Sunday, April 27, 2008

memories of a lake

Sa dagat ako natutong lumangoy, sa Laguna de Bay in particular. Natatandaan ko pa, nasa isang fish pond kami nun sa laot. Hindi pa ako marunong lumangoy nun at kumakapit lang ako sa mga kawayan. One time, paglipat ko from one kawayan to another, di ko natantya ang layo. Kapos ang pagtulak ko sa sarili. Hindi ko aabutin ang tinatarget kong kawayan destination.

Biglang flashback sa akin ang itsura ng mga taong nalulunod. Yung bloated sila, kulay green at parang kinain na ng mga isda. Yucky, ayaw kong maging ganun kung malulunod ako. Biggest fear ko pa naman ang malunod. Sa tingin ko nga, in my past life, sa Titanic ako namatay at nalunod. Jack... Rose... (errrr-- let's save that for another story).

Ayun nga, hindi ko aabutin ang kawayan. Malulunod ata ako. Survival instinct, ginalaw ko ang mga kamay ko, pinadyak ang mga paa. Lumalangoy ako! I'm swimming! I'm swimming! Ganun lang pala. From that day on, pwede na akong sumagip ng isang magandang chikas na nalulunod dahil marunong na akong lumangoy. Mouth-to-mouth resucitation na lang pag-aaralan ko pero madali na yun, marunong naman akong kumiss (uhmmm-- tanga, iba yun.) (e basta, wag ka makialam, ako nagsusulat) (teka, sino ba kausap ko?)...

Natatandaan ko din nun, lagi kami sa pantalan at sa baybaying dagat nung bata pa ako. Syempre, jume-jerk sa crush kong taga-Dunggot. Masarap tumambay sa may dagat, fresh ang hangin (maliban na lang sa amoy tae ng kalabaw minsan), maganda ang sunset, maganda ang crush ko. Nagpapalipad din kami nun ng saranggola at naglalaro ng habulan. Oo, isip bata pa ako nun kaya siguro di ako pinansin ng crush ko. Bitch.

Subalit mas maganda ang baybaying dagat sa may baryo, simula sa Punta hanggang Bagumbong. Mas malinis para sa akin, buhangin pa ang ilalim. Natatandaan ko pa nun na nangunguha kami ng tulya habang naliligo sa Pagkalinawan. Pag-uwi, namumula ang mga mata, kulubot at sugat-sugat ang mga daliri pero may ulam namang tulya.

O e ano naman ngayon? Anong konek ng istorya ko?

Well, ayon sa report ng LLDA, malapit ng mamatay ang dagat natin.

LAGUNA de bay dying. Fishkills, growing number of dengue cases, illegal reclamation of shoreland areas, forest denudation, siltation, heap of dumps, heavy metal traces of fish are the contributors to the current state of the Laguna de Bay.

Facing the big task to somewhat revive a once pristine lake, Laguna Lake Development Authority General Manager Edgardo C. Manda formed a coalition to “rescue” the large body of water and create a pivot point to end disregard to the environment.

Darating ang panahon na ang kinuwento ko sa inyo ay hindi na mararanasan ng mga susunod na henerasyon (that is, kung interesado pa rin silang gawin ang mga kinuwento ko. Wala kasing Friendster sa dagat hehe).


Dumaan kanina sa bayan natin ang tinatayang 1,000 cyclists from different cycling associations from key cities of Metro Manila, Bulacan, Bataan, Rizal and Laguna. Parte sila ng "Save The Laguna Lake Bike Caravan". Nagsimula ang caravan kahapon sa Taguig, umikot sa mga bayan sa Laguna at kanina nga, dumaan sa Jalajala ang mga cyclists papuntang Taytay, ang huling hinto ng caravan.

Sana nga lang, ang programang ito na sagipin ang lawa natin ay hindi maging isang ningas-cogon.

Ay eto pa, naalala ko. Mahilig nga pala kaming maghulog ng barya sa jukebox sa may pantalan. Ang kantang lagi naming pinapakinggan, "tears on my pillow, pain in my heart, caused ba youuuuu huhuhu..."

Syempre, dedicated sa chikabaes from Talim Island na nakilala namin. Sa pantalan namin sila huling nakita, isang hapong papalubog na ang araw.

Wednesday, April 16, 2008

"itlog" ni rosemarie sa jalajala

Unang nakilala si Rosemarie Joy Garcia sa isang pelikulang may pamagat na “Itlog” na kinuhanan sa Jalajala Rizal nuong 2002. Mag-aapply sana siyang entertainer sa Japan subalit namataan siya ng Seiko Films at kinuhang artista.

Ang pelikulang “Itlog” ay tungkol sa isang babaeng napilitang magpakasal sa isang mas mayamang matandang lalaki (na ginampanan ni Celso Ad Castillo) na nagmamay-ari ng isang duck farm sa Jalajala para mabayaran ang utang ng pamilya ng babae. Nakasama nila sa duck farm ang isang ex-con na binata na inampon ng matanda at dito napukaw ang damdamin ng dalaga para sa binata. Dumating din sa duck farm ang anak na lalaki ng matanda na gustong kuhanin ang kayamanan ng ama. Dito umikot ang istorya ng pelikula.

