alam kung saan sa Jalajala ang lugar na ito, malamang ay hindi ka talaga taga-Jalajala o kaya ay hindi mo pa nalilibot ang buong bayan. Baka nga isipin mo na hindi talaga sa Jalajala ang kuha sa video. Do yourselves a favor and go find this place before progress destroy this enchanting hidden paradise.

Bata pa ako nung huli akong makarating sa parteng ito ng Jalajala. May lupa sa bundok ang tiyo ko malapit dito at tuwing Linggo ng umaga, sumasama ako sa kanya pag-akyat sa bundok. Natatandaan ko pa, may isang puno ng balete sa bundok ng tiyo ko na gusto niyang maalis. Pinapaputol nya ito sa kanyang katiwala duon subalit tumanggi iyon dahil may ispirito daw na nakatira sa puno. Dahil hindi naniniwala ang tiyo ko dun, pinaputol padin niya ang puno.


Ilang taon ang lumipas, namatay sa cancer ang tiyo ko. Kalahati ng kanyang mukha ay nasira dahil sa sakit. Sinasabi ng mga matatanda na ang ispirito daw sa puno ang may kagagawan niyon.

Totoo man iyon o hindi, ang mahalaga ay binabasa mo ang sinusulat ko (nyuk-nyuk-nyuk)...


Monday, March 10, 2008

"ken lee"

Patawa to start the depressing Monday... (tinalo pa ang knock-knock jokes ng pinoy hehe)
.

Saturday, March 8, 2008

"lunas" sa jalajala

"Lunas" a film by Peter Dizon shot last February in Jalajala, Rizal. Starring Ms. Gina Pareno and Bobby Andrews.




Photos courtesy of (and additional pictures) :

Bianxky

Teresa Barroso

Cornellskid

Friday, March 7, 2008

shine jesus shine

A special Sunday mass presentation of John Paul Integrated Montessory School of Jalajala.

Shine Jesus shine...