Wednesday, February 18, 2009

ang bagong mukha


ITO NA ang bagong mukha ng bayan natin. Kupo, bangganda aba, walanting.

Kung ikaw ay manggagaling sa Maynila, ito ang bubungad sa iyo bago pumasok ng bayan, ang bagong munisipyo ng Jalajala, Rizal (pero hindi pa naman lumilipat ang mga opisina dito, malapit na, kaya Kuya Francis, wag kang atat hehe). Ito ang simbolo ng sinasabi nilang pagbabago at simula ng pag-unlad. Malapit ito sa Ynares Provincial Hospital na patuloy na isinasaayos para sa mga nangangailangan ng pagkalinga. At kasalukuyan ng ginagawa ang public highschool ng Jalajala. May plano na rin sa gagawing isang "recreational park" na handog ng bansang France sa atin, "merci, monsieur".

Kung ano man ang paniniwala mo at "political affiliation", hindi mo maikakailang ang bagong munisipyong ito ay dapat nating ipagmalaki. Natatandaan ko kasi dati nung makita ng mga kaibigan kong taga-Pasig ang lumang munisipyo, natatawa lang sila dahil mas malaki pa daw ang barangay hall sa Pasig. "Bwiset, monsieur".

Ngunit, subalit, datapwat, anong gagawin dito sa lumang munisipyo?



Sana naman ay wag pabayaan ang lumang munisipyo, gaya ng nangyari sa lumang munisipyo ng Pililla. Marami na kasing istoryang naganap sa munisipyo gaya na nga nung naikwento sa atin nuon ni Criselda Catyaliss. Isa pa, marami na rin akong di malilimutang personal experiences sa lugar na iyon, gaya ng pagpapa-cute sa mga crush, panonood ng sayawan, amateur at liga.

Dapat lang na mabuhay tayo sa "ngayon", harapin ang "kinabukasan" subalit wag kalilimutan ang "nakaraan". Dahil sabi nga nila, "ang di lumingon sa pinanggalingan..."

...malalim kung matinik

...ay walang nilaga

...may stiffneck

...sa simbahan pa din ang tuloy

...ay kukuhanin sa santong paspasan

2 comments:

Anonymous said...

ganda nman ng kuha sa bgong mnusipyo. ang ganda ng langit pro di ko mashado type ang kulay ng pintura.

paolo said...

sabi nga ni choknut, mukha daw si bayani fernando ang nagpagawa hehe