Ayon sa film review ng Catholic Initiative for Enlightened Movie Appreciation, ang pelikulang “Itlog” ay umikot sa temang KKK, kalaswaan, kasakiman at karahasan. Ganun pa man, nakilala sa pelikulang ito si Rosemarie Joy bilang hubad na bidang babae. Di nagtagal, nasundan pa ng ibang pelikulang may katulad na tema na kanyang pinagbidahan gaya ng “Bakat”, “Kasiping” at iba pa. Mas naging sikat pa si Rosemarie Joy ng makuha siyang talent ng GMA-7 Network kung saan lumabas siya sa Bubble Gang, Engkantadia, at nasundan pa ng iba pang sikat na shows.

Naging regular din siyang nakikita sa mga magazines at tinanghal pang isa sa mga pinakaseksing babae sa Asya.

Malamang ay kilala nyo na si Rosemarie Joy Garcia na mas kilala sa pangalang Diana Zubiri.

Anong kaugnayan ni Diana sa Jalajala?

Dati ko kasi siyang ex-gf na aking hiniwalayan dahil ayoko na sa kanya. True story. Peksman.



*download/view sample video clip of Itlog HERE (for adults only)

Monday, April 14, 2008

no kubeta (sa jalajala), an i-witness documentary

Kadalasan, masarap ang pakiramdam kapag nati-TV, kahit saglit lang makita ng mga kakilala mo ang iyong karakas sa TV, masaya ka na. Kahit pa nga ang bayan mo, kapag na-TV, masarap ang pakiramdam. Proud ba.

Maliban na lamang kung ang paksa ay gaya nito.




pasintabi po sa mga kumakain...

Ayon sa I-Witness documentary ni Sandra Aguinaldo, wala raw kubeta sa lugar na ito sa Jalajala. Hindi ko alam kung saan talaga sa bayan natin ang kuha sa dokyumentaryo, pero kung babasahin ang report na ito mula sa Inquirer.net at sa pinoypress.net tungkol sa dokyu ng I-Witness, tipo bang sinasabi nila na sa buong Jalajala, karamihan ay walang palikuran.

Ekskyus meeeeeeeeeeeeeee… like DUH! Wala raw comfort room sa town natin? Hindi kaya, meron po, no? Nakakahiya the report to my friends…

Hindi natin maikakaila na ilan nga sa mga kababayan natin ay wala talagang kubeta. Pero para isipin na karamihan ay walang C.R., hindi naman ata tama yun. Madali kasing paniwalaan iyon ng mga taong hindi pa nakakapunta sa bayan natin, mas lalo na yung di pa naririnig ang lugar natin. Iisipin talaga nila na malayo tayo sa sibilisasyon.

Pero, subalit, datapwat, may mga katanungan tayong dapat itanong, at sana ay masagot. Unang-una na ang sino ba ang mayor nyo? Sino ba ang mga dating mayor nyo at hanggang ngayon ay may mga lugar pa ding walang kubeta.

Madaling sisihin ang pamahalaan natin, lokal man o nasyonal. Hindi nga ba’t tungkulin nilang pagandahin ang buhay ng kanyang mga nasasakupan? Lalo na iyong mga basic necessities gaya ng malinis na inuming tubig, katahimikan, maayos na kapaligiran, at iyon na nga, palikuran para sa mga nangangailangan.

Pero para sa isang pangangailangan na kayang-kaya naman nating gawan ng paraan, bakit pa natin iaasa sa iba, bakit pa natin idudulog sa mayor? Hindi ba natin kayang gumawa ng sariling kubeta, kahit iyong hinukay lamang? Kahit naman walang toilet seat, basta may isang lugar lamang na tinutuwaran kapag nadudumi ay ayos na. Para lamang hindi nakakalat ang iyong sama ng loob na maaaring maapakan mo, kainin ng alaga mong aso, o kaya ay maamoy ng iyong kapitbahay. Sabi ng katabi ko, mainam na rin daw iyon dahil pataba sa lupa ang ebs ng tao. Ewwwww… kahit pa. Kakainin mo ba ang pechay na pinataba ng tae ko?

Sa akin lang naman, hindi dahilan ang kahirapan para sabihing sa bukid na lang tatae, sa damuhan, sa gubat, o gaya nung napanood natin sa dokyu, sa tabi ng isang poste.


Tuesday, April 1, 2008

gagawing subdivision ang jj?

Mainit na balita at mahalaga para sa iyo.

Simula ngayong April 1, magdadatingan na ang mga naglalakihang trak at buldozer sa may Brgy. Bayugo at sisimulan na ang pagtatayo ng isang malaking subdivision na sasakop sa kalahati ng Bayugo hanggang parte ng Gitnang Bayan.

Napag-alaman ko sa isang very reliable source na naibenta na ng mga de Borja, na sinasabing nagmamay-ari ng Jalajala, ang parteng ito ng lupa sa isang grupo ng Fil-Chinese businessmen at Taiwanese investors. Mapapaalis sa kanilang tinitirahang lupa ang mga taga Jalajala na maaapektuhan.

Sinubukang pigilan ang proyektong ito ng lokal na pamahalaan ng Jalajala subalit wala silang nagawa ng ipagpatibay ang proyekto ng Korte Suprema.

Sa iba pang mahahalagang balita.

April 1 today na mas kilala sa buong mundo bilang April Fool’s Day kung kailan sinasabing wag kayong maniniwala sa mga bali-balita lalo na kung hindi kapani-paniwala. Ang mga naniwala sa mga gawa-gawang balitang ganun ay sinasabing April Fools.

Pero alam nyo ba na sa kalendaryo ni Chuck Norris, pakatapos ng March 31 ay April 2 kaagad? That’s right. Because nobody can fool Chuck Norris.

Corny